Chapter 25

57 4 9
                                    

Cheonsa's PoV

Yung panaginip kong 'yon. What was that? Para siyang mga alaala pero impossible naman yun.

"Seryoso ng mukha natin diyan ah." Rinig kong sabi ni tukmol. Nakarating narin pala kami dito sa pag-cacampingan namin, maganda siya at presko ang hangin.

"Wala, bakit gusto mo mukhang tanga ang mukha ko?" Sabi ko na naka-seryosong mukha parin. Di kasi talaga maalis sa isip ko yung panaginip kong yun. Ang weird lang.

"Bakit hindi?" inirapan ko nalang siya at hinanda na yung mga gamit namin. Kinuha ko narin yung tent. Isa lang siya.

"Isa lang dinala mo?" Tanong ko dito.

"Oo, bakit sinabi mo bang dalhan kita?" Padabog ko nalang kinuha yung tent. Nakakainis siya alam naman niyang kasama ako pero isa lang dinala niya. Abnormal 'tong Mamon na 'to!

Inilapag ko yung tent at itinayo. Ano ba 'yan ang hirap naman nito.

"Tukmol tulungan mo nga ako dito!" Pero hindi niya ako pinakinggan at nagselfie-selfie pa, bato ko 'yang cellphone niya eh.

"Ah, tulungan na kita diyan Cheonsa." Buti pa 'tong si Theodore maaasahan 'di katulad ng isa diyan.

"Salamat Theodore!" Sabi ko dito at nag eyesmile sa kaniya. Omg nagblush siya! Ang cute niya lang.

Nang matapos na naming matayo ang tent ay agad namin ding tinulungan ang iba.

"Camp fire tayo mamaya!" Request pa ni Gabriel na...eherm nakaakbay kay Violet. Mukhang may bagong couple ah.

"Kabayo este Gab." Tawag ko dito at buti naman tumingin sa sa'kin.

"Oh?"

"Kayo na?" tanong ko sabay turo sa kanilang dalawa. Nagkatinginan pa sila tapos sabay tingin sa'kin tapos nagkatalinginan ulit sila tapos tumingin ulit sa'kin. Ayos lang ba ang dalawang 'to?

Tapos yun hanggang sa tanggalin na ni Gab ang pagkakaakbay kay Violet.

"Hindi ah." Deny pa kasi halata na naman eh. Iniwan ko nalang sila, kung isa lang ang dalang tent ni tukmol eh...SAAN AKO MATUTULOG NIYAN?! Hindi naman pwedeng sa labas ako matulog for sure malamok!

Pinuntahan ko si tukmol na para bang ang sama ng aura nito.

"Kung isa lang ang dala mong tent. SAAN AKO MATUTULOG ABER?" Sigaw kong tanong dito, totoo naman eh.

"Ewan ko sa'yo." At tinalikuran na'ko. Aba naman! Ang cold nanaman niya, kanina eh parang okay naman kami tapos ngayon magiging cold siya sa'kin? Abnormal.

Pinuntahan ko sila Hanna baka sakaling maka-share ako.

"Hanna, ahm pwede bang maki-share sa tent mo?" Tanong ko dito.

"Nako, sorry Cheonsa pero kasama ko na si Eunice eh." Aww...sinabi ko nalang na okay lang at pinuntahan si Jessica.

"Jessica do you mind if I share with your tent?" Sana um-oo siya pero sad to say.

"Sorry Cheonsa but I already shared it with Violet." Nginitian ko nalang siya..wala na talaga.

.....

.....

.....

Aha! Baka sila Alexis unnie pwede pa!

Pinuntahan ko si Alexis unnie baka sakali lang.

"Unnie pwede bang maki-share sa'yo ng tent? Si tukmol kasi eh."

"Aw, sorry Cheonsa pero ka-share ko na kasi si Vannah eh." Tumango nalang ako. So sad naman wala akong matutulugan, nakakainis talaga yung tukmol na 'yon!

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now