Cheonsa's PoV
Nagising ako sa sinag ng araw kaya naman nag-stretching ako ng kaunti para magising ang natutulog ko pang katawan.
"Mae, breakfast na atsaka nga pala andito sila Jessica." Sabi ni Manang Cath, andito sila Jessica? Ano nanaman kaya balak ng mga iyon?
"Sige po Manang Cath,maghahanda lang po ako at pakisabi hintayin nalang po nila ako." Sabi ko kay Manang at pagkatapos ay umalis na sya.
Nagmadali akong mag-toothbrush, maghilamos ng mukha, magbihis at nag ayos ng napakagulong buhok ko, just like seriously? Hindi ba pwedeng hindi magulo ang buhok pag natutulog? Buti pa ang lalaki kunting suklay mo lang eh ayos na kaagad, samantalang sa mga babae ay andami pang suklay para maayos lang.
At ayun nga pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako at agad kong nakita sila Jessica sa baba.
"Now, What do we have here?" Tanong ko sa kanila and as usual ngiti nanaman ang sinagot at mukhang alam ko na kung anong balak ng mga to.
"Seriously? Shopping again? Aren't you tired looking at some clothes to buy? And guys wala naba kayong damit?" Sabi ko dito na may halong irita well, kay Violet at Jessica ko lang pinatama yung mga sinabi ko dahil alam ko naman na napilitan nanaman si Hanna na sumama sa mga 'to.
"Cheonsa just stop blah blah blah there,we're gonna have GIRLS DAY!" Nako mukhang wala na akong magagawa.
"Fine!" I finally said as I puff my cheek out of frustration. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na agad kami kasi nga daw GIRLS DAY.
"Hm, saan ba magandang pumunta?" tanong ni Violet, saan nga ba? Baka nga halos lahat ng lugar na puntahan na namin eh.
"Shopping!" Seriously Jessica? Walang kasawaan na shopping!
"Maiba naman." Suggest ni Hanna siguro nagsasawa narin kaka-shopping.
"What about Ocean park?" Hmm good suggestion Hanna, I Like that.
"OKAY! LET'S GO!" Wow Hyper si Violet ano sininghot nito?
"Pero bago muna yun, let's go to the store and buy some FOODS!" Takaw naman nito ni Violet pero may point sya.
"I want to eat... Spaghetti and Hamburger with fries and coke!" Ay binabawi ko na si Hanna na ang pinakamatakaw samin, pumapangalawa ako.
Ngayon naman pagkatapos namin kumain ay pumunta agad kami ng Ocean Park.
"Tignan niyo ang Jelly Fish oh, ang cute!" Sabi ni Violet sabay turo sa Jelly fish na sinasabi niya at pagkatapos ay nagpicture picture na.
Pagkatapos naming makipagpicture sa jelly fish lumipat naman kami sa ibang isda.
Pumunta kami sa labas ng Ocean Park yung sa labas nila may malawak na tubig doon at makakakita ka ng DOLPHIN!
Picture there, Picture Here, Lakad doon Lakad dito hanggang sa mapagod na kami.
"Overnight tayo sainyo Cheonsa". Sabi ni Violet
"Yeah, let's go at your house Cheonsa Please". Dugtong naman ni Jessica
".Ok fine, may magagawa pa ba ako?"Grabe bahay ko nanaman susugurin at guguluhin nila.
Mga around 10 in the evening na kami nakarating sa'min. Pagkapasok na pagkapasok palang namin tumakbo na sila papuntang kusina. Kawawa naman yung mga pagkain namin.
Pagkatapos nila lantakan yung pagkain sa refrigerator ay umakyat na sila sa kwarto ko.
"Cheonsa Truth or Dare tayo dali." Aya naman ni Violet habang nakadapa sa kama ko na may unan na yakap.
"Ano bayan luma na 'yan eh iba naman." Sabi ko at nagisip naman kami ng magandang gawin.
"Hm, Pillow fight kaya?" Suggest ni Hanna kaya nagtinginan kaming apat at sabay dampot ng unan.
Palo dito palo doon, para lang kaming mga bata dahil sa pinag gagawa namin.
"Oh ayan!" Sabi ni Violet sabay palo ng unan kay Jessica.
"Unfair!" Reklamo nito at sabay na gumanti. Nagkatinginan kami ni Hanna at ngumiti ako sa kanya.
"Let the war begin!" Sabi namin pareho at sabay sabay na pagpalo ang ginawa namin.
Nag pillow fight lang kami hanggang sa mapagod kami kaya naman.. Knock down.
Next day~
Nagising ako dahil sa narinig kong tumatawa sila Violet at Jessica habang nakatingin samin kaya naman tinaasan ko sila ng kilay.
"What?" Tanong ko pero tawa parin sila ng tawa, tumingin naman ako kay Hanna na mahimbing na natutulog hanggang sa nakita ko ang mukha niya, what the face. But then I look back to Violet and Jessica na tawa ng tawa kaya naman pumasok ako ng Cr at tumingin sa salamin..
1
2
3
"VIOLEEEET!! JEEESSSIIICAAA!" Sigaw ko at sabay labas ng Cr at doon ko sila nakita na tumatawa parin.
"Epic." Sabi ni Violet sabay hawak sa tyan niya at patuloy sa pagtawa.
"We made you beautiful Cheonsa!" Sabi ni Jessica at halata naman na pinipigilan tumawa.
"Beautiful kayo diyan! Mukha bang beautiful 'to?! Tigan niyo nga pinaglalagyan niyo ng bilog, flower at kung ano ano pa ang mukha ko! So BEAUTIFUL BA 'TO?!" sabi ko sa kanila at aba tinawanan lang ako?
"Ingay mo naman Cheonsa." Rinig kong sabi ni Hanna kaya naman Tinignan ko siya.
". Try mo kayang tignan ang sarili mo sa salamin." Sabi ko kaya naman sumunod sya at pumasok ng Cr, maya-maya lang.
". WAAAAAAAHHH!!! " napa tawa ako ng mahina sa reaksyon nya.
"Now you know kung bakit ang ingay ko?" tanong ko sa kanya at um-oo naman siya.
"Wala talaga kayong magawa." Sabi namin ni Hanna at sabay na naghilamos.
Pagkatapos ay kumain na kami ng agahan at sabay-sabay na pumasok ulit sa loob ng kuwarto ko.
"Ano kayang magawa?" Tanong ni Hanna hanngang sa nagkuwentuhan na kami.
Habang nagkukuwentuhan kami ay may bigla nalang tumawag.
"Hello?."
/Hello Cheonsa?/
"Mom?"
/Yes dear, where are you right now?/
"House."
/Can you come here in the office?/
"Wait nakauwi na kayo?"
/Yup sorry we didn't tell you./
"Si Mom talaga sige sige namiss ko kayo!"
/We miss you too dear!/
Pagkatapos ay naghung up na si Mom, bakit niya kaya ako pinapapunta sa Office?

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanfictionPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]