Chapter 27

50 4 3
                                    

Cheonsa's PoV

"Kapagod." Reklamo ni tukmol nang makauwi na kami.

"Saya nga eh." Sabi ko sabay unat ng katawan.

"Diyan ka lang muna." Sabi niya at biglang tumayo. Sinundan ko ito ng tingin at nagtanong.

"Punta mo?" Tanong ko.

"Magluluto." Maikli niyang sagot at nagpunta ng kusina. Magluluto? Si tukmol magluluto? Nora Aunor. MAY HIMALA!

Hmm.. teka... dahil siya ang magluluto may naalala ako...

Itlog.

Sunog.

Tulog.

Halaa siyaaaaa!!! Agad akong tumakbo papuntang kusina.

"Tukomoooool!"

Shadow's PoV

"Ano?" Hinarap ni Bryan si Cheonsa na masama ang tingin.

"Ako na magluluto." Sabi ni Cheonsa at tatangkain na sanang kukunin ang sandok kaso nilayo agad ito ni Bryan.

"Ako na." Pagmamatigas nito.

"Nako tukmol. Naalala mo ba nung nasa Japan tayo? Muntik ka na kaya makasunog ng hotel!" May paduro-duro pang sabi ni Cheonsa dito. Agad namang pinitik ni Bryan ang noo nito.

"Past is past." Sabi nito at bumalik sa pagluluto.

"May past is past ka pang nalalaman. Akin na 'yan!" Sabay simaan ng tingin ni Cheonsa at pilit na kinukuha ang sandok.

"Huwag na nga ang kulit nito." At itinaas ni Bryan ang sandok upang hindi maabot ni Cheonsa.

"Akin na nga! Mamaya sunog nanaman 'yang luto mo." Habang tumatalon upanag maabot ang sandok mula kay Bryan.

"Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Wala! Kaya akin na 'yan" naoatawa naman si Bryan kay Cheonsa.

"Ang cute mo talaga." Sabi ni Bryan na patuloy parin sa pagtawa.

Cheonsa's PoV

Hinawakan ko yung noo ni tukmol. Titignan ko lang kung mainit, pero hindi naman.

"Ano'ng ginagawa mo?" Nagtataka niyang tanong. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at sinampal samapal ito ng mahina.

"Ano nanaman, nababaliw ka nanaman ba?" Dahil sa sinabi niyang yon ay kinurot ko ang pisngi niya.

"Baliw pala ah." Sabi ko dito.
Hinawakan naman niya yung pisngi niyang kinurot ko. Napatawa ako dahil namumula ito.

"Ikaw kasi eh, kung ano-ano ang pinagagawa mo sa mukha ko. Masiyado naba akong pogi?" At aba nagpapogi sign pa ang mokong.

"Kapal din ng face mo 'no? Magluto kana nga lang diyan at gutom na ako." Pagrereklamo ko dito. Ay wait lang ngayon ko lang napansin yung maala pororo niyang Apron, natawa ako dahil ang cute...

ng apron ah! Hindi siya.

"Ikaw kasi ang dami mong alam." Nagreklamo din ang tukmol.

"Okay na yun kesa sa walang alam." At sabay belat at umalis. Naghintay nalang ako hanggang siya ay matapos. Maya maya lang ay tinawag niya ako.

"Oh, bakit tukmol?" Tanong kosabay pamewang.

"Gusto mo tikman?" Tanong nito sa'kin.

"Palagay mo?" Sabi ko sabay taas ng isa kong kilay. Nakita ko namang kumuha siya at ano 'to susubuan niya ako? Na-possess ata 'to.

Binuka ko na ang aking bibig at hinintay na isubo niya sa aking yung pagkain pero sa kaniya niya ito isinubo. Ang galing tukmol.

"Ang sarap." At may sarap sarap face pa siya na parang iniinggit pa ako. Sapakin kita eh. Inirapan ko nalang ito at babalik na sana sa dining table kaso naman 'tong tukmol ay pinigilan ako!

"Ito 'di ka mabiro!" At kumuha ulit at inilalapit niya sa bibig ko.
Kala niya magpapasubo ako? Asa siya.

"Ayaw mo bang tikman?" Ano akala niya cute na siya niyan kapag nag-pout siya? Eww nagmukha siyang pato.

Ngayon naman puppy eyes look, nagmukha naman siyang pitbull ngayon.

"Nganga nga na 'yan~" napairap nalang ako sa sinabi niya.

"Nganga kana kasi."

"Kala mo nganga pa ako pagkatapos mong ga--" hindi ko natapos ang sasabihin ko sapagkat bigla niyang isinubo ang pagkain sa bibig ko. I'm so dumbfounded when he did that.

Ano ngunguyain ko ba o hindi? Dahil mataas pride ko ay hindi ko ngunguyain 'to.

"Kainin mo na kasi." Pumikit ako at umiling. Matigas ulo ko eh.

"Kulit mo." Gusto ko siyang belatan kaso may pagkain pang laman ang bibig ko kaya pikit nalang.

"Ngunguya ka o kikilitiin kita?" I know that he'll never tickle me, so Nope.

"Isa." Nope

"Dalawa." Never

"Tatlo."

Nagulat nalang ako nang bigla nalang niya akong kilitiin. Nakakainis siya baka mabuga ko 'tong pagkain.

"Ano kakainin mo na 'yan? Hindi kita titigilan." At aba nang threaten pa.

Tumango-tango na ako para matapos na. tumigil siya pero yung kamay niya nasa bewang ko at handa nang makakiliti kapag hindi ko pa kinain.

Tinola, ayan ang niluto ni tukmol. Nang manguya ko na ang pagkain ay agad ko siyang hinarap.

"Weird mo this time tukmol." Sabi ko na nakakunot ang noo.

"Bakit mo nasabi 'yan?" Tanong niya na nakakunot din ang noo.

"Ang bait mo kasi ngayon." Natawa naman ito ng mahina.

"Minsan lang 'yan kaya pagbigyan mo na." At napatango nalang ako dito.

"Bipolar ka 'no?" Nang tinanong ko yun ay tinignan niya lang ako ng diretso at sabay gulo sa buhok ko.

"Hindi ah." Nakakapagduda.

"Bahala ka nga diyan. Ihatag mo na sa lamesa 'yan dahil gutom na talaga ako." Sabi ko dito at bigla naman itong yumuko.

"Opo madame." Nang pagkasabi niya nun ay sumakit bigla ang ulo ko.

"Bilisan mo nga diyan! Maiiwan na tayo ng Bus!" Iritang sabi ko dito.

"Opo Madame!"

"Uy Cheonsa ayos kalang?" Napatingin ako kay tukmol.

"A-ayos lang ako kain na tayo." Sabi ko at umupo na.

Alexis' PoV

Sa ngayon ay nandito kami ngayon ni Namjoon sa may Movie theater. We're currently at our date, Namjoon been busy these past few days kaya ngayon araw kami nag-date.

"After this, let's eat, okay?" Masaya naman akong tumango dito.

Minsan nalang kami magdate kasi nga busy rin sya sa bussiness nila. Patay na yung tatay niya kaya siya naman ang pumalit para mapangalagaan ito.

Sipag nga nito eh, bata palang siya ay siya na ang nagtataguyod ng kompanya nila. Yung nanay naman niya may sakit, at malaki ang gastusin sa Hospital kaya pinag-iigihan niyang magtrabaho para may pang bayad siya sa hospital.

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at pinikit ang mata ko.

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag kasama mo ang mahal mo ano?

I hope this will never end.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now