Chapter 29 - He deserves all the happiness in the world (August 25, 2018)

158K 2.7K 383
                                    

Sonny reserved in a gaming café and restaurant, a few kilometers away from their house. Bago lang ito at kahit si Lenard, first time lang makapasok sa lugar na ito.

"Wow. Nakapalaki!" Halos hindi maisara ni Lenard ang bibig niya. Pagpasok pa lang nila, hindi na siya makaniwala sa lawak ng Low Grounds Café. Puro mga estudyante at mga creatives ang nakapuwesto sa bukana. May smoking area din ito na punong-puno ng mga taga advertising agencies at production studios.

Ramdam na ramdam ni Lenard ang energy sa lugar kaya ang saya lang niya.

Pagpasok pa sa loob, mayroon pang dining area para naman sa mga gustong kumain ng proper meal. Sa tabi nito, isang malaking gaming area ang makikita. Lalong nagningning ang mga mata ni Lenard. Sa isip-isip niya, siguradong magugustuhan ni Graciella ang lugar na ito. He made a mental note to recommend this place to his gamer girl.

"Maglaro muna tayo?" Yaya ng tatay niya.

He didn't expect that his dad will ask him to play like this.

"Talaga ba, dad?"

Hindi maintindihan ni Lenard how they noise never gets too stifling kahit na ang ingay talaga ng mga tao, lalo na sa gaming area. Siguro dahil sa lawak na rin ng lugar.

Tuwang-tuwa siya na halos lahat ng nakikita niyang computer units dito ay mga predators.

Halos dalawang oras silang naglaro ng tatay niya dahil pagtingin niya sa orasan, magaalas otso na.

"Great game, dad."

"Wala. Hindi talaga ako magaling sa mga ganyan." Napapailing na lang si Sonny habang tumatayo mula sa computer chair.

They settled in a private space sa 2ndfloor ng lugar. Mas malamig pero mas kumportable din. Parang pina-sosyal na ktv place at may personal na nagse-serve.

"Hindi ba mas mahal dito dad? Okay lang naman sa may dining area nila, I think may pwesto pa."

"Ah... Hindi. It's okay." Sonny dismisses his questions.

Dito na nagbalik lahat ng seriousness ni Lenard. Dito lang ulit niya naalala na kaya nga pala sila nandito ng tatay niya dahil may paguusapan silang mahalaga.

And his dad just made him play to entertain him. This really proved the fact that what his father is about to say, is either grave or important, or both.

Umorder si Sonny ng french onion soup, salted egg calamari, US rib-eye steak, Cajun pork belly, grilled salmon steak, carbonara pizza at mac and cheese, at dalawang beer tig-isa sila. Sobrang dami na talaga para sa kanilang dalawa, na nagtataka na si Lenard kung bakit tinatanong pa siya kung anong gusto niya.

Umiling si Lenard at naging sobrang awkward ng environment nang umalis ang waiter. Parang nagbalik na naman sila doon sa panahon na may hindi sila pinagkakaunawaan ng tatay niya. Dahil alam ni Lenard na parang mauuwi naman doon ang usapan nila, he just can't stare directly in his dad's eyes.

Kinakalikot lang niya ang phone niya. Nagtetext dito. Nagba-browse ng feeds at story, hanggang sa nagsidatingan na rin finally, isa-isa ang inorder nila.

"So..." Sabi ng tatay niya nang mai-serve na ang huling dish na inorder nila.

"Yes dad?" Biglang napadiretso ng likod si Lenard. He felt like he is being disciplined at the moment.

"Siguro alam mo na 'to. Siguro, pumasok na rin sa isip mo 'to since I told you I will talk about this with you... in the right moment. This is the right moment, I think."

"Po?" Nag-isip si Lenard. Tungkol nga ba saan ito?

Doon biglang bumalik sa utak niya the time when he first introduced Graciella to his dad. Tinanong siya nito kung magpapakasal na siya. And he seriously saw how his dad became so relieved nang sabihin niyang wala pa sa utak niya 'yun. Dahil ito daw ang mauuna.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon