Brian's PoV
Hindi ko rin alam kung bakit pa siya bumalik at sinama pa siya, okay lang sana kung siya lang.
"Oh, Kuya hindi mo ba ako Miss?"
Sabi pa nito at sumaludo na tatatlong daliri ang gamit.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa kasama niya. Grabe hanggang ngayon ang ganda pa rin niya.
"K-kumusta kana?" Bakit ako nauutal? Umayos ka nga Bryan!
"Eto ayos lang, nagpakulay kana pala?" Tanong niya sakin nang nakangiti kaya naman napangiti narin ako sa kaniya, wala parin talaga siyang pinagbago. Ang ganda niya parin.
"A-ah oo, ikaw rin ah nagpakulay na." Sabi ko nang ma-notice ko ang pagkapula medyo ng buhok niya.
"Oo new style naman." Sabi niya sabay tawa ng mahina, pati tawa niya mala-anghel grabe....
"Si Kuya talaga hindi na ako pinansin." Patuloy ko parin siyang hindi pinapansin, I still can't accept the fact that Argelyn chooses him over me.
"Nandyan ka pala?" Bored kong sabi dito. Pero nag-pout lang ito sakin at iniwasan ko nalamang ito ng tingin.
"Oo nga pala kuya dito na ulit ako." Sabi pa niya ng nakangisi.
"Ok." Maikli kong sambit at umakyat na ng kwarto ko para makapag pahinga, bakit kapa bumalik Terrence Kyle Sanchez?
Terrence's PoV
Hi! ako nga pala si Terrence Kyle Sanchez ang kapatid ni Bryan Dean Sanchez! I'm 20 years old and I'm Argelyn Juan's boyfriend! naging ganun lang naman ang ugali ng kuya ko nung naging kami ni Argelyn, kailan kaya matatanggap ni kuya? Hindi ko na kasi kayang hindi nya ako pinapansin, partners in crime kaya kami nun, pero nagbago ang lahat.
"Ayos lang 'yan, baka sa susunod matanggap niya na." Pagco-comfort sa'kin ni Argelyn na may pa hagod-hagod pa sa likod ko
"Kaya nga, pero kailan naman kaya yun?" Tanong ko dito at napayuko, nakakalingkot na ang dating masigla naming pagsasama ni Kuya ay maglalaho lang.
Umakyat na ako sa kwarto ko pero nang madaanan ko ang kwarto ni Kuya ay hindi ko maiwasang malungkot at maalala ang mga nangyari nung bata pa kami.
Flashback~
"Kuya, kuya habulan tayo!" Yaya ko kay Kuya na busy kakabasa ng ewan. 9 years old ako ngayon at si kuya naman ay 11.
"Ikaw nalang busy ako." Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa libro na binabasa, lumapit ako dito para tignan ang kaniyang binabasa at nang makita ko ay nanlaki ang mata ko.
"Hala ka kuya nagbabasa ka ng ganiyan ah." Asar ko dito sabay tawa, kaya naman sinara niya ang libro at ni-wrestling ako in a playful manner.
YOU ARE READING
What?! Marriage?!
Fiksi PenggemarPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]