Chapter 21

44 5 0
                                    

Cheonsa's PoV

Ilang araw na din since na nandito kami sa Japan, pumunta narin kami sa iba't ibang lugar dito, para na ngang nilibot na namin eh.

At oto ako ngayon bored dalawang araw nalang at makakauwi na kami kaya mas gusto ko pa sanang sulitin kaso 'tong tukmol na 'to ay ayaw na daw akong samahan, nakakapagod daw kasing magikot-ikot.

Bumangon ako sa kinahihigaan kong sahig na may sapin at pinuntahan ang mahimbing na natutulog na si tukmol.

Tinapik tapik ko ang balikat niya pero hindi siya nagigising.

Sinampal samapal ko ng mahina ang pisngi niya pero wala paring epekto.

Inuga ko ang katawan niya pero wala talaga. Yung totoo? parang ilang araw na walang tulog lang ah.

Tinignan ko ang mukha niya and smiled evilly.

Nang matapos ko na ang plano ko ay pinicture-an ko agad para may pang blackmail ako dito mamaya. Hihintayin ko nalang siyang magising at makita ang reaksyon niya.

Lumabas muna ako ng hotel nang hindi ko marinig ang pagkalakas lakas na mala tarzan niyang boses baka mabasag eardrums ko.

Pumunta ako sa paborito kong puntahan dito ang Manga store.

Pumasok na ako sa loob para bilhin yung Kuroko no Basuke or KNB for short na manga, yung full volume narin ang binili ko kasi mahirap maghanap sa Pilipinas.

Ang totoo niyan ay mahilig talaga ako sa Anime ,minsan nga kapag wala akong maggawa ay nag-dradrawing nalang ako hobby kumbaga.

Nang mabayaran ko na ang Manga ay bumalik na ako sa hotel. Ano na kaya ang nangyari dun sa tukmol na yun? Panigiradong nagwawala na yun.

Pagpasok na pagpasok ko ay pagmumukha agad ni tukmol ang nakita ko, para siyang nalugi at hindi binayaran ng umutang sa kaniya kaya napatawa ako.

"Mrs. Sanchez mind to explain kung bakit mo ginawa yun?" Nakangiti niya pang tanong sa'kin pero yung ngiting sarcastic. Nag eye smile ako dito at nagsalita.

"Eh kasi po Mr. Sanchez na-bobored po ako" sabi ko dito gusto ko na sana tumawa pero may na-realize ako sa sinabi niya.

"And I'm not Mrs. Sanchez." Sabi ko pa dito at lalampasan na sana siya kaso binuhat niya ako na parang sako at tinungo ang kama.

"Oi! Ano 'yang binabalak mo ha!? Binatawan mo nga ako!" Sabi ko sabay hampas sa likuran nito pero hindi niya lang ako pinansin hanggang sa ihiga niya ako sa kama at pumatong sa'kin, hinawakan niya din yung dalawang kamay ko kaya naman hindi ako makakaalis nito.

Dahil sa position naming ito ay hindi ko maiwasang mamula. Bakit niya ba 'to ginagawa??

Dahan-dahan niya nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin, pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko para bang may nagkakarerahang kabayo.

Ilang inch nalang at maglalapat na ang labi niya sa labi ko. Napapikit na lang ako at naghintay.

"Sa susunod na gawin mo 'yon, hindi lang ganito ang gagawin ko sa'yo." Sabi niya, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko kaya naman napadilat na ang mata ko.

Magsasalita na sana ako kaso nagsalita siya ulit.

"And also, ikaw ay si Mrs. Sanchez kasi we are married kahit na arranged marriage lang 'yun." Sabi niya at umalis na sa harap ko.

Nakahiga lang ako. Shock. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react sa sinabi niya, lalo na yung sa sinabi niyang kahit arranged marriage lang ang nangyari ay Mrs. Sanchez parin daw ako. Trip nanaman nito?

"Mahilig ka pala sa anime?" Rinig kong tanong niya, nakalimutan ko nga palang itago 'yang Manga ko.

Tumayo na ako sa kama at nakita ko namang tinitignan niya ito.

"Yeah, bakit masama bang magbasa ng Manga?" Tanong ko dito sabay kuha sa Manga na hawak niya.

"Hindi naman." Kinuha ko na isa-isa ang Manga ko atsaka inilagay sa bag ko, para naman 'di ko makalimutan.

"Tara labas tayo, may pupuntahan tayo." Sabi niya sabay hila sa akin. Hindi pa nga ako nakakasagot eh!

Sumakay kami sa isang train, wala talaga akong idea kung ano nanaman ang balak ng isang 'to.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito pero nginitian niya lang ako. Nakakainis talaga 'yang ngiti niyang 'yan! nakakaloko lang.

Nang tumigil na ang train ay agad nanaman niya akong hinila.

Ano ako tali lang na pwedeng hilahin?

Hinila niya lang ako ng hinila hanggang sa tumigil kami sa isang lugar na kung saan pwede kang mag ice-skating.

Ang ganda! Nilibot ko na ang Japan pero bakit ngayon ko lang 'to nakita?

"Baka pasukan ng langaw 'yan." Sinamaan ko agad nang tingin si tukmol.

"Halika at mag I-Ice skating tayo." Agad naman akong sumunod dito. Excited na akong mag ice skating!

Pumunta kami ni tukmol kung saan magrerenta ng Ice skating shoes.

Kinuha ko na 'yung akin at dali-daling nag-skating. Na-miss ko na 'to! Ang sarap sa feeling!

Wala na akong pake sa mga tao sa paligid ko kaso feel na feel ko talaga 'to.

Tinignan ko si tukmol at kita ko namang nakasunod pala siya sa'kin, well wala akong pake basta nanamnamin ko na ito.

•••••

"Marunong ka pala mag ice skating?" Tanong ko kay tukmol. Ngayon ay naglalakad na kami pasakay sa train, ang saya ng araw ko ngayon!

"Yup, may nagturo sa'kin niyan nung bata pa kami." Sabi niya na nakangiti, at dahil sa na-curious ako kung sino ay siyempre tinanong ko.

"Sino naman ang nagturo sayo nun?"

"Hindi ko tanda eh." Napangiwi nalang ako sa sinagot niya. Kung makangiti kanina kala ko pa naman kilala niya tapos it turns out to be not pinagloloko ako nito.

Safe naman kaming nakauwi at ako ito kanina pa nakangiti dahil sa saya na naranasan ko.

"Para kang tanga, kanina kapa ngiti ng ngiti diyan kulang nalang itawag kita sa mental." Kahit na sinabihan niya akong tanga ay nakangiti parin ako.
I don't care what he say, I'm just happy right now.

"Nakakakilabot kana." Sabi niya at pumasok na sa room namin at ganoon din ako.

"Ako na muna ang mauuna mag-half bath." Sabi niya at sumang ayon nalang ako.

"Hindi ka makiki-pagdebate? " tanong niya at umiling lang ako, kasi pag may maliligo o mag-hahalf bath sa aming dalawa ay nag-dedebate pa kami hanggang sa sumuko ang isa sa amin.

"Himala ata." Sabi niya at pumasok na sa banyo, ako naman ay naghanda na ng damit pantulog, hindi ko talaga maiwasang 'di mapangiti, hindi ko alam kung bakit basta ang saya ko lang ngayon.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now