Terrence PoV
I'm really so happy right bow na sa wakas ay bati na kami ni Kuya Bryan.
"Uy, Kyle ang saya mo ata." Sabi sa'kin ni Argelyn na weird kung makatingin sa'kin.
"Bati na kami ni kuya." Masaya kong sabi. Nagulat naman siya nung sinabi ko 'yon at agad na lumapit sa'kin.
"Huh? Paano nangyari yun?" Tanong niya.
"Basta." Nang pagkasabi ko nun ay agad niya akong hinampas sa braso.
"Ang daya." At nag-pout pa kaya napakamot ako sa ulo. Speaking kay kuya, pupunta nga pala sila dito ni ate Cheonsa.
"Pupunta pala sila dito mamaya." Sabi ko kay Argelyn na nakaupo sa sofa.
"Dito sa bahay niyo?"
"Hindi, sa bahay niyo. Kaya nga dito hindi ba?" Pamimilosopo ko dito, sinamaan naman ako nito ng tingin.
"Ano naman ang gagawin nila dito?" Tanong ulit niya.
"Bibisita daw." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Bibisita?"
"Hindi, mambubuwisita." Nakaramdam nalang ako bigla ng hampas sa ulo ko. Binato pala ako ng unan.
"Aray! Ano ba 'yon?!" Reklamo ko dito. Ang sadista niya ngayon.
"Ikaw eh! Kanina kapa." Pagrereklamo din niya.
"Aba kasalanan ko bang lutang ka ngayon?" Ayan. Nabato nanaman ako ng unan.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko dito. Bigla nalang kasing pasulpot sulpot 'tong babaeng 'to, daig pa kabute.
"Wala, ka-bored sa bahay eh." Sabay hikab, paano naman kasi kaaga aga ay nasa bahay na.
"Matulog ka nga muna diyan." Sabi ko na papunta sa taas para kumuha ng unan. Nang makababa na ako ay nakita ko naman na tulog na tulog.
Lumapit ako dito at nilagyan ng unan ang kaniyang ulo.
Umakyat ako papunta sa aking kwarto at naglinis, grabe ang kalat dito, minsan lang kasi malinisan.
Nang makatapos na ako ng paglilinis ay saktong may narinig ako ng pag-doorbell kaya naman napababa ako at pinagbuksan ito ng pinto.
"Kuya!" Bati ko sabay yakap dto, napatingin ako kay Ate Cheonsa at binati rin ito.
"Wow naman nagkakayakap na sila." Sabi niya na nakataas ang kilay sa'min ni kuya. Napatawa nalang ako at pinapasok sila.
"Hueag niyo nalang pansinin 'yang babaeng nasa sofa." Sabi ko sa kanila at napatawa, tinitignan kasi nila sa Argelyn.
Naupo nalang sila sa isang sofa at ako ay pinagtimpla sila ng juice. Gusto ni kuya Orange juice kaya ayon ang tinimpla ko sa kaniya, kay ate Cheonsa naman ay ang Guyabano. Ewan ko ba kung bakit sarap na sarap siya dito.
Nang matapos ko na ilang matimplahan ay ibinigay ko kaagd sa kanila iyon. Napatingin naman si ate Cheonsa sa juice niya.
"Bakit?" Tanong sa kaniya ni kuya Bryan.
"Bakit Guyabano?" Tanong niya, nagkatinginan naman kami ni kuya at napakmot ako ng ulo.
"Ah eh, ayaw mo ba?" napailing naman si ate Cheonsa.
"Hindi naman, pero bakit sa kaniya orange tapos sa'kin Guyabano?" Napaiba ako ng diretso ng tingin, What to say? What to say?
"Ah kasi ano ate, ano, ano, oo yun nga." Napa-face palm naman si kuya sa sinabi ko. What? Wala akong maisip eh.
"Nako, okay na nga ito pero, alam mo bang paborito ko 'to?" Sabi niya sabay ngiti.
"Alam ko po." Ay pisti. Nadulas ako dun. Napatingin naman si kuya sa akin ng masama samantalang si ate Cheonsa ay Nagtatakang nakatingin sakin.
"Alam mo?"
"Ahm, alam ko na kasi hindi ba nga sinabi mo?" Hindi ko sure na sagot. Sana gumana.
"Ah...okay?" Nakahinga ako ng maluwag. Pero nang pagkatingin ko kay kuya ay ang sama ng tingin, sorry na kuya!
Pero ang tanong. Anong ginagawa nila dito? Hindi man lang sinabi sa akin ni kuya kung anong gagawin nila dito, basta ang sabi lang ay pupunta sila dito at dahil nga sa wala akong load ay hindi ko na natanong.
Maya-maya lang ay narinig ko si ate Cheonsa na humahagikgik at kita ko rin naman na kinikiliti siya ni kuya Bryan.
"Isa tukmol! Kapag hindi ka tumigil eh ibubuga ko sa'yo ang juice na ito." Babala ni ate Cheonsa pero hindi parin ito tinigilan ni kuya. Itong dalawa talaga 'di parin nagbabago.
At dahil nga sa hindi tumigil si kuya sa pangingiliti ay ayun sapul.
Sapul ang juice sa mukha niya, ayan kasi ang napapala mo kuya.
"HAHAHAHAHA!! AYAN HA! AYAW MO PA TUMIGIL HA! HAHAHAHA." Natatawang sabi ni ate Cheonsa habang nakaduro pa kay kuya Bryan, kahit ako ay natatawa rin.
At dahil nga sa pagtawa namin ng malakas ay nagising si Argelyn. Napatingin naman kami sa kaniya.
"Bakit ang ingay?" Tanong ni Argelyn sabay unat.
"Ayan oh! Si Cheonsangot ang lakas kung makatawa!" Sabay duro ni kuya kay ate Cheonsa. At si ate Cheonsa naman halatang natatawa pa.
"Ikaw may kasalanan!" Patuloy parin sa pagtawa si ate Cheonsa at nagduruan na silang dalawa.
"Halika nga Terrence! Tulungan mo 'ko." Sabay hila sa akin ni kuya papuntang banyo.
Kinuhaan ko si kuya ng towel at extrang damit, habang siya ay naghuhugas.
"Kuya." Umpisa ko.
"Oh?" Sagot niya mula sa banyo.
Hindi ko alam kung itatanong ko pa, pero gusto ko na ring malaman.
Huminga ako ng malalim bago itanong ang tanong na gusto kong masagot.
"Kailan mo balak sabihin?" Hindi muna siya sumagot at maya-maya lang ay lumabas na siya na kita ang 6 pack abs niya. Inggit ako kay kuya siya may Abs ako may Ab lang.
Agad ko namang binigay ang extra ng damit na sa kaniya. Sinuot muna niya iyon at humarap sa salamin.
"Hindi ko alam." At tumungo sabay yukom ng kamao niya.
Pero alam ko na rin na balang araw malalaman niya rin ang lahat. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman niya.
Balang araw. Malapit na.
Malapit na......

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
Fiksi PenggemarPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]