Chapter 1

525 12 0
                                    

Cheonsa's PoV

Grabe ang init agad dito sa Pilipinas kakarating ko palang dito at kakaapak init agad ang tumambad sa akin.

Kung nagtataka kayo saan ako nanggaling ay nanggaling lamang ako sa Korea. Yeah, Korea you heard me right, I'm half Korean and Half Filipino pero lumaki ako dito sa Pilipinas at nagbakasyon lamang sa Korea.

As for now susunduin ako ngayon ng aking mga kaibigan. Gusto niyo malaman kung sino? Ang kanilang mga pangalan ay sina Hanna,Violet and Jessica.

Ang ibang nakakakita sa amin ay pinagkakamalan kaming quadruplets dahil lagi kaming magkakasama.

"CHEONSA!!!!" Rinig kong sigaw ni Jessica habang kumakaway pa ito, sa sobrang lakas ng kaniyang sigaw ay pati ibang tao napatingin sa direksyon niya.

"Jessica! Hanna! Violet!" Isa-isa kong bati sa kanila.

"Wow girl ganda mo na." pangiting sabi ni Violet, nginitian ko siya at sabay sabing...

"I know right." At sabay kindat sa kanila, 'yan tuloy tinignan ako ng parang baliw.

"Asan nga pala parents mo?" Sabay tanong ni Hanna sa akin.

"Nauna na ako sa kanila susunod nalang daw sila sa akin." Tumango nalang si Hanna at umalis na kami sa Airport.

"So, Cheonsa kwento naman diyan." Pa-excited na sabi ni Violet sabay kapit sa aking braso.

"Yeah, Cheonsa tell us a Story, how's Korea?" Tanong ni Jessica. Hindi pa pala masiyadong nakakatagalog 'tong si Jessica? Akala ko marunong na siya. Si Jessica po kasi naging kaibigan ko siya nung nasa America pa ako at sumabay lang siyang umuwi dito sa Pilipinas kasi nandito 'yung kaniyang Mama at pinayagan naman siya ng kanyang Foreigner dad na pumunta dito.

"Nagkaroon ako doon ng Guy best friend." Nung sinabi ko 'yon kung ano-ano na ang pinagtatanong, kung gwapo daw ba, ano hitsura, pogi ba, mabait daw ba? Mga Babaeng talaga 'to.

"Guys, can you please shut up?? Grabe kayo sangkatutak na tanong isa-isa lang." Sabi ko na naiirita, ikaw ba namang tanungin ng sabay-sabay hindi ka ba maiirita? Tanging si Hanna lang ang tahimik at naghihintay sa sasabihin ko.

"Ako muna." Sabi ni Violet, grabe 'tong babaeng 'to ang landi talaga.

"Pogi ba?" Pogi agad tinanong, 'di man lang tinanong kung mabait o gentlemen, diretso sa 'Pogi ba?'

"Well, yeah he is half Korean and Filipino like me." I said to her at para bang iniisip nito kung ano ang itsura ng lalaki.

"Anong pangalan?!!" Dadalhin ko na talaga sa mental 'to pati ba naman pangalan.

"Timothy Smith Jeon." Nung sinabi ko 'yon lalo siyang kinilig hindi pa nga niya nakikilala ng lubusan ay ganiyan na siya makaasta paano pa kaya pag nagkita na sila.

"OMG! name palang pogi na!!" Binatukan ko si Violet pero hindi masiyadong malakas baka madagdagan ang pagiging baliw. You know.

"Baliw." Sabay sabi ko sa kanya at tumawa.

Hindi rin tumagal ang tanungan ni Jessica at Violet siguro naubasan na ng laway. Bilib talaga ako sa katahimikan ni Hanna walang imik-imik hindi man lang nagtatanong.

"Ikaw Hanna wala kang itatanong?." Tumingin lang siya sa akin at umiling na hindi.

"Ah okay."

Ilang oras din kami bumiyahe at salamat nakauwi rin sa bahay siyempre with my friends siguro mago-overnight sila ngayon dito.

"Dito kayo matutulog?" tanong ko sa kanila habang lumalakad papunta sa aking kuwarto.

" Yup!"

Inayos ko ang aking gamit sa kuwarto at nagpalit narin at sabay higa sa malambot kong kama. Namiss ko na 'tong kamang ito.

Habang nag mo-momment kami dito ng kama ko ay biglang may kumatok sa pinto at hindi pa ako nakakasagot ay pumasok agad. WOW. Just WOW.

"Uy girl pajama party tayo." Grabe si Violet lang pala, isang katukan lang pasok agad? Hindi pa sinasagot kung pwede siyang pumasok o hindi eh.

"Sige, saan ba?" Bigla syang umupo sa kama ko at mukhang alam ko na kung saan.

"Tawagain mo na sila." Maikli kong sabi sa kaniya. Dali-dali naman niyang tinawag si Hanna at Jessica. Nang makarating na sila dito ay agad sila umupo sa kama ko.

"So... let's go shopping tomorrow?" Ang tindi nito ni Jessica shopping agad eh kakarating pa nga lang namin at wala pang pahinga.

"Sige!!" Isa pa 'tong si Violet pag untugin ko kaya 'tong dalawa.

"Okay lang sa akin pero kailangan naman nating pagpahingahin si Cheonsa baka pagod pa siya sa biyahe niya." Mahinhin na sabi ni Hanna.

"Sige, pero next day let's go shopping okay?" Sabi ni Jessica, tumango lang ako na may ngiti, buti naman at naisipan nila.

"Okay now let's sleep." Wait, dito sila matutulog?? I look at them at aba grabe nauna pa silang humiga kesa sa akin buti nalang malaki kama ko at nagkasya kami.

Next day~

"Bilisan mo Cheonsa magbihis grabe ang kupad mo." Wow makapag salita ka diyan Violet parang tapos ka na ah?

"Hiyang-hiya ako sayo." Sabi ko sa kaniya at sabay tingin, tinignan lang ako ng nakangiti, nako Violet sasakalin kita.

Nang tapos na kami makabihis ay agad kaming dumiretso sa mall para mag-shopping, si Jessica kasi hilig mag-shopping akalain niyo 'yun kung sino pa mas bata siya pa mahilig sa mga ganito.

Pagkarating namin sa mall ay sa damitan agad kami pumunta alam niyo naman kaming mga babae mahilig sa damit pero ako simpleng damit okay na sa akin 'di naman ako 'yung grabe magbihis na kita pati kaluluwa, conservative si ate niyong Cheonsa.

"Ouch!" Grabe ang sakit ng pwet ko ang sama naman ng taong bumunggo sakin.

"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!!" At ako pa talaga ang hindi tumitingin sa dinaraanan ha? Hiyang-hiya ako sa kanya, siya na nga nakabunggo siya pa galit.

"Tsk, clumsy." Papatayin ko 'tong lalaking 'to! Tinignan ko kung sino at aba pogi si kuyang suplado kaso grabe 'yung ugali niya kala mo sinapian ng demonyo.

"Siya na nga ang nakabunggo siya pa ang may ganang magalit." Sabi ko sa kanya and I gave him a death glare. Nako kung nakakapatay lang ang glare siguro patay na kaming dalawa, paano naman kasi he glared back at me grabe siya pati babae pinapatulan.

"Alis nga dyan!" sabi nya ng pagalit at sabay sanggi sa balikat ko. Nako papatayin kita kung sino ka mang lalaki ka! Makikita mo!

"Kuya wait lang!!" Huh? May kapatid siyang babae? Ang ganda ng sister niya, wait may mga kasama pa silang limang lalaki at puro pogi, 'yung dalawa may kasamang babae siguro girlfriend nila 'yun.

"Uy Cheonsa okay ka lang?" narinig kong tanong ni Hanna na nasa likod ko, hinarap ko siya at sinabi kong "okay lang."

"Tara na inaantay na tayo nila Violet sa labas." Sabi niya at sabay turo sa labas kung saan nakatayo at naghihintay sila Violet. Pero ito ang hindi ko makakalimutan yung supladong walang modong lalaking iyon!

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now