Cheonsa's PoV
Tahimik kaming nakatayo dito sa tapat ng pinto ng bahay na ibinigay sa amin ng parents namin.
Parang wala pang balak ni isa sa amin na pumasok. Dami kasing naiisip ng magulang namin. Hindi ko alam kung bakit pa talaga kami binigyan ng bahay.
Nakakangawit nang tumayo ah, pero kasi sana may kwarto kami ng tig-isa baka kasi isang kwarto nanaman, ayaw ko ng makatabi 'tong tukmol na 'to.
Okay, suko na ako. Ako na ang bumukas ng pinto at pumasok.
"Hindi kaba papasok? Sige sasaraduhan na kita." Sabi ko na tatangkain na sanang sasaraduhin ang pinto pero agad din naman siyang pumasok.
"Kala ko diyan ka sa labas matutulog eh." Sabi ko at kinuha ko na ang gamit ko at umakyat sa taas para tignan ang mga kwarto.
Buti naman at marami rami din amg kwarto, wala na akong proproblemahin.
Pumasok na ako sa isang kwarto at umupo sa kama.
Ang ganda naman ng kwartong ito. Galing ko talaga mamili ng kwarto kasi naman malapit sa bintana ang kama at malapit din sa seaside ang bahay na ito kaya naman kita sa labas ng bintana ang dagat.
Inayos ko na ang gamit ko. Nakalimutan kong ibibigay ko papala ang mga pasalubong ko sa kanila kaya naman lumabas ako dala-dala ang mga pasalubong ko sa kanila.
"Saan punta mo?" tanong sa'kin ni Tumol, mukhang magkatapat lang ang kwarto namin.
"Ibibigay 'tong mga pasalubong ko." Sabi ko at sabay pakita sa mga binili kong souvenir.
"Ganun ba? Sabay na tayo." Tumango nalang ako, kasi mahirap nang sumakay ng taxi at tamang tama may kotse na siya dito.
Tahimik lang din ang biyahe namin pero naisipan kong magsimula ng usapan.
"Tukmol." Umpisa ko, kita ko rin namang nainis siya sa tinawag ko sa kaniya.
Maya-maya lang sumagot din ito.
"Kailan birthday mo?" Hindi ko alam ang itatanong ko sa kaniya kaya ayan ang unang pumasok kaagad sa isipan ko.
"At bakit mo naman natanong 'yan ha Cheonsangot." Nakalimutan kong may tawag din pala 'to sa'kin. Napangisi siya nung nakita niya ang ekspresyon ng mukha ko.
Hmp! Ang sama talaga nito.
"Wala, bakit masama bang magtanong?" Pagtataray ko dito.
"June 16." Napatingin agad ako sa kaniya.
"Anong June 16?" Ewan ko ba kung bakit namitik pa talaga siya ng noo nung tinanong ko yun kaya naman napahawak ako sa noo ko at sinamaan siya ng tingin.
"Malamang yun yung birthday ko, alangan namang yun yung araw na namatay ako." Pagka-sarcastic niya pa talagang sinabi. Ayoko na hindi na ako magsasalita, pinipilosopo ako eh. Kaya Shut up nalang.
Salamat nandito na ako sa tapat ng bahay ko, bumaba na ako at papasok na sana ng gate nang biglang sumingit ang tukmol.
"Hindi ka man lang magpapasalamat?" Tanong niya.
"At para saan naman?"
"Kasi hinatid kita?" Napairap nalang ako sa sinabi niya. Ako mag-thathank you sa kaniya? Asa siya.
"Asa ka." Sabi ko at pumasok na ng bahay.
Nang makapasok na ako ay si manang Cath agad ang tumambad sa akin kaya naman dali-dali ko itong niyakap.
"Manang! Na-miss po kita!" Yumakap din naman sa akin si Manang, nagulat din ako nung nakita ko si Yeyeng at Dandan kaya naman humiwalay muna ako kay Manang at yumakap sa magkapatid.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
Hayran KurguPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]