Shadow's PoV
"Ikaw 'yung lalaking yun!" Pagalit na sabi ni Cheonsa sabay turo dito kay Bryan, pero 'di natinag si Brian dito at binigyan lang ng Blank expression. Nakatingin naman ang mga kaibigan ni Timothy at sina Violet kay Cheonsa at kay Bryan na may halong pagtataka sa mukha nila.
"You know each other?" Tanong ni Timothy sa kanila Cheonsa at Bryan. Napatingin naman si Bryan dito.
"This woman was blocking my way." Sabi nito kay Timothy, at ng dahil sa sinabi ni Bryan ay lalong mas nagalit si Cheonsa dito.
"What?! Kapal ng mukha mo! kalawak-lawak ng daan bakit 'di ka man lang gumilid? Bulag ka ata eh." Pasigaw na sabi ni Cheonsa dito, dahil doon ay tinignan siya ng masama ni Bryan.
"Tsk, I'm not blind you know! And for your information I don't like people blocking my way, ikaw nga 'to eh, nasa harapan mo na nga ang tao ay patuloy-tuloy kapa rin sa paglalakad ikaw ata ang bulag eh!" Pagmamatigas na sabi ni Bryan dito, lalo pang nanggigil si Cheonsa sa kanya.
"Eh sa may iniisip ang tao eh! Edi sana man lang iniwasan mo nalang ako 'no?! Hindi yung patuloy ka ring maglalakad, atsaka napaka walang modo talaga, 'di mo man lang ako tinulungang tumayo!" Pabalik na sabi ni Cheonsa.
"Tch! Why would I help a clumsy person like you? May sarili ka ring paa 'no?!"
Patuloy paring nagsisigawan si Bryan at Cheosa kaya naman pinagtitinginan na sila ng mga tao na para bang taga ibang mundo ang mga ito.
"Uhm guys, stop that already, the people here are looking at us now." Saway ni Namjoon habang nakatingin sa paligid.
"Paghiwalayin na kaya natin sila?" Suggest naman ni Zean sa kanila, nag tinginan sila at tumango.
Pinuntahan naman ni Namjoon si Bryan at hinila ito palayo kay Cheonsa, ganun din ang ginawa ni Violet at Hanna kay Cheonsa.
"STUPID!" Huling hirit naman ni Bryan bago ito lumakad palayo.
"Uhm, Nice to Meet you!" Huling sabi ni Eunice bago ito sumunod sa kanyang kapatid, kasabay narin ang pag alis ng iba pa nilang kasama.
"Uhm, ikaw Timothy? Hindi kaba sasama sa kanila?" Tanong ni Hanna dito kay Timothy na nakatayo sa tabi niya, napatingin naman ang lalaki dito at ngumiti.
"Nope, and I want to go with you guys." Sabi nito sa kaniya, pero napakunot noo nalang si Hanna dito.
"Sure ka?" Huling tanong ni Hanna dito, na parang naninigurado, kaya naman tumango nalang si Timothy dito bilang sagot niya kay Hanna.
"So tara na girls? Baka mamaya sumabog pa ang nag aalburotong bulkan dito eh." Pabirong sabi ni Violet kaya naman isinukbit na nya ang kamay ni Cheonsa at hinila na ito palayo.
Cheonsa's PoV
Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging kaibigan ni Timothy na makikilala ko eh siya pa?! Bakit?! Grabe Nakakainis siya, yung ugali niya hindi ko ma-take nakakasuklam, buti nalang at hinila na ako ni Violet bago pa ako sumunod dito kay Bryan ba 'yun? Nako kung sakali lang eh baka nasakal ko na 'yung lalaking yun!
"Oi Friend, busy?" Napabalik ako sa sarili ng tapikin ako ni Violet sa balikat.
"Hay nako, 'wag mo na kasing isipin yung lalaking yun, lalo kalang mabwi-bwisit dun sa tao eh." Sabi nito sakin, napakurap nalang ako sa kanya.
"Yeah, Violet was right Cheonsa, just don't mind Bryan, he's just like that." Paliwanag ni Timothy sa'kin, paano ko hindi makakalimutan yun? Eh yung ugali nakakainis wala man lang galang.
"Cheonsa, stop that now, let's just have fun!" sabi naman ni Jessica na excited na ulit mamili, mukhang tama siya, i'll just have fun and forget about him.
Pinuntahan ulit namin ang store na itinuro ni Violet kanina, paano naman kase ang gaganda ng mga damit.
Tinignan ko si Timothy at nakita kong naghahanap din sya ng damit? Luh, bakla ata 'to pero guess kung anong ginawa niya? Pinuntahan lang naman niya si Hanna at ibinigay ang damit na pinili nya, I smell something LOVE.
"Eherm." kunyaring pag ubo ko sa harap ni Hanna at Timothy, tinignan ako ng dalawa. Wow sabay. Tinignan ko si Timothy at napa-smirk ako rito tinignan niya lang ako ng may pagtataka sa sarili kaya hinila ko ito papalayo kay Hanna.
"Wait lang Hanna ah?" Huling sabi ko dito bago inilayo si Timothy ng tuluyan.
"What's the problem?" Tanong nito sakin pero smirk lang ang sinagot ko.
"Stop doing that, it's creepy." Aba nung sinabi niya yun eh may pa hawak hawak pa sa braso nya na akala mo kinikilabutan , ang sama.
"Tell me." Umpisa ko dito.
"What would I tell you?" tanong nito sa akin sabay kunot ng noo.
"Are you courting Hanna?" Tanong ko sa kaniya kaya naman napalaki ang mata niya kala ko ilong lang malaki sa kaniya.
"No! I just find her cute okay?" Sabi nito sabay taas ng dalawang kamay na akala mo nagsu-surrender sa police.
"Asus, ano ba 'to? Love at first sight?" Asar ko dito, na ikinamula ng mukha niya.
"C-cheonsa!" Saway nito sakin na hanggang ngayon ay namumula parin ang mukha, inlove na si Timothy!
"Haha, siya pagpatuloy nyo na yan." Sabi ko dito at iniwan na ito sa kinatatayuan niya.
YOU ARE READING
What?! Marriage?!
Fiksi PenggemarPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]
