Bryan's PoV
Nandito ako ngayon sa likod ng bahay kung saan may mini garden, maaga akong nagising kaya naisipan kong dito nalang muna tumambay, habang nagkakape ay pinagmamasdan ko ang paligid.
Napagsabihan ko narin ang mga maids dito na 'wag muna nilang tawaging 'Mistress' si Cheonsa sapagkat wala pa itong maalala, baka magtaka lang ito.
Habang tahimik akong umiinom ng kape ko ay nahagip ng paningin ko si Cheonsa na papalapit dito at may dalang mug. Kape couple kami dahil sinadya ko talaga 'yon.
"Aga mo ata." Bungad kong sabi dito at mukhang antok pa ito.
"Balik ko rin kaya 'yang sinabi mo." At nakabusangot na napaupo. Napabulong naman ako ng 'sungit' sabay higop sa kape ko. Meron ata ngayon yaan na natin.
Habang tahimik naman kami ay may biglang tumunog pagtingin ko sa harap ko ay kay Cheonsa pala cellphone niya. Napangiti naman siya nang makita niya ito.
"Sino 'yan?" Tanong ko dito pero irap lang ang natanggap ko. Ano na naman ang ginawa ko?
Patuloy lang siyang nag-tatype habang nakangiti at mas lalo ko iyong kinairita. Kaya naman tumayo na ako at pumasok.
"Saan ka pupunta?"
"Sa restroom! Magtatanggal ng Stress!!" At ayun iniwan ko na siya.
Cheonsa's PoV
Nakakunot noo ko namang sinundan si tukmol, hindi ko lang pinansin eh susungitan din ako?! At anong magtatanggal ng stress sa banyo? Don't tell me...
Nakarinig ulit ako nang pagtunog mula sa cellphone ko at pagtingin ko eh si Theodore pala.
From: Theo
Knock knock
Omg eto nanaman siya...
To: Theo
Who's there?
From: Theo
Isabaw mo sa kanin ang ihi ng kambing.
Sana naman 'di ko mabato 'tong cellphone ko sa kakornihang jokes niya.
To: Theo
isabaw mo sa kanin ang ihi ng kambing who?
From: Theo
Isabaw..mo sa kanin ang ihi ng kambing~
Dahil sa text nga lang ay hindi ko na-gets ang joke niya.
To: Theo
Hindi ko gets :(
From: Theo
Kantahin mo yung 'kamukha mo si paraluma (?) nung tayo'y bata pa. Tapos itono mong ganun yun.
Ginawa ko ang sinabi niya at ayun na-gets ko na siya. Kahit papano.
To: Theo
Adik!
From: Theo
Sayo :)
To: Theo
Ewan, kain nga muna ako.
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya sapagkat baka tuluyan ko ng mahagis ang phone ko.
Pumasok na ako si tukmol na kumakain mag-isa.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
Fiksi PenggemarPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]