Shadow's PoV
"Sabihin nalang kaya natin sa kaniya?"
"Hindi pa pwede."
"Pero bakit?"
"Pabayaan nalang muna natin na siya ang makaalala ng lahat. Baka mabigla lang siya kapag sinabi natin. Mas okay na paunti-unti siyang nakakaalala." At napatango nalang ang babae sa kaniyang asawa.
Cheonsa's PoV
"Tukmol?" Sabay katok ko sa pintuan ng kwarto niya na may bitbit pang unan. Maya-maya lang ay binuksan niya ang pinto.
"Bakit?" Tanong niya na halatang inaantok pa, gabi na rin kasi.
"Pwede bang makitulog diyan?" Tanong ko sa kaniya na nahihiya pa.
"At bakit naman?" At sabay hikab pa ang loko.
"Kasi naman! May nabasa akong isang horror story! Ayan tuloy hindi ako makatulog!" Sabi ko na parang naiiyak, kasi naman bakit ko pa ba nabasa 'yon? Ang tanga ko talaga.
"Bakit mo naman binasa?" Napatingin ako sa kaniya, at nakatingin lang siya sa akin with bored look.
"Kasi, curiosity killed a cat." napitik naman niya ako sa noo kaya napa-aray ako.
Tinignan ko naman siya ng masama at pumasok ng kaniyang kwarto kahit na hindi nyia pa ako pinapapasok.
"Oy! Sino nagsabi sayong pumasok ka?" Reklamo pa nito
"Yung multo." Sabi ko at sabay higa sa kama niya.
"Diyan ka matulog sa sahig." Sabi ko at sabay pikit ng mata ko.
"Sige, ayos lang." Himala at pumayag ang mokong ah, ano nakain nito.
"Bahala ka kung may biglang tumabi sa'yo ha? Tapos duguan ang mukha, ayos yun!" Kukuha na sana siya ng pansapin kaso pinigilan ko siya at hinatak ang damit niya papuntang kama.
"Eh! Tukmol naman eh!" Pero nginisian niya lang ako at tumayo.
"Bahala ka diyan, ayaw mo akong katabi hindi ba?" Tch. Nang-aasar siya! Nakakainis siya! Kung hindi lang ako natatakot edi sana 'di na ako nakitulog dito! Bakit ko pa kasi binasa ang story eh!
"Tabi na tayo!" Sabi ko na parang nagagalit.
"Ayoko galit kapa eh." Sakalin ko naba 'to? Tigas ng mukha eh.
"Hindi ako galit." Sinabi ko ng mahinahon.
"Nagtitimpi lang ng galit 'no?" Sinamaan ko siya ng tingin at piningot ang tenga.
"Tatabi ka o tatabi ka?" At lalo ko pang nilakasan ang pagpingot. Tignan ko lang kung hindi tatalab.
"Oo na po!" At nagtaas pa ng dalawa niyang kamay na parang susuko na.
"Buti naman." At umusog na ako para naman may space pa siya.
"Ayan ha, binigyan na kita ng space. Ang taba kasi." Pero siyempre bulong na ang dulo, pero hindi ko inaasahan na maririnig niya yun.
"Mataba pala ah." Kurot. OO KINUROT NIYA AKO SA PISNGI! Ang sakit! At hindi parin ako tinigilan ng tukmol.
"Anwoba! Mata..ket!! Tukmol!...tama na!" At hinampas hampas ko pa talaga siya, totoo naman eh masakit na kaya.
Nang matapos na siya sa pangungurot sa akin ay humiga na kami, naka back to back kami sa isa't isa, ewan ko lang kung tulog na siya.
"Tukmol." Tawag ko dito.
"Oh?"
"tulog ka naba?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo tulog na ako, kaya nga ako nakikipagusap sa'yo eh, nags-sleep talk kaya ako. Astig ko 'no?" Siniko ko naman siya ng medyo malakas kaya ayan napa-aray.
"Abnormal." Sabi ko at pinipilit ng matulog. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.
"Hindi ka makatulog ano?" Sabi nuya. Humarap ako sa kisame at tinignan ito.
"Hindi ba obvious?" Ramdam ko rin na humarap din siya sa kisame. Yung tipong gaya-gaya lang.
"Kantahan kita gusto mo?" Napaharap naman ako sa kaniya at tinaasan ng kilay.
"Huwag na baka bangungutin ako eh. Sige good night." At hinarap ko na ang likod ko sa kaniya. Tinatry kong makatulog pero hindi talaga ako makatulog.
"Just one day, If I can be with you."
Ano 'yan kumakanta siya? Pero ang ganda ng boses niya ah."Just one day, if I can hold your hands."
Pinakinggan ko nalang ang kanta niya, maya-maya lang ay hinihimas himas niya na rin ang buhok ko.
"Just one day,If I can be with you."
Dahil sa ganda at kalmado niyang boses ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Bryan's PoV
"Just one day, just one day~" at tinapos ko na ang kanta. Patuloy ko paring hinihimas ang malambot niyang buhok at pasimpleng inamoy 'to.
Bumangon ako at tinignan siya kung tulog na. At effective ang pagkanta ko kasi tulog na siya.
Nilagyan ko na siya ng kumot at natulog narin.
Cheonsa's PoV
Bakit feeling ko ang tigas ng hinahawakan ko? Diniin diin ko pa ang kamay ko at matigas nga talaga. Minuklat ko ang mga mata ko at agad namang tumambad sa akin ang dalawang pares ng mata.
Tumingin ako sa baba at...ayun nga ang matigas pala ay nasa dibdiba niya ang kamay ko tapos ginalaw galaw ko ang ulo ko ng kaonti at may pagkamatigas ito. Tinignan ko naman ito at hindi ko inaakalang nakaunan ako sa braso niya.
"WAAAAAAAHH!" Sigaw ko sabay bangon.
"Bakit ako nandito? Bakit nakaunan ako sa braso mo? Bakit nakalagay ang kamay ko sa dibdib mo? BAKIIIIT?!!" Dahil sa kandamakmak na tanong ko sa kaniya ay napatakip na siya ng tenga niya.
"Ano ba 'yan Cheonsangot! Kaaga-aga ang ingay mo!" Pagrereklamo niya, wala siyang magagawa, kaaga aga din ganun ang pwesto namin.
"Sagutin mo muna tanong ko!"at kumuha ako ng unan na handang itapon sa monay niyang mukha kapag hindi siya sumagot.
"Ganito kasi yun. Maaga akong nagising tapos kita ko namang natutulog kapa, tulo pa nga laway mo eh." Dahil sa sinabi niya ay binato ko siya ng unan ng pagkalakas lakas.
"Aray naman!" Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Pagkatapos non ay nagluto ako ng makakain natin." At ng pakasbi niya nun ay nanlaki ang mata ko.
"Ano kamusta ang kusina?! Buo paba?! Kamusta ang luto mo?! Ayos lang ba?!" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya baka kasi nasunog na ang kusina. At dahil nga doon ay binalik nyiang tinapon ang unan sa'kin.
"So ayun nga pagtapos kong magluto ay bumalik ulit ako dito para tignan ka, at ayun kahit tulog ka akalin mo yun? Ang lakas mo nahila mo pa ako. Edi ayun wala na akong magawa kundi tumabi ulit sa'yo." Naptulala nalang ako sa sinabi niya. Hindi ako naniniwala na gagawin ko 'yon. Hindi talaga!
"Bakit ganun pwesto?" Tanong ko sa kaniya.
"Ewan ko sa'yo." at sabay nagkibit balikat ito.
"Tara baba na tayo ng makakakin na." Aya niya at bumaba narin kami. Habang kumakain ay bigla siyang nagsalita.
"Date tayo bukas." Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Date? Nilalagnay ba 'to?
"Ano pumasok diyan sa kokote mo at naisip mo 'yan?" Tanong ko dito at sabay uminom ng tubig.
"Wala, ka-bored dito eh." May punto naman siya.
"Sige." At bumalik ulit ako sa pagkain.
"Talaga, payag ka?" Tumango nalang ako, kasi naman puno pa 'tong bibig ko.
"Sige bukas ha?"um-oo nalang ulit ako.
Pero kami mag-dedate?Sana naman maging maayos magiging date namin.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanfictionPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]