Hindi naman talaga alam ni Miala kung anong nagtulak sa kanya para iwan si Riley at lumabas. Para na lang siyang natauhan nang malayo na pala sila ni Lenard sa school. Parang isang malaking blanko ang nangyari noong sumakay siya hanggang sa malapit na sila sa may village ng bahay nila.
"Ehem.." She forces a cough. Alam niya kasing nagpapakiramdaman sila sa kani-kanilang peripheral vision. Nagbalik na naman ang awkwardness nila simula kaninang umaga.
Wala silang imikan. And Miala realizes she has defied all of her friends' words para sumama lang dito. Tama nga talaga ang tantsa ni Franchette sa kanya.
So she would use all this chances para naman may mapala siya. Para naman may masabi siya kay Franchette at Riley na maganda, bukod sa pagpapakatanga niya. She vowed. Hindi siya aalis sa tabi ni Lenard ngayong gabi. Not until she finds some answers.
"So, if you don't talk, then I really won't forgive you."
"H-hindi ko ine-expect na sasama ka."
"Ayaw mo ata eh." She trying to make the situation light. Kahit alam naman niya na nagulat lang din siguro ito sa pagbabago ng attitude niya towards him. Kanina lang ay halos nanay niya pa ang pumilit na magdikit sila ng kahit isang metro. Tinakbuhan niya pa nga ito pagdating na pagkadating nila.
"I'm sorry."
"Stop saying things you don't mean, okay."
"But I'm really sorry."
"For what? Pinaguusapan natin 'yung pagkagulat mo sa pagsama ko. Alam mo kung sa totoo lang, dapat talaga hindi eh. Nagulat na lang din ako."
Humarap si Miala sa labas. Sa paglabo ng mga ilaw sa bilis ng takbo nila. Gumagabi na. Alam niyang maraming tanong si Lenard. At alam niyang alam din ni Lenard, na mas marami siya tanong kesa dito.
And he's waiting. He kept quiet now, na parang hindi alam kung anong sasabihin na kahit 'yung paghingi niya ng tawad, mababara lang ni Mia.
"What do you want me to say?"
Nagulat sila parehas sa pagdaan nila sa isang speed bump. Hindi ito napansin ni Lenard.
"I'm sorry. I'm sorry that I keep saying sorry." Inunahan na ito ni Lenard bago pa muling umalma si Miala.
"Just say it."
"Say what?"
"Your reason."
"Akala ko ba you won't forgive me over your dead body? You won't forgive me kahit na anong mangyari?"
"So ganyan? Kailangan may assurance na papatawarin ka? Bago mo sabihin dahilan mo? Ano 'to Lenard? What happened to you? Nagbago ka na ba talaga o sadyang hindi lang pala kita kilala dati?"
"H-hindi ko lang alam kung anong pwede kong sabihin sa'yo, Mia. Don't tell me you didn't see that I tried, hindi ba?"
"Don't push it." She warns him. "Where are we going? Are we heading at the hospital?"
"Sumasakay ka sa'kin Mia, hindi mo alam kung saan tayo pupunta?"
"I said don't push it!" Halos hinambalos niya ang braso ni Lenard. Sobrang naiinis na talaga siya sa mga paligoy-ligoy nito. But he dodges and catches her hand. At the end, they swerved into different lanes.
"So now, you'll really kill me, para lang patawarin kita?!" Sumisigaw na si Miala. "Swerving monster."
Miala remembers this is still the same car they've used a couple of times noong sila pa. It's the same car he loved na kahit ma-pride ito, na kahit galit ito dati sa tatay nito na nagbigay nito, he loved this very car. Kung gaano kagulo ito sa kwarto at sa ilang bagay, ganito ito kaayos sa kotse.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...