Special Chapter

51 2 0
                                        

Bryan's PoV

"BRYAAAAAAAAN!!" Nandito ako ngayon sa garden namin at nakatutok sa laptop dahil sa may tinatype ako dito nang bigla akong tinawag ng Misis ko.

Kaya dali-dali akong tumayo at pinuntahan siya sa loob ng bahay at pagkakita ko sa kaniya ay nakahawak siya sa tiyan niya at nakatukod ang isa niyang kamay sa lamesa at may nakikita akong may umaagos sa binti niya.

"Anong nangyayari sa'yo?!" Pag-papanic kong tanong at nilapitan siya para alalayan pero binatukan niya ako.

"Hayop ka! Manganganak na ako!" Para akong nabingi sa sinabi niya kaya pinaulit ko ito at nabatukan nanaman ako. Ganito ba pagbuntis? mahilig mamatok?

"MANGANGANAK NA AKO BWISIT KA DALHIN MO NA AKO SA OSPITAL!" Sa sinabi niya at pagsigaw niya ay dali dali ko siyang binuhat with care at sinakay sa sasakyan.

Dali dali akong pumasok sa driver's seat at nagmaneho na papunta sa BC's hospital.

Pagkadating namin doon ay agad akong nanghingi ng tulong.

"Pakialalayan naman po ang Misis ko!" Pag-papanic kong sabi sa dalawang Nurse na nasa labas, agad silang napatingin sa akin.

"Misis? Ang bata niyo pa po ah?!" Sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa na may kakaibang tingin manlalandi pa 'to ah.

"BRYAAN!" Bigla kaming nagulat sa biglaang pagsigaw ni Cheonsa sa loob ng sasakyan kaya naman agad kong binuksan ang pinto para alalayan siya papasok.

"ITO po ang MISIS ko kaya sana po tulungan niyo na po kami, manganganak na po siya!" Diniinan ko talaga ang ITO at ang MISIS at serysong tinignan sila.

"ANO BA 'YAN TAMA NA ANG PAGTITIG SA ASAWA KO AT MANGANGANAK NA AKO! KAPAG MAY NANGYARI SA BABY KO  MAWAWALAN KAYO NG TRABAHO!" Gusto ko sanang matawa sa sinabi ni Cheonsa pero kita kong hirap na hirap na siya.

"Ano?! Tulungan mo na kami tama na ang pagtunganga." Kaya dali dali silang tumulong sa amin.

Nang nasa loob na kami ng Emergency room ay agad nilang inasikaso si Cheonsa.

Nang mangangank na si Cheonsa ay kinuha ko agad ang cellphone ko para videohan ang lahat, this day is so precious kaya hindi ko hahayaang sayangin ito.

Habang umiire si Cheonsa ay nakahawak ako sa kamay niya at ramdam ko ang pagpisil niya sa bawat iire siya.

"Sige po Misis ire lang po." At pumisil nanaman si Cheonsa sa kamay ko.

Nang makalabas na si Baby ay isang malakas na iyak ang narinig namin mula dito.

Ang angel namin ni Cheonsa ay nandito na.

Napatingin ako kay Cheonsa na nakatulog na sa sobrang pagod sa panganganak, napangiti ako at hinagkan siya sa Noo.

"You've done a good job my Cheonsangot."

Makalipas ang isang oras ay nagising na rin si Cheonsa at napatingin siya sa akin at biglang ngumiti.

"Can I carry her?" Ngumiti ako at binigay si Chianna sa kaniya yes, Chianna, ayan ang binigay kong pangalan sa anghel namin ni Cheonsa, nag-decide kami ni Cheonsa na paghaluin nalamang ang aming pangalan kaya naging Chianna ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan  sila Chianna at Cheonsa, ang gandang  view naman 'tong nakikita ko.

"Hawig ko 'no?" Biglang sabi ni Cheonsa habang sinusuri ang mukha ni Chianna.

"Oo nga, kamukha ko." At napangiti ako, biglang tumingin sa akin si Cheonsa.

"Hawig KO nga." Sabi niya na diniinan ang KO.

"Hawig KO kaya! Tignan mo ang labi, ang ilong ang mata!" Sabat ko naman.

"Hawig KO nga, mana sa akin ang mapulang labi, yung hugis ng mukha, yung cute na ilong."

"Basta hawig KO."

"Hawig KO"

Shadow's PoV

At nagpatuloy sa pag aaway ang mag-asawa kung sino nga ba ang kamukha ni Chianna.

Samantala ay pinagtitinginan na sila ng mga Nurse sa Loob.

"Ang cute nila oh." Bulong ng isang nurse.

"Oo nga eh, sayang may asawa na yung lalaki at ang ganda pa, ano ba naman ang panama natin sa babae hindi ba?" At tumango tango sila.

10 years later~

"Bryan! Chianna! Kakain na!" Sigaw ni Cheonsa mula sa pintuan, napatigil naman ang mag-ama sa kakalaro at pumasok na sa loob upang kumain.

"Ma!" Tawag  ni Chianna kay Cheonsa na katabi niya lang.

"Yes, sweetie?"

"Pwede niyo po ba akong turuan mag-bake mamaya?" Napatingin agad si Cheonsa kay Chianna at ngumiti.

"Sure sweetie."at kumain na sila.

Nang maghapon na ay tinuruan na ni Cheonsa mag-bake si Chianna.

"Ano gusto mong i-bake?" Tanong ni Cheonsa habang kinakabit ang apron.

"Cake po!" Masayang sabi ni Chianna na may malaking ngiti sa kaniyang labi.

"Ayan ganiyan Chianna, ihalo mo lang ng maigi." Puri ni Cheonsa kay Chianna na naghahalo ng harina. Habang naghahanda ng Icing si Cheonsa ay merong naisip na pilyong ideya si Chianna.

"Ma!" Napalingon naman si Cheonsa nang tinawag siya ni Chianna, at paglingon niya ay...

"Hahahaha!" Tawa ni Chianna nang ipahid niya ang harina sa mukha ni Cheonsa, tumayo nang tuwid si Cheonsa at pasimpleng nilagyan ng Icing ang kamay niya at ipinahid sa pisnge ni Chianna.

"Ayan!" Naghabulan naman ang mag-ina habang tawa ng tawa.

Sa pintuan naman ay may nagmamasid sa mag-ina. Napangiti ito at kinunan ng litrato ang mag-ina.

'Wala na akong hihilingin pa, sapat na ang pamilya ko.' Sa isip isip ni Bryan at nakipahid narin sa mag-ina.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now