Cheonsa's PoV
"Oh, kumusta naman yung pinagbigyan mo?" Tanong ko kay tukmol, nagluluto na kasi ako ngayon nang agahan namin hindi na siya yung pinagluto ko kasi baka makasunog pa. Mahirap na.
"Ayos naman ang lahat, ano binigay mo sa kapatid ko?" Tanong niya, katabi lang kasi niya ako, pinapanuod niya daw kasi akong magluto, ewan ko ba dito.
"Ah, well mga damit." Sabi ko, matapos iyon ay natapos narin akong magluto.
"Halika nga dito at tulungan mo akong maghain sa lamesa." Utos ko dito pero hindi ako pinakinggan at umupo na sa lamesa. Ang galing ah.
"Hoy! Aba naman ano yun kakain ka lang?" Kaaga aga eh pinapainit nito ulo ko.
"Kaya mo na 'yan, gawain mo dapat 'yan mag-asawa tayo eh.." huwag ko kayang bigyan ng makakain 'to.
"Hoy lalaki ka! Sa papel lang tayo kasal!" Pagduduro ko pa dito, nako mahain na nga lang 'to ng makakain na.
"Kahit na mag-asawa parin tayo." Hindi ko nalang siya pinansin at umupo nalang at kumain. Kaka-stress siya kaaga aga.
At hindi ko rin sinusuot yung wedding ring namin, asa naman siya, susuotin ko lang ito kapag pupunta sa bahay nila Mom o kaya naman pag nandyan din yung magulang ni tukmol. Ganun din naman ginagawa niya eh.
"Saan punta mo pagkatapos mong kumain?" Tanong ko kasi naman bihis na bihis.
"Wala gagala kasama ang barkada." Kasama sila Theodore.
"Pwede sumama?" Wala rin naman kasi akong gagawin kaya naisipan kong sumama.
"Huwag na, pampagulo kalang eh."
"Tusukin ko kaya ng tinidor 'yang dila mo." Sabi ko na naka-ready na ang tinidor sa kamay ko. Napalunok naman siya, dapat lang totohanin ko talaga yung banta ko.
"Sure kaba ha?"
"Sasama ba ako kung hindi?" I said and rolled eyes on him. Ka-stress lang siya.
Binilisan ko ng tapusin yung pagkain ko at nagbihis na.
Nang matapos na ako ay bumaba na ako at pagkababang pagkababa ko ay kita ko si tukmol, para siyang natatawa nang makita ako.
"Ano 'yang nginingiti ngiti mo diyan ha?"
"Kasi naman, seriously? ganyan susuotin mo?" Sabi niya at sabay turo sa damit ko. Tinignan ko naman yung damit ko at wala namang problema ah.
"Hoy tukmol! Kung may problema ka sa suot ko eh mind your own business nalang." Sabi ko na nakapamewang pa talaga, itong lalaking 'to talaga eh kontra sa mga sinusuot ko, nangengealam.
"Tara na nga." Natatawa nitong sabi at lumabas na ng bahay, sumunod din ako at ni-lock ko yung pinto. Sumakay na kami sa kotse niya at umalis.
"Saan ba punta niyo?" Tanong ko dito.
"Hindi ko alam sa mga yun." Napairap nalang ako, aalis alis sila tapos hindi alam pupuntahan?
Nang makarating na kami sa bahay ata nila Zean ito ay kita ko ang mga ito na maraming bitbit na bag at mga pagkain, ano balak ng mga 'to?
Lumabas na kami ni tukmol sa kotse at pinuntahan sila.
Aba naman andito din sila Hanna.
"Guys, saan punta niyo?" Tanong ni tukmol sa kanila, pinuntahan ko naman sila Hanna.
"Saan punta niyo?" Tanong ko dito.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanfictionPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]