Cheonsa's PoV
Nagising ako dahil sa narinig kong may tumawag sa akin.
"Ma'am Cheonsa pinapababa na po kayo ni Master Brian, kakain na daw po." Weird 'di niya ako tinawag na Mistress.
Bumangon na ako at naghilamos at nang matapos ako ay lumabas na ako.
Pagkababa ko naman ay nakahain na ang pagkain sa mesa at nakaupo na si Tukmol. Napatingin siya sa akin at ngumiti, nag-init naman ang mukha ko dahil doon. Na-weweirduhan na ako sa sarili ko.
Pagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni tukmol na gumala sa lugar na ito kaya naman pumayag ako.
"Tukmol, bakit walang katao tao sa resort niyo ngayon?" Nagtataka kong tanong dito, kasi naman, parang kami lang ata ang tao dito kasama yung mga maid at driver.
"Pina-close ko muna." Sabi niya na kinabigla ko.
"Bakit naman?" Humarap siya sa akin at ngumiti, teka....bakit bumilis ata tibok ng puso ko? May sakit naba ako sa puso? O baka naman....
"Para sayo." mahal ko na siya...
__________________________________
"Ayaw ko!" Pagtatanggi ko sa gusto niya, gusto niya kasi kaming magselfie eh ayaw ko nga.
"Dali na Cheonsangot! Minsan lang eh!"
"Ayaw ko! Baka gawin mo ulit yung nasa Japan kami, maalala ko lang 'yon ay namumula na ang pisngi ko.
"Hindi ah! Promise!" At nag-raise siya ng one hand na parang nanunumpa.
"Promise are meant to be broken!"
"Dami mo alam. Dali na kasii~!" Lord, bakit nahulog ako dito sa makulit na 'to?
Napabuntong hininga nalang ako kasi no choice na ako."Oo na!"
"Sinasagot mo na ako?" Namula agad ako sa sinabi niya.
"Tanga! Oo na, mag-seselfie na tayo!" Lubog kita sa tubig eh, napakakulit.
So ayun, hinanda na niya ang cellphone niya at nag-selfie kami, nakaakbay siya sa akin nung nag-selfie kami at ako naman ay nakatingin lang sa camera.
Nang matapos kaming mag-selfie ay tinignan niya agad ito at abot tenga ang ngiti.
"Saan nanaman ang sunod nating destinasyon?" Tanong ko habang nililibot ang paningin ko.
"Secreet~" Daya ng tukmol na 'to.
Habang nililibot ko ang aking paningin ay bigla naman akong hinatak ng tukmol.
"Saan naman tayo pupunta?!" Tanong ko dito, bigla bigla nanaman siyang nanghihila, hilig talaga manghatak.
"Basta sumunod kana lang." Talagang susunod ako, hila-hila niya ako eh.
Takbo lang kami nang takbo ni tukmol, napapagod n anga ako eh pero takbo parin.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Naiirita ko ng tanong habang hinahabol ang hininga ko.
"Basta." Ayan nanaman siya sa basta niya. Peste.
Salamat at napatigil na si tukmol sa pagtakbo pero...
TAKTE! ANG TAAS NG LUGAR NA ITO!
"Huwag kang matakot nandito naman ako eh." Sabay hila sa akin, napahawak naman ako sa braso niya kaya natawa siya.
"Peste ka tukmol sinadya mo 'to ano?" Galit kong tanong dito.
"Hindi ah! Alam mo bang dito ang comfort place ko?" Napatingin naman ako sa kaniya, biglang gumaan ang loob ko.
"Ikaw lang ang dinala ko dito." Nakangiti niyang sabi na kinamula ko, takte ka tukmol! Nananahimik lang ako dito eh! Paepal!
"Sml?" Bigla kong nasabi.
"Anong SML?" napatawa naman ako.
"Share Mo Lang." Napa 'ahh' naman siya.
"DML?" Sabi niya bigla, napakunot naman noo ko.
"Ano yun?" siya naman ang napatawa.
"Dami mong Alam." Ako naman ang napa 'ahh' pero..
"Pero hindi ba dapat DMA yun?" sabi ko dito.
"Tinanggal yung A." Psh.. mga kabataan ngayon. Iba na.
Umupo naman si tukmol at pinapaupo niya rin ako pero hindi ako umupo kasi natatakot ako.
"Halika nga." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inalalayan akong umupo.
Nakapikit naman ako habang umuupo, hindi ko talaga hilig ang mga matataas na lugar.
"Ang cute mo!"
"Heh!" Habang nakapikit ako ay sinandal ako ni tukmol sa balkat niya at umakbay sa akin, yung kabilang kamay naman niya ay hinawakan ang kamay ko at inenterwined.
"Dilat mo mata mo." Umayaw naman ako, malulula lang kasi ako.
"Trust me." Dahil sa sinabi niya ay dinilat ko na ang mata ko, napa 'wow' naman ako dahil sa ganda ng view.
May nag-flashback naman sa akin.
~
"Tukmol, saan mo ba ako dadalhin? Pagod na paa ko eh!" Reklamo ko kay tukmol na hila hila ako.
"Malapit na tayo." Hindi na ako nagreklamo pa at sumunod nalang.
"Nandito na tayo!" Sabi niya na tuwang tuwa. Hindi ako masiyadong lumapit sa kaniya kasi naman ang taas eh!
"Halika! Huwag kang matakot, hahawakan naman kita eh!" pagkasabi niya n'on ay pinuntahan niya ako at hinawakan ang kamay ko.
Kinakabahan naman akong naglakad. At nang makapunta na ako sa dulo ay napahanga ako ng lugar na ito.
"Ang ganda naman dito tukmol!" Tuwang tuwa kong sabi sa kaniya, napangiti naman si tukmol.
"Maganda talaga." Ang ganda ng tanawin! Kitang kita dito ang dagat at ang resort nila tukmol.
"Cheonsa." Napatingin naman ako sa kaniya nang tinawag niya ako.
"Paglaki natin balik tayo dito ah?" Agad akong ngumiti at masayang tumango.
~
Nanlaki naman bigla ang mata ko dahil doon. Agad kong tinignan si tukmol na nakangiti at nakatingin sa unahan. Agad naman akong tumingin sa unahan pero nakakunot ang noo ko.
Anong ibig sabihin nun? Nagka-Amnesia ba ako? Bakit, lagi kong nakikita ang pagmumukha ni tukmol? Anong ibig sabihin nun?
___________________________________
Nang mag gagabi na, umuwi na kami ni tukmol.
Pero iniisip ko pa din yung nag-flashback sa akin kanina. Pati na rin yung mga iba pa. Ano ba kasing meron? Sino ba talaga si Bryan sa buhay ko?
YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanfictionPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]