Inis na inis si Miala. Palagi na lang ba siyang itutulak ni Lenard sa sulok? Ano bang ginawa niyang masama 'nung past life niya para i-deserve niya ang ganitong fate? Hirap na hirap na nga siya noong nawala ito, mas nahihirapan naman siya ngayong bumalik ito na parang kabute.
Isang nakakalasong kabute.
"Go away!" Pero hindi niya alam kung paano siya makakasigaw ng malakas na hindi maririnig ng kung sino mang natira sa labas. Something tells her to just go to her mom and tell everything. Isumbong si Lenard sa lahat ng katarantaduhang ginawa nito noon at ngayon.
But she can't. She just can't. Her mom isn't like other people who'll look past one's mistake. Mauungkat lang din ang sikretong tinago niya noon.
"Mi."
"Stop!"
Sobrang natatakot na talaga siya lalo na sa biglang paglitaw ng silhouette nito sa labas lang ng pintuan ng veranda niya kung saan glass sliding door at kurtina lang ang pagitan.
Sisigaw na sana siya si Miala when she heard knocking on the other door. Naguluhan siya. Is her mom back? Biglang umurong ang dila niya.
"Mia, ako ito." Si Lola Roxy.
Agad-agad niyang binuksan ang pintuan.
"Mia!" Sigaw naman ni Lenard mula sa veranda. Gustong-gustong hilahin ni Mia si Lola palabas pero natigilan siya sa sinabi nito.
"Anak ng! Si Lenard ba 'yun? Lenard! Anong pinagagagaawa mo diyan sa labas ng pintuan ng ex mo?!"
Doon parang napahiya si Miala. She didn't know even Lenard's grandma knew something about their past relationship. Gusto niya ng matunaw into a puddle of goo pero dahil umalis na rin si Lenard sa labas ng veranda niya na parang spiderman na tumawid ulit sa kabila, nagpasalamat na rin siya kay lola.
"Pagpasensyahan mo na lang 'yang apo ko."
"How did you—"
"Lenard, bibilang ako ng tatlo, huwag kang parang magnanakaw diyan! Layas!" Sigaw ulit ni Lola Roxy.
Maya-maya ay biglang tumahimik na at pumasok na ng tuluyan si Lola Roxy sa kwarto ni Mia. Ito na mismo ang nagbukas ng pinto sa veranda para i-check kung nandoon pa si Lenard.
Nanatili lang si Mia sa kinatatayuan, nag-iisip kung ano na ba talaga ang nangyayari.
"Jusko si Lenard. Nako." Tumatawa-tawa ang matanda habang sinasara ulit ang bintana. "'Yang batang 'yan, makulit lang talaga. Kilala mo naman 'yan 'di ba. Ganyan talaga talaga siya 'di ba? May pagkabaliw."
"Oo nga po eh." Sagot ni Mia impulsively.
"Ay, sumagot pa nga siya oh."
Napahiya si Mia at namula ang mukha.
"Ay. Siya nga. Namumula talaga ang 'yong mukha."
Hinawakan ni Mia ang dalawang pisngi para ikubli ang mala-kamatis na mukha kahit nakita na naman ito ni lola. Pati pala ito ay nakuwento ni Lenard.
"Mahal mo pa si Lenard?" Biglang tanong ng matanda.
"LOLA!" Lalo tuloy namula ang mukha niya.
"Hala siya! Halatang-halata hija!" Nakadaop ang mga palad nito.
"Lola naman! Hindi lang naman po sa kilig namumula 'yung mukha ko."
"Aysows?"
"True po!"
Gustong uminom ni Mia ng tubig dahil init na init na siya. Tumingin siya pintuan at inaalala na baka makita niya si Lenard kung lalabas siya. Hindi niya alam kung mahihiya ba siya o maghuhurumentado.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...