Chapter 30

36 3 2
                                    

Cheonsa's PoV

"CHEEONSAANGOOOT!! GISING NAAA!" Tinakluban ko ng kumot ang mukha ko. Pisting tukmol 'yan kaaga-aga nang-iistorbo.

"Hindi ka gigising? Bubuksan ko 'tong pinto!" pagbabanta niya pa, akala niya maniniwala ako? Asa ka tukmol, wala kang su--

Parang tunog yun ng pagbukas ng pinto ah?! Maya maya lang ay nakaramdam ako ng pangingiliti sa paa ko.

Bigla akong napabangon, at pagtingin ko ay si tukmol pala natatawa pa.

"Itong tukmol na 'to! Ang aga-aga pa nga eh!" Reklamo ko sabay palo sa braso nito.

"Aba syempre! Para marami tayong mapuntahan." Parang excited niya pang sabi. At ako naman ay tinignan lang sya ng naka poker face.

"Oo na! Oo na! Umalis kana at maliligo na ako!" Sabi ko sabay tayo.

"Sige, ayusin mo ang suot mo ha?" At lumabas na siya. Ah so ganun? Anong gusto niyang palabasin? Na ang pangit ko manamit? sarili kong choice 'to 'no!

Kumuha na ako ng tuwalya at ng damit na susuotin pagkatapos nun ay naligo na ako.

Nang matapos na ako maligo ay nagbihis na ako, matapos iyon ay bumaba na ako at nakita ko si Tukmol.

"Seriously Cheonsangot ganiyan suot mo?" Sabi niya na tinitignan ang kasuotan ko.

What's problem with my clothes?

"Anak ng tokwa ka Cheonsangot, mukha kang madre!"  upakan ko 'to, ano!

"Okay na 'to! Arte kapa!?" Sabi ko na ang sama ng tingin ko sa kaniya, palibhasa kasi siya bihis na bihis akala mo magca-cat walk

Napakamot nalang siya sa ulo niya at lumabas na. Akala ko aangal pa suya eh.

Lumabas narin ako at sumakay sa sasakyan.

"Saan naman tayo pupunta aber?" Tanong ko sa kaniya, at aba ang loko eh nag-shades pa.

"Basta." At ayun pinaandar na niya ang kotse at nag-drive. Saan naman kaya niya balak pumunta?

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa isang....seriously Park?!

"Seryoso ka tukmol?" Naniniguradong tanong ko dito. Tumingin lang siya sa akin ng nakangiti, napatingin nalang ako sa kaniya. Ngiti? Ngumiti siya? Tao rin pala siya. Nag-shrug nalang ako ng shoulder ko ng makatanggap lang ako ng ngiti.

Sumunod nalang ako sa kaniya nung pumila siya sa isang ride, at ang ride na iyon ay.

ROLLERCOASTER

Saya hindi ba? Sa lahat talaga na ayaw kong rides yun talaga ang sinakyan, saya ah.

Bryan's PoV

Kaya Rollercoaster ang pinili kong ride kasi nga takot siya dun! Well the reason is gusto ko lang ulit makita ang reaksiyon niya 'pag nakasakay na ulit kami dun.

Pumila kami at naghintay na kami ng sasakay. Kita ko rin naman si Cheonsangot na hindi mapakali, sigurado kinakabahan 'to.

"Natatakot ka 'no?" Tanong ko dito, dapat nga matatawa ako pero siyempre seryoso dapat.

"Ha? Hindi ah!" Sabi niya na nagmamatapang-tapangan pa. halata namang kinakabahan at natatakot siya eh, pakunwari pa siya.

Nang kami na ang sasakay ay parang nagdadalawang isip pa si Cheonsangot kung saskay ba siya o hindi.

"H-hindi ba Pwedeng sa ibang rides nalang?" Ang cute niyang matakot. Mamaya nga sa haunted house.

Hinila ko ang kamay niya sabay sabing, "Hindi pwede, nandito na tayo eh" at hinila na nga sa rollercoaster.

Pagkaupong pagkaupo namin ay hinawakan ko ang kamay niya at in-enterwine ito. Napatingin naman siya sa akin na nakakunot noo.

"Enjoy~" maikli kong sabi. Grabe nilalamig ang kamay niya, kabadong kabado nga siya.

Nang umandar na, agad siyang napapikit at humigpit ang hawak sa kamay ko kaya hinigpitan ko nadin ang pagkakahawak.

Maya-maya eh..

"WAAAAH! JUSME BABA NYO KOOO DITOOO WAAAAH!"

Ito pa...

"HAYOOOOP KOYAAA TIGIL NIYOOO NA TOOO AHHHHHH!!"

At ito pa...

"PUUUTOO'T KUTSINTAAAAA MAAAWAAA KAYOOO GUSTOOO KO PANG MABUUUHAAAAY WAAAAH!!" 
Ingay niya 'no? Grabe ang sakit sa tenga ng tili niya, nasasapawan niya lahat ng tumitili.

Nang matapos na ang ride, halos mamula mula ang mukha niya.

"HAHAHA! Putooo't kutsinta maawa kayoo!" Panggagaya ko sa kaniya.

"Heh! Buwisit ka tukmol!" At sinamaan ako ng tingin pero tinawanan ko lang ito. Ang cute niya talga magalit.

Maya-maya lang ay nakarinig ako ng tunog ng tiyan, mukhang gutom na 'to.

"Heh tukmol! Hindi ako kumain kanina!" Sabi niya na nakahawak sa tiyan nyang tumutunog. At oo nga pala hindi na kami nakakain kanina kasi excited ako masiyado.

Naghanap kami ng makakainan namin, at ayun nakahanap din, at siyempre sa wala masyadong katao tao kasi itong kasama ko gutom na gutom na.

Umorder na ako ng makakain namin, at medyo madami dami ang inorder ko sa kaniya. Patay gutom pa naman 'yan.

"Oh Cheonsangot." Sabi ko at sabay lapag sa lamesa ng pagkain.

Nagningning naman ang mata niya nang makita ang pagkain. Wala nang sabi sabi at lumamon na.

Nang matapos na ang pagbababoy mode niya ay nagpahinga muna kami sandali at naglalakad lakad kami sa labas ng biglang may lumapit na lalaki sa kaniya, mukhang hindi maganda 'to ah.

Cheonsa's PoV

"You." Napalingon ako sa isang boses na hindi ko naman kilala.

Paglingon ko, isang lalaking may itsura din naman. Pero yun lang naka-mask at may earphone.

"Oh? Ano meron sa'kin?" tanong ko dito. Ngumiti lang siya sa akin, takas 'to sa mental? sabihin niyo sa'kin ng maibalik ko na 'to!

"Ikaw yun." Kompletuhin niya kaya ng magkaintindihan kami.

"Ano nga yun?" tanong ko ulit at nagkamot ng ulo.

"Halika na Cheonsangot at magha-haunted house pa tayo." At bigla nalang ako hinila ni tukmol.

"Wait lang may kinakausap pa ako oh!" At pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa'kin pero hinigpitan niya pa ito lalo.

"Pabayaan mo na siya." At patuloy niya parin akong hinila. napatingin ako sa lalaki kanina at tinignan ko nalang siya, nakangiti lang siya sa akin.

Weird niya talaga.

"Ikaw kung sino-sino nalang kinakausap mo!" Reklamo pa ni tukmol.

"Aba! Kasalanan ko bang kinausap nalang niya ako bigla." Sabi ko dito na naiirita na. Problema ba nitong tukmol na 'to?!

"Tara na nga!" At ayun ginawa nanaman ako na parang tali na hinihila hila lang.

"Saan naman tayo pupunta ha?!" Tumingin siya sa akin ng nakangisi. hindi maganda pakiramdam ko dito ah.

"Haunted House."

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now