Cheonsa's PoV
Naglalakad ako sa isang kagubatan at baka hindi lang basta ordinaryong kagubatan sapagkat masiyado itong maganda... paraiso tama isa itong paraiso.
Habang naglalakad ako ay may nakatayong lalaki sa tabi ng tubig at nakatingin sa malayo, masyado siyang malayo kaya naman dahan-dahan akong lumapit dito, napansin kong nakaputi sya, at tinignan ko din naman ang suot ko, pareho kaming nakaputi. Patay naba ako? Lord, is this heaven?
Habang papalapit ako ay unti unti din namang lumingon ang lalaki at ngu--
"Ay peste." Panaginip, panira naman ang alarm clock oh, makikita ko na ang mukha eh.
Dahan -dahan akong tumayo sa kama ko at naglakad patungong bathroom para mag-toothbrush at maligo narin.
Habang nagto-toothbrush ako eh naalala ko ang napanaginipan ko. Weird. sayang 'di ko man lang nakita ang itsura ng lalaki, nacu-curious tuloy ako sa itsura niya.Tinapos ko na ang pag-to-toothbrush ko at nagbihis na, pumunta na ako sa dining table at kumain na ng almusal.
Habang ako ay kumakain ay bigla nalang na may tumawag sa cellphone ko kaya agad ko itong sinagot ng hindi man lang tinignan kung sino."Hello?" Paumpisa ko.
/Cheonsa, darling./ Nagulat ako ng napag alaman ko kung sino ito kaya naman napangiti ako.
"Mama!" Sabi ko, na-miss ko na si Mama at Papa.
/Cheonsa we're going home any soon now darling./ Sabi niya, ibig sabihin uuwi na sila ni Papa dito? Kailan?
"When?" Excited kong tanong dito.
/Don't be excited Darling, it's soon./ Sabi ni Mama sabay tawa ng mahinhin.
"Okay Mama ingat kayo!" Sabi ko dito, hindi na ako makapaghintay na makauwi sila.
/Okay darling, Mama and Papa love you bye/
"Bye Ma!" Pagkatapos ay binaba niya na ang tawag at napangiti nanaman ako, excited na ako sa pag-uwi nila.
"Oh, nakangiti nanaman ikaw." Pagkatingin ko sa likod ko ay nakita ko si Manang Cath, si Manang Cath ang parang kaibigan ko dito sa loob ng bahay lahat ng problema ko alam niya, at siya rin ang tumutulong sa akin.
"Uuwi na daw po kasi sila Mama." Sabi ko dito na hindi mapigilang ngumiti, napangiti rin sya sa sinabi ko.
"Kailan daw ba?" Tanong nito sakin na hindi parin inaalis ang ngiti.
"Soon daw po eh." Sagot ko dito at tumawa ng mahina so ayun tumawa rin si Manang, nagpapasalamat talaga ako kay Lord at binigyan niya ako ng maalagain at mabuting Yaya.
"Wala ka bang gagawin ngayon pagkatapos mong kumain?" Tanong nito sa'kin, meron ba? Napaisip muna ako bago ko ito sagutin.
"Hm, wala naman siguro po." Sabi ko dito.
"Gusto mo ba ulit bumisita sa amin?." Tanong nito na may ngiti sa kaniyang labi. 'Di nga? tagal ko na kasing 'di nakakapunta sa kanila eh, namiss ko na sila Yeyeng at Dandan ang makukulit na yun, kamusta na kaya sila? Malaki na kaya ang mga yun katulad ko? Kasi nung huli naming pagkikita eh mga bata pa lang kami nun.
Tinignan ko si Manang Cath at ngumiti ng napakalapad.
"Sige Manang sama ako dyan!" Sabi ko at minadali nang kumain napatawa naman si Manang sakin.
"Hinay hinay lang May baka mabulunan ka niyan." Sabi nito sakin kaya ayun dinahandahan ko nalang ang pagkain kase baka nga mabulunan ako at maaga akong mamatay, no way na mangyayari yun kasi mag aasawa pa ako.
Nang matapos na akong kumain ay agad akong nagbihis at pumunta na sa naghihintay na si Manang.
"Grabe Manang malalaki na kaya sila?!" Excited kong tanong kay Manang na ikinatawa nya.
"Malamang malaki na sila, hindi naman pwedeng habambuhay nalang silang maliit." Sabi nito at tumawa ulit, nga naman tama si Manang isip-isip din kasi Cheonsa.
Ilang oras din kaming bumyahe ni Manang pero siyempre may dala din akong pasalubong, nakakahiya naman na wala akong dala.
". Yeena, Danyl." Tawag dito ni Manang, Yeena at Danyl kasi ang true ni Yeyeng at Dandan kaya lang naman Yeyeng at Dandan at tawag ko sa kanila ay yun ang ginawa kong nickname para sa kanila....
Nang tinawag ni Manang si Yeena at Danyl ay may lumabas na isang babae at isang lalaki.
Nang makita ng dalawa si Manang Cath ay agad din nila itong niyakap at kiniss sa pisngi, how sweet pero ano nila si Manang?
"Mama, miss kana namin!" Sigaw na sabi ng babae at niyakap si Manang ng mahigpit 'di ko mapigilang magtaka kung sino sila kaya naman nagtanong ako kay Manang.
"Manang, sino sila?" Sabi ko sabay turo sa dalawa na nakatitig sakin ng nagtataka.
"Ay, 'di mo na sila tanda? Sila si Yeena at Danyl." Ng sinabi iyon ni Manang ay nanlaki mata ko, hindi nga? Sila na 'yan? Ang laki na ah, well time fly so fast nga naman ika nila.
"Oh?! Wow laki na ninyo ah!" Sabi ko at sabay gulo sa buhok nilang pareho katulad ng ginagawa ko nung bata pa kami.
Pero ano 'to? Tinitigan lang nila ako na parang weirdo? Huwag mong sabihin na 'di na nila ako natatandaan?
"Ma, sino po siya?" Tanong ni Yeyeng kay Manang sabay turo sakin. Grabe laki na niya at lumaking maganda kagaya ko.
"Ano kaba Yeena si ate Mae mo yan." Sabi ni Manang at sabay ngiti dito, nanlaki naman ang mata ni Yeyeng at ni Dandan, really? They don't remember this pretty face?
"Weh?!" Wow sabay talaga? Edi sila na magkapatid at ako na ang nganga sa kapatid.
"Oo nga si ate Mae niyo yan." Sabi ulit ni Manang at alam ko na ang itatawag nila sakin.
"Ate Cheche!!" Hays as usual they don't forget that kind of nickname that they gave to me.
"Kala mo makakailmutan namin ang nickname na ibinigay mo samin? no way 'no!" Sabi ni Yeyeng at sabay tawa, lokarit talaga 'tong babaeng 'to, well yumakap sila sakin ng mahigpit, masu-suffocate na nga ata ako eh.
"Namiss kona kayo Yeyeng at Dandan, musta na? May mga lovelife naba kayo?" Sabi ko at sabay tanong narin sa lovelife nila malay mo diba?
"Wala po!" sabay talaga eh 'no? Ganyan ba talaga pag magkapatid? Kailangan sabay?
"Eh kayo po ate Cheche meron na po ba?" Tanong naman sakin ni Dandan.
"Wala." Maikli kong sagot at tumawa.
"Weh hindi nga?" Pangungulit na sabi ni Dandan, magtatanong tapos 'di rin maniniwala.
"Pero bakit naman po? Maganda po kaya kayo at napakabait." Sabi naman ni Yeyeng.
"Kasi wala pa akong balak at 'di pa ako ready." Sabi ko at tumawa ulit pero siyempre nakitawa rin sila at bago ko pa makalimutan ay ibinigay ko na ang pasalubong ko sa kanila.
"Wow! thanks ate Cheche!" Sabay na naman nilang sabi sakin, pero kahit na wala akong kapatid ay itinuturing ko ng kapatid si Yeyeng at Dandan kahit na sobrang kulit.
Pagkatapos naming mag-bonding nila Yeyeng at Dandan syempre kasama si Manang, hindi pwedeng hindi sya kasama , ay umuwi na agad kami ni Manang.
"Grabe Manang still the same parin sila." sabi ko at sabay tawa.
"Kaya nga eh, siya sige umakyat kana at magpahinga." Sabi naman ni Manang sakin kaya umakyat na ako at nagbihis, saka nag pahinga. Pero kahit na ganoon ay hindi ko parin maiwasan na macurious sa panaginip ko lalo na yung lalaking nasa panaginip ko.
'What does that mean?'

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanficPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]