Cheonsa's PoV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko walang maggawa at nagbabasa lang ng manga.
Si tukmol naman ayon iniwan ako dito, pinapatawag daw kasi siya ng kaniyang mama kaya ayun mag-isa lang ako dito sabi ko sama ako pero ayaw niya kong isama.
Pupunta nalang ako sa bahay nila Manang Cath, matagal tagal narin kasi akong hindi nakakapunta doon atsaka matagal ko na ding hindi nabibisita ang magkapatid. Na&miss ko na yung dawalang 'yon.
Nagbihis na ako at lumabas ng bahay at sumakay na ako ng taxi at sinabi ang address ng pupuntahan ko.
Maya-maya lang ay nakarating na rin ako, ay hala! wala akong dalang pasalubong!
Wait, tanda ko may malapit na mall dito kaya nman lalakarin ko nalang ito papunta doon, hindi naman ako tamad maglakad. Habang naglalakad ako ay parang feeling ko may nakasunod sa akin.
Tumalikod ako at may lalaki sa likod ko. Wait, kilala ko 'yang pagmumukha niya.
"Theodore?" Tanong ko sabay turo dito, napatawa naman siya sa akin at lumapit. Anong ginagawa nito dito.
"Ikaw pala Cheonsa." Napatingin naman ako sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya at napaharap dito, ngumiti naman siya sa akin.
"Wala lang, nakita ko kasing nag-iisa ka lang kaya sinundan kita. Masama naman kasi na pabayaang maglakad ng mag-isa ang isang magandang dilag na tulad mo hindi ba?" Ano'ng nakain nito't nasabi 'yan? Alam jong weird 'tong si Theodore pero parang mas weird siya ngayon.
"Kaya ko sarili ko." Natatawa kong sabi sabay palo sa braso niya.
"Oh siya may bibilhin pa ako, mauna na ako." Tumango naman ito at nagpaalam na din.
Nang makarating na ako sa mall ay agad akong nagpunta sa destinasyon ko. Binili ko na ang dapat kong bilhin at naglakad ulit ako papunta sa bahay nila Manang Cath.
At habang naglalakad naman ako, may dalawang oranggutan ang humarang sa dadaanan ko.
"Hi Miss! Wanna have fun?" Nakangisi pang tanong ng balbasing oranggutan. Inirapan ko nalang siya at lalagpasanna sana sila kaso mapilit at hinawakan pa talaga ang pulsuhan ko.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" At pagpipilit kong makaalis kaso tinawanan lang nila ako.
"No can't." No can't? Wrong grammar pa si kuya.
At dahil nga sa mapilit sila at ayaw nila akong pakawalan ay ayun babasagin ko ang future nitong balbasing oranggutan na 'to.
"Aray!" Ayan napabitaw na siya at hinawakan ang bulok niyang future, makaalis na nga.
Kaso dahil nga sa si balbasing oranggutan lang ang nasipa ko sa future niya ayun sa magkabilaang braso naman ako hinawakan.
"Matigas talaga ang ulo mo ah! Sumama kana sa amin kung ayaw mong masaktan!" Wow takot ako sa inyong dalawa, tinignan ko siya ng naka poker face lang.
"Aba! Sumagot ka!" Inirapan ko nalang siya. Nakita ko namang nakakatayo na ng maayos yung balbasing oranggutan at lumapit sa'min ang isa pang oranggutan.
"Matigas bungo mo ah!" Matigas naman talaga ang mga bungo ah! Ang ano rin nito. Sasampalin na dapat niya ako kaso may mga kamay na humarang agad dito.
Maya-maya lang nakabulagta na si balbasing oranggutan at ang isa pang oranggutan ay nakaluhod na at namimilipit sa sakit. Tinignan ko ang nagligtas sa'kin kahit kaya ko naman talaga at umepal lang siya.
Pagtingin ko ay si Theodore pala.
"Hindi kaba magpapasalamat?" At lumapit sya sa akin, walang kagalos galos, marunong din pala 'tong si Theodore.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
Fiksi PenggemarPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]