Cheonsa's PoV
Mga anong oras narin kami nakauwi, dumiretso agad ako sa kwarto ko at inilagay ang gamit ko sa paglalagyan nila pagkatapos ay sinubukan kong matulog ngunit mukhang hindi ko magawa at hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit kung kaya't sinubukan ko nalang bumisita kay Yeyeng at Dandan
Nagbihis na lamang ako at lumabas ng kwarto.
"Manang Cath bibisitahin ko lang po si Yeyeng at Dandan ah?" Paalam ko dito, ngumiti naman siya at sinabihan akong mag-ingat.
Nag-commute nalang ako kasi ayaw ko istorbohin si Manong, may sakit ang anak niya kaya naman inaalagaan niya ito. Pumara nalang ako ng taxi at sinabi kay manong ang address na pupuntahan ko, hindi rin naman nagtagal ang biyahe at nakadating na ako.
"Yeyeng! Dandan!" Bati ko at nakita ko namang bumaba si Dandan.
". Nako ate Cheche! Na-miss kita!" Pagkakita ko kay Dandan ay aba nagpakulay ng buhok ang loko.
"Oh pinakulayan mo pala buhok mo?" Tanong ko dito, lumapit siya sa akin at ngumiti ng napakalapad.
"Para terno tayo ng buhok ate." Natatawa pa nitong sabi, blonde kasi ang kulay ng buhok, triny ko lang kulayan nung nasa Korea ako.
"Si Yeyeng?" tanong ko nang mapansing wala siya dito.
"Ah may sakit po kasi siya." Sabi naman nito at bigla naman akong nag-alala.
"Nasaan siya? Kumusta na ang pakiramdam niya?" Nag-aalalang kong tanong dito.
"Tara po ate punta ka po sa kwarto niya." Yaya ni Dandan sa'kin kaya naman hindi na ako tumanggi sapagkat gusto ko rin malaman kung kumusta na ito ngayon.
Nang makapasok na kami sa isang kwarto ay agad na bumungad sa akin si Yeyeng na nakataklob sa kumot at maputla kaya naman lumapit ako dito at hinawakan ang noo nito.
"Aray! Pwede nang pagprituhan ang noo mo sa sobrang init ah." Biro ko dito kay Yeyeng at ngumiti lang siya sa akin, naghanap ako ng gamot pero wala akong nahanap. Alam kaya ni Manang Cath ito?
"Alam ba ng mama niyo ito?" Tanong ko pero umiling lang sila na hindi. Nako kaya naman pala.
"Bakit hindi niyo sinabi?" Tanong ko habang nagbabasakaling makahanap ng gamot.
"Ayaw po kasi nuya na mag-alala si Mama eh." paliwanag ni Dandan.
"Sige, bantayan mo si Yeyeng dito ha? Bibili lang ako ng gamot." Paalam ko sabay labas ng bahay nila. Naghanap ako na malapit na Pharmacy na mabibilhan at buti nalang meron.
Pagkapasok ko ng Pharmacy ay mukhang sinusumpa ata ako ng Diyos ah.
"Oh, Cheonsangot nandito ka?" Tanong niya habang nasa harap ng pila. Naparolyo na lamang ako ng mata rito. Bakit naman siya nandito.
"Kasi nandito ako, wala ako dito kung 'di mo ako nakita hindi ba?" Pamimilosopo ko lang dito, atsaka 'yan din 'yung linya niya nu'ng nagtanong din ako ng ganiyan.
"Ewan." Sabi niya sabay harap sa linya, 'di ko na siya pinansin at pumila nalang din hanggang sa ako na ang nasa harap ng cashier
"Gamot nga po para sa lagnat." Kumuha naman siya ng gamot at ibinigay sa'kin sabay binayaran ko narin.
"Saan punta mo?" Rinig kong tanong nito mula sa likod pero hindi ko nalang siya pinansin at patuloy parin sa paglalakad.
"Bingi kaba?" Tanong ulit nito pero hindi ko parin siya pinapansin.
Nakarating na ako sa bahay nila Manang Cath na nakasunod parin siya sa likod ko. Parang baliw naman 'to hanggang dito ba naman ay nakasunod parin.
"Ate Cheche sino 'yang lalaking 'yan?" Tanong ni Dandan sabay turo kay Bryantukmol.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
Fiksi PenggemarPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]