Cheonsa's PoV
"HAUNTED HOUSEE!?!!" Napatakip siya agad ng tenga dahil sa akin. Sa lahat talaga ng papasukan, Haunted House pa!
"Tsk. Sakit sa tenga ah!" At sinamaan ako ng tingin, sinamaan ko rin naman siya ng tingin.
"A-Y-O-K-O! Ayoko!" At binelatan siya.
"Sa ayawa't gusto mo sasama ka!"
"Ehh! Ayaw ko nga dun sabi eh!" Pagdadabog ko dito, at eto nanaman ako na parang tali kasi hila hila nanaman niya ako.
"Tukmooool!" pagpipilit kong pagpipiglas dito, pero walang epekto dahil sobrang lakas makahila ni Tukmol
Nandito na kami ngayon nakatayo sa harap ng Haunted house. Tignan ko palang ito mula sa labas ay nanginginig na ako sa takot.
Nagulat nalang ako nang biglang hinawakan ni tukmol ang kamay ko, napatingin ako sa kamay namin at pansin ko lang na lagi na niyang suot suot ang wedding ring namin.
"Wag kang matakot nandito lang ako." Ang mga katagang sinabi niya, parang narinig ko na 'yan.
Maya-maya lang ay pumasok na kami sa loob, humigpit agad ako ng hawak sa kamay niya at napapikit.
I really hate Haunted House!
Nang nasa kalagitnaan ay bigla nalang na may nanggulat sa'kin kaya nauntog ako bigla sa ding ding dahil dito.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.
"Bryan naman eh!" Pagdabog ko dito dahil pinipilit nuya kasi akong pumasok sa haunted house! Ayoko pa naman sa mumu!
"Dali na Cheonsa! Masaya dun!" Pamimilit ni Bryan sa'kin pero tinignan ko lang siya at umiling na ayaw ko talaga.
Bigla naman niya akong hinawakan sa kamay ko at ngumiti.
"Huwag kang magtakot nandito lang ako." Napatingin nalang ako sa kaniya at ngumit narin.
"Sabi mo 'yan ah!" Sabi ko dito.
"Siyempre ako pa! Hindi ba sabi ko sa'yo lagi kitang proprotektahan?" At nag-pose pa siya ng naka superman.
Napatawa nalang ako sa kaniya.
"Oo na oo na." At pumasok na kami ng sabay sa haunted house, at ako ay kapit na kapit sa braso niya.
Ano 'yon?Sa nakita kong 'yon bakit nandun si tukmol?!
"Cheonsangot, ayos kalang?" Napatingin ako sa nag-aalalang si tukmol. Kamukha niya nga yung kanina, kapangalan niya rin. Siya ba talaga 'yon? Pero paano?
"Bryan." Ayan na lang ang nasabi ko hanggang sa magdilim na ang paningin ko.
Brian's PoV
"Cheonsa! Cheonsa!" Inalog alog ko siya pero hindi parin nagmumulat ang mata niya.
Binuhat ko agad siya at nilabas agad sa haunted house, kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari edi sana hindi ko nalang siya pinilit at nag-carousel nalang kami.
Dali-dali akong pumunta sa parking lot at hinanap ang kotse ko, natataranta na ako nasaan na ba ang kotse?! Lintek!
Hinanap ko ang kotse na buhat buhat ko parin siya at nang makita ko na ay kinuha ko kaagad ang susi sa bulsa ko. Buti nalang at piniggy ride ko siya.
Inihiga ko na kaagad siya sa loob at umupo na ako sa driver's seat. Hindi ako mapakali habang nagda-drive, bakit ba siya nahimatay? Nauntog lang naman siya ah?
Nang makarating na kami si hospital ay agad ko siyang kinuha sa likod at binuhat papasok ng hospital.
Nang pagpasok ko ay may dalawang nurse ang agad na lumapit sa amin at tinulungan ako.
"Ano po bang nangyari sa kaniya?" Tanong sa akin ng doctor nang matapos niyang mausisa si Cheonsa .
"Pumasok po kami sa loob ng haunted house at nang nasa kalagitnaan na po kami ay bigla nalang pong may nanggulat at dahil sa sobrang takot ay bigla nalang siya nauntog sa ding ding." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Tanga naman nun." Bulong ng doctor.
"Alam ko po rin doc." Dagdag ko dito, nagulat naman ang doctor sa'kin, kaya kinlaro niya ang boses niya at humarap na sa akin.
"Well sa ngayon wala naman siyang natanggap na malalang injury maliban nga sa bukol niya sa noo." Sabi niya habang tumitingin sa papel.
"Atsaka ayon dito ay nagkaroon siya ng amnesia right?" Napatango ako sa tanong niya, kinakabahan naman ako dahil do'n.
"Mukhang ang ikinasanhi ng kaniyang pagkahimatay ay may naaalala siguro siya at dahil hindi pa masiyadong ma-function sa utak niya ay nag-block out ito." Paliwanag sa akin ng doctor, nang pagkasabi niya nun ay kinabahan na talaga ako ng todo, ano kaya ang natandaan niya? Sana hindi iyon.
"Ah sige po." At sinabi narin niya na pwede ko nading malabas si Cheonsa paggising nito.
Pumasok narin ako sa loob at umupo sa tabi nito.
"Kaya pala sinabi mo ang pangalan ko na wala ng tukmol." Ngumiti ako at hinawakan ko ang kamay niya, tulog na tulog pa siya, antukin talaga.
"Sana kung ano man 'yang naalala mo eh ayos lang, basta hindi lang talaga iyon." Kasi nung maalala ko iyon ay ang lakas talaga ng impact sa akin, buti nakaya ko pero kung siya ewan ko lang.
Hindi ko narin natawagan sila tita dahil sa pagpa-panic ko pero babalitaan ko nalang sila.
"Date sana natin 'to kaso nasira ko lang, sorry talaga ." Hinimas himas ko ang buhok niya at hinalikan ang noo nito.
Ilang minuto ang nagtagal at nagising narin siya. Inalalayan ko naman siyang makaupo.
"Ayos kana?" Pag-aalalang tanong ko dito, tahimik lang siya at walang kibo pero maya-maya ay tumingin din siya sa akin.
"Sino kaba talaga? Ano kita?" Ayan agad ang una niyang tanong sa akin, nakakakaba ang tanong niya, sabihin ko ba?
"Maala-ala mo rin." At nginitian ko siya. Tumango nalang siya at tumayo, inaalalayan ko pa siya.
"Gusto ko ng umuwi." Tumango nalang ako at inaalalayan siyang maglakad papunta sa kotse.
Medyo tahimik ang biyahe, wala man lang nagsasalita sa amin.
"Ano gusto mong kainin?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
"Hindi pa ako nagugutom." Yun lang ang sabi niya, napatango nalang ako at nagbalik nanaman ang katahimikan.
Nang makauwi na kami sa bahay ay agad siyang dumiretso sa kwarto niya, ako naman ay nagbihis sa kwarto ko at nahiga.
Ano kaya yung naaalala niya?
Unknown PoV
Hmmm.. mukhang success ang panggugulat ko kanina ah. May naalala na kaya siya at ano kaya iyon?
Interesting...
YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanficPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]