Chapter 12

42 4 0
                                        

Cheonsa's P.O.V

Umaga na at ramdam ko ang sariwang hangin, kaya napasinghap ako ng malalim at nilasap ang sariwang hangin na ito.

Inayos ko ang higaan ko and do my morning routines.

"Good morning Ate!" Bati sa'kin ni Eunice na kakagising lang, at pagtingin ko sa kama ni Alexis Unnie ay wala na siya, siguro bumaba na yun, aga magising ni Alexis Unnie.

"Good Morning din." Bati ko rito ng may ngiti, ginawa na din niya ang morning routine niya at sabay nadin kaming bumaba.

"Oh, asan si Violet at Jessica?" Tanong ko ng makaupo na ako, kasi naman wala pa ang dalawa.

"Ah, ayun tulog na tulog pa." Sagot naman ni Vannah unnie at tumawa ng mahinhin.

"Puyat siguro." Sabi ko, hinintay pa namin ang iba na magsidatingan para sabay-sabay ng kumain hanggang sa wala parin si Jessica at Violet.

"Uhm, wait aakyatin ko lang sila." Sabi ni Hanna at tumango nalang kami, hindi rin tumagal at nakababa na siya pero hindi niya kasama sina Violet at Jessica.

"Oh, nasaan ang dalawa?" Tanong ni Vannah Unnie, nako naman nagugutom na'ko eh.

"Mauna na daw tayong kumain mamaya nalang daw sila." Sabi niya at umupo na sa tabi ni......

TIMOTHY! Ikaw Hanna ha, akala ko tahimik ka lang pero duma-damoves ka rin pala.

At ang nakatabi ko naman ngayon...

Si Bryantukmol! Kaya tuloy parang nawala na ang gana kong kumain.

"Uy oh, yung soon to be mag-asawa magkatabi kumain." Asar pa ni Gabriel, kaya naman sinamaan namin siya ng tingin.

"Uy, sabay pa oh." Dagdag pa ni Theodore.

"Tumigil nga kayo diyan." Sige, sungitan mo lang sila Bryan. Ilabas mo ang sungit mo sa kanila.

"PICTURE-AN NA 'YAN! PICTURE-AN NA 'YAN!" sigaw nilang lahat, kung hindi lang talaga ako nagugutom aalis na ako sa puwestong ito.

"Bakit ba kasi dito ka umupo!" Pagalit kong bulong sa kaniya.

"Ayaw kaya nila akong paupuin sa tabi nila!" Talaga lang ha?

"Bakit daw?!" Bulong ko ulit dito.

"Hindi ko alam!" Pabalik niyang bulong.

"Uy, nagbubulungan sila oh." asar pa ni Gabriel, pwede ko bang gawing tapa 'to? Kanina pa malakas mang-asar eh.

Napairap nalang kami hanggang sa dumating na ang pagkain sa lamesa.

Eunice's PoV

Peace kay ate at kuya, kasi hindi nila alam na habang nagbubulungan sila ay pinicture-an namin sila. Buti nalang hindi nila nakita, hindi muna ako tumabi kay ate Cheonsa kasi daw gusto ako makatabi ni kuya Zean, siyempre choosy paba ako.

Kaya ayun ng dumating na ang pagkain sa lamesa ay agad namang kumuha si ate Cheonsa, grabe katakaw na babae.

"Eunice tikman mo ito." Kalabit sakin ni kuya Zean at ng pagtingin ko may hawak siya na kutsara na ang laman ay...what's that?

"Ano 'yan?" Nagtataka kong tanong pero nginitian lang niya ako. Nakakatunaw ang ngiti mo Kuya Zean!

"Tikman mo nalang." Sabi niya kaya naman tinikman ko, hmmm masarap ano 'to? Ang crunchy and yummy niya.

"Ano 'to kuya Zean?" Tanong ko kasi nga gusto ko na talaga malaman kung ano ito.

"Palaka." Ah palak----  PALAKA?! YUCK! NEVER PA AKONG KUMAIN NG PALAKA! NANDIDIRI NGA AKO DU'N EH!

Kaya agad-agad akong pumasok ng banyo para maluwa 'to at nang makalabas na 'ko ay nagtatawanan sila kaya naman napa-pout ako.

"Binibiro lang kita, liempo yun." Natatawa pang sabi ni kuya Zean kaya umupo nalang ako sa upuan ko ng naka-pout parin.

"Huwag ka ngang gumanyan nagmumukha kang pato." Natatawang sabi ni kuya Zean at hinampas ko siya sa braso.

"Kuya naman!" Sabi ko. At tumawa nalang siya sabay gulo ng buhok ko.

Cheonsa's PoV

Bagay si Eunice at Zean, sana magkatuluyan 'tong dalawang 'to.

"Bagay sila." Bigla kong nasabi at nagulat ako ng sunagot yung katabi ko.

"Oo nga eh." Nagkatinginan naman kaming dalawa at umiwas rin.

Nang matapos na akong kumain ay agad akong umakyat at naglagay ng Sun Block since may pagka-sensitive rin ang balat ko.

Matapos kong maglagay ay naglakad-lakad ako sa dagat hanggang sa makita ko si Briantukmol, nakawhite siyang t-shirt na may bulsa sa bandang dibdib at naka-shade pa.

Lumapit ako dito at tinignan naman niya ko ng masama.

"Bakit?" masungit niyang tanong pero ngumiti ako, hindi yung totoong ngiti ah, fake lang.

"Sumalangit nawa." Sabi ko at tumalikod ng tumatawa, kasi naman naka all white siya kaya mukhang kukunin siya ni Lord.

At ayun nga umupo ako malapit sa dagat na paa lang nababasa ng tubig hanggang sa may umEPAL na buhatin ako at hinulog sa mababaw na part ng dagat.

Tinignan ko kung sino yun at aba si Bryantukmol kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Sumalangit nawa pala ah." Ang sama niya inasar ko lang naman siya pero ito ako ngayon basa dahil sa kaniya, lumapit ako dito na masama ang tingin sa kaniya at kita ko itong ngumingisi.

"Inasar lang naman kita ah!" Paggalit kong sabi, buti nalang naka t-shirt at short ako na pwedeng pangligo.

Tumalikod na siya at naglakad pero tumigil siya at sabay sabing...

"Ang bigat mo pala."  Sabay alis ng tuluyan, kumuha ako bigla ng bato na maliit at inihagis sa kaniya, sumapol naman ang baton na iyon likod niya kaya tumalikod ito at nilabasan ko siya ng dila at tumakbo.

Basang-basa naman akong bumalik sa kwarto ko.

"Oh, naligo kana ate?" Tanong ni Eunice sakin na naka-swimsuit na pero may tuwalya naman sa bewang.

"Hindi! Bwisit kasi yung tukmol na yun eh!" Inis kong sabi sabay kuha ng tuwalya.

"Si kuya?" Tanong niya.

"Oo." Maikli kong sagot, nako mga masasamang ispirito sumanib na kayo sa akin at ng mapatay ko na yung Bryantukmol na yun!

"Ano bang nangyari ate?" Tanong niya sa'kin.

"Inasar ko lang naman siya eh tapos ayun inihagis ako sa mababaw na parte ng dagat, 'yan tuloy nabasa ako!" Inis ko namang kwento at rinig ko siyang napatawa.

"Ano ba sinabi mo sa kaniya?" Sasabihin ko ba? Baka tawanan lang din ako eh, pero no choice.

"Sumalangit nawa." At ayun nga tawa siya ng tawa.

"Bakit naman?" Tanong niya habang patuloy parin sa pagtawa.

"Kasi naman naka all white siya!" Sabi ko at tumawa ulit sya.

"Nako si ate talaga!" Sabi niya sabay labas. At naiwan ako ditong naiinis parin sa pangyayari.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now