Chapter 18 - Where is she? (July 26, 2018)

165K 2.9K 397
                                    

Pinagpatuloy ni Jane ang pagentertain kay Miala.

"Sigurado ka ba talaga, hindi ako nakakaabala sa sexy time niyo?" Seryosong tanong ni Miala habang nakaturo sa mga petals na nasa sahig. "Ang daming paandar ng asawa mo ah. Noice! Asawa! Oh my god, may asawa ka na, parang hindi pa rin ako makapaniwala."

"Loka-loka!"

"Kaya nga eh. Baka magalit na si Tom bigla na lang pumasok dito at mag-ala Ryan Agoncillo sa Kasal Kasali Kasalo, hingin niya 'yung human rights niya as a husband. Yikes!" Punung-puno ang imagination ni Miala.

"Hindi nga kasi kami magse-sexy time ngayong gabi. My god. Sobrang pagod. And we've already have our own fare share of sexy time no."

Pinamulahan ng mukha si Miala. Not because bago sa kanya ang ganitong usapin, pero naisip niya lang din bigla 'yung mga oras na intimate sila ni Lenard.

Sobrang tanga niya nang kinikilig pa noon habang pinag-uusapan kung paano sila bubuo ng pamilya kapag nagkatrabaho mayaman na sila. Kapag naiisip niya ngayon, hindi niya maiwasang mag-cringe.

"Ano, may naisip ka na naman?"

"Ha, hindi. Wala. Kadiri naisip ko lang dati."

"Aling dati, 'yung sexy time niyo ni Lenard."

Hindi naman nagkaila si Miala. They were 5 years into their relationship at oo, they at least became a little too intimate with each other.

"Naalala ko lang nung ano nagmo-MOMOL kami sa bahay nila dati. Yuck kadiri!" Hindi siya makapaniwalang ginamit ang term na MOMOL sa pagkukwento kay Lenard. Naisip niya kasi na kahit kalian hindi naman kasi nila napagkuwentuhan and now is like the right time and the right amount of alchohol para ishare niya ito.

"Grade 12 na kami 'non 'no. I just turned 18. Para kaming mga teenages with raging hormones sa kanila. Siyempre natigilan kami when we heard of his dad's car. Ang lakas din ng pagbukas at pagsara ng gate." Thinking about it, in hindsight siguro kaya nilalakasan ng tatay ni Lenard ang paggalaw dahil iniisip na nito ang madadatnan sa loob. Pero hindi niya na ito sinabi kay Jane at ipinagpatuloy ang kwento.

"Ayun. Kapag dadating na ang tatay niya, his mood will change. 'Yung gana niya? It just plummets into a whole new low na parang wala na siyang feelings kapag kaharap na 'yung tatay niya. His dad. His name's Sonny. He was nice naman. Siguro may mga hindi pinagkakaunawaan lang sa asawa nito kaya naghiwalay pero siyempre iba ang blow sa kanya. Babatiin lang ako 'nun tapos aakyat na at magpapahinga."

"Tapos tahimik na lang siya. Ipapaalala ko na lang sa kanya 'yung plano namin. Na pag nakagraduate na kami ng senior high, sa Verde, masaya na kami. Parang 'yun 'yung iniisip naming Utopia."

"Wala. Ilang linggo na lang. Graduation na. Halos mag-countdown na nga ako sa pagpasok naming sa Verde eh. Naplano ko na lahat. Nasabi ko na sa nanay ko na nakapasa ako doon. Nag-iyakan kami pero ultimately pinayagan niya ako dahil dorm naman daw, basta uuwi daw ako every weekened at huhulihin niya daw ako sa mga surprise visits nito doon kung magboyfriend ako. Pero wala. Nawala na lang siya. 'Ni hindi nga siya naka-attend ng graduation. Sila ni..."

Napansin na lang ni Miala na nakatulog na pala si Jane. Hindi niya alam kung hanggang saan pa ang narinig at naintindihan nito sa sinasabi niya pero naiintidihan naman niya. Ang stress nang mga pagaasikaso sa sarili nitong kasal, finally natapos na.

Inayos niya ang damit nito at tinanggal ang mga pwedeng tanggalin katulad ng stockings, mga alahas, at extensions.

"I'm so proud of you!" Bulong niya dito bago tuluyang lumabas.

Hindi niya naman inexpect na nagkakagulo ang mga tao sa paglabas niya.

Nang makita si Jewel, tinanong niya kung anong nagaganap.

"Si lola ni kuya L-len... nawawala daw."

"Huh?"

Pati siya ay nagpanic.

Narinig niya na lang na dinedescribe niya ito sa mga tao na nandoon.

"Wala siya sa kahit saang sulok dito eh. Hindi rin sumasagot." Nagaalalang sabi nito.

"Nakawala ka ng isang buong matanda?" Miala can't help but exclaim.

"Mia. Please. Totoong nawawala ang lola ko."

"Kesa idescribe mo, wala ka bang picture?" She asks.

Nagpakita naman si Lenard ng picture ng matanda.

Miala realizes na ito 'yung matandang babae na nagchi-cheer sa kanila habang tinatanong ang audience kung may mahahalit ba.

Ayaw sana ni Mialang makipagaway, pero hindi niya mapigilang sabihan ito.

"Wala ka talagang kakayahang mag-alaga ng kahit ano 'no. Pati lola mo. Well ganyan ka naman. You can't take care of any. Single. Thing."

Masakit na napatingin sa kanya si Lenard.

*later*

*later*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon