Chapter 26

39 5 5
                                    

Cheonsa's PoV

Grabe ang lambot naman ng unan ko ang sarap yakapin, parang ayaw ko ng dumilat kasi ang bango din nito.

"Baka gusto mo ng magising." Rinig kong sabi ni......

Teka hindi naman siguro si tukmol 'tong katabi ko hindi ba?
Si Theo naman 'tong katabi ko hindi ba?

Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at.....

"Oh, buti gising kana." Napatayo ako bigla at parang tumakbo ako kasi  hindi ko inaasahan kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"B-bakit ikaw katabi ko? Asan si Theodore?" Ako lang ba o sadyang parang nagalit siya bigla?

"Sinabi ko na kay Theo na dito ka matutulog."

"Pero hindi ba ayaw mo--" Ang dahilan lang naman na naputol ang sasabihin ko sapagkat nilagay lang naman ni Tukmol ang isang daliri niya sa labi ko. Kaya nabatukan ko siya.

"Aray! Bakit ba?!" Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan bigla.

Lumabas nalang ako at nag-jogging. Nang matapos ang ilang minutong pag-jogging ay umupo ako sa damuhan at tumingala sa kalangitan.

Kay gandang pagmasdan nito. Pumikit ako para mas madama ko ang sariwang hangin.

Pang pawala talaga ng stress ito.

"Ate Cheon." Dinilat ko ang mata ko at agad din namang bumungad sa akin ang mukha ng kapatid ni tukmol, ano nga ulit pangalan nito?

Ah, naalala ko na Terrence nga pala, napakaulyanin ko talaga.

"Oh, Terrence bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya, umupo siya sa tabi ko at tumingala.

Teka tinawag niya ba akong Ate Cheon?

Biglang sumakit yung ulo ko at may mga pangyayaring parang bumalik.

"Ate Cheon."

"Nako! Huwag mo nga akong tawagin ng ganiyan!"

"Pero masiyadong mahaba po sa akin ang Ate Cheonsa kaya Ate Cheon nalang."

"Nakong bata ka! Mana ka talaga sa kuya mo!"

"Kaya nga po magkapatid kami eh hahaha."

"Ate Cheon este Ate Cheonsa ayos kalang?" tinignan ko si terrence at nginitian ito.

"Oo ayos lang ako, may mga pangyayari na bumalik ata, ewan ko ang weird lang." Sabi ko at tumawa pero nakatingin lang sa akin si Terrence na para bang may iniisip.

"Uy ikaw, ayos kalang?" Tanong ko dito, kasi parang ang lalim talaga ng iniisip eh.

"Ah opo ate." Sabi niya pa na may pakamot kamot pa sa ulo niya.

"Siya sige at babalik na ako." Sabi ko at tumayo na.

Yung mga nakita ko kanina, ano ba yung mga yun? Bakit parang mga alaala siya?

Hindi ko nalang inisip yun at bumalik nalang sa tent namin. Nang makabalik na ako ay nakataas na kilay agad ni tukmol ang bumungad sa akin.

"Where have you been?" Taray naman this boi, para akong kriminal niyan ah mabiro nga.

"All my la ah ah ayf~" pagkanta ko pero siyempre straight face dapat at pigilan ang tawa para effective.

Tinignan ako ni tukmol at maya-maya lang ay pinitik ako sa noo ko.

"Aray naman! Masakit kaya!" Pagreklamo ko dito pero nginisian lang ako ng tukmol.

"Ayan kasi, tinatanong ka ng maayos kaya ayusin mo rin ang sagot mo." Napairap nalang ako dito. Eh bakit ba? Trip ko eh.

"Nevermind." Atsaka nga rin pala mamaya narin uwi namin, bawal din kaming magtagal dito.

"Cheonsangot." Rinig kong tawag ni tukmol kaya nilingunan ko ito.

"Bakit?"

"Ang pangit mo." sabi niya at umalis. Langyang tukmol na 'on! Papatayin ko talaga yun! Humanda talaga sa'kin yun!

"Ate Cheonsa." Tawag naman sakin ngayon ni Terrence.

"Bakit?" Tanong ko dito. Lumapit naman ito.

"Kain na daw po tayo." Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya, si Zean ang nagluto tapos syempre tinulungan siya ni Eunice.

Umupo na ako sa tabi ni Theodore at maya-maya lang ay umupo sa tabi ko si Tukmol.

Huwag nalang natin pansinin at kumain nalang tayo. Habang kumakain ay parang feeling ko ang awkward ng pwesto namin? Tapos nakatingin pa sila sa'min. Yung totoo, ano'ng meron?

"Bakit?" Hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako, hindi sila sumagot at umiwas nalang ng tingin. Ano ba kasi problema nila?

Eunice's PoV

Mukhang may namamagitan sa tatlo ah, what is this? love tringle? And of course Ate Cheonsa being innocent she was, eh hindi niya ramdam yun.

Si Kuya Bryan naman at kuya Theo ay makatingin naman sa isa't isa ay kulang nlaang paguntugin namin.

"Baka matunaw kayo sa isa't isa niyan." pagbibiro ni kuya Gab kaya napatawa kami. Tumingin naman si ate Cheonsa sa dalawa at nagkibit-balikat nalang siya at nagbalik sa pagkain. Hay nako kahit kailan talaga si ate Cheonsa

"Ate Cheonsa, pagtapos natin kumain maglibot-libot naman tayo." Yaya ko kay ate Cheonsa, hindi na kasi kami masiyadong nakakapag-bonding.

Tumingin sa'kin si ate Cheonsa at ngumiti. Ang cute niya talaga!

"Sige ba!" Yay! I'm excited.

Pero siyempre mawawalan ba tayo ng extra? siyempre hindi.

"Sama ako." Sabay sabi ng dalawa. Nagkatinginan nanaman sila ng masama.  Nako, baka itong dalawa pa ang magkatuluyan.

"Huwag na kami nalang ni Eunice, kaya naman namin eh. Hindi ba Eunice?" Sabay tingin sa'kin ni Ate Cheonsa. Tumingin ako sa dalawa at tumango.

"Pero--" magsasalita pa sana si kuya Bryan kaso siningitan na siya ni ate Cheonsa.

"Tara na Eunice." At hinila na ako palayo. Nang makalayo na kami ay nagreklamo na siya sa dalawa.

"What's with them?" She said frustrated. Dense like ever huh?

"Hayaan na natin ate Cheonsa. Baka sila magkakatuluyan at magkakaroon na sila ng love team." Nagulat nalang ako ng biglang nagtitili si ate Cheonsa.

"Oh my god! Sobra akong matutuwa kapag ganoon." Kinikilig pa nitong sabi. Nagkakasundo talaga kaming dalawa nito.

"I know right, ate." At aabay kaming napatawa.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now