Chapter 50 - Honesty Hour (October 31, 2018)

18.4K 619 392
                                    

#IHK50

#IHK50

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gagi."

"Adik ka kasi. Hindi kita pinapapili. Tinatanong ko kung sino sa kanila ang problema mo?"

Napabungisngis tuloy si Mia. Talagang nag-assume siya doon na may choice talaga sila sa dalawang 'yun. She felt guilty as if objectifying the two guys.

"Hindi kasi. Madami namang problema 'di ba? Si Tom. Sa bahay namin, alam mo rin naman set-up. 'Yung si Lenard. Pero si Andy, hindi 'yun problema no. Baka ako pa nga ang problema niya eh."

Ngumiti lang si Riley.

"Ano na naman 'yang ngiting 'yan?"

"Wala."

"Anong wala?"

"Aba, ikaw lang ba ang may karapatang magsabi ng wala?" Pabirong sabi ni Riley.

"Adik ka. Ano nga?"

"Hindi natawa lang ako sa'yo. You, putting a good word for someone."

Natawa na lang din si Mia.

"Ako nga hindi ako binibuild up sa kahit kanino! Sinisiraan mo pa ako."

"Hoy kahit kailan hindi kita siniraan, hayop ka."

"Tignan mo tinatawag mo pa akong hayop."

"Just in case you didn't know, lahat tayo hayop!"

Napaatras si Riley.

"Saan ka natutong magsalita ng ganyan."

"Anong pinagsasasabi mo."

"Ewan ko sa'yo Mia!"

The two of them both laughed at each others' antics na parang wala ng bukas. Natapos ang buong araw na nagkikita sila sa pagtapos ng bawat klaseng hindi sila magka-klase. Kaya nang magdismissal, halos sukang-suka na sila sa isa't-isa at sa mga corny na usapan na lumalabas sa pagitan nila na hindi na nagpahatid pa si Mia sa best friend.

Mag-isa na lang siyang nagaabang ng jeep sa south gate nang pumarada si Lenard sa harap niya.

"Anak ng pucha."

"Sakay na Mia."

"Lenard ano na naman ba 'tong palabas na 'to?" Tumingin siya sa iba pang nagaabang ng jeep at nakita niyang naiirita na ang mga ito sa eksenang ginagawa nila at sa pagharang ng sasakyan ni Lenard sa Loading and Unloading zone.

"Sakay na."

Napilitan tuloy si Miala na sumakay.

Inisip niya na lang na kung ano man ang gusto gawin ng lalaking ito, once and for all, gagawin na niya. Tatapusin na niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Iinom tayo?"

"Bakit tayo iinom?!" Tinuro ni Lenard ang plastic ng can of beers sa likod.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon