Finale

47 3 0
                                    

Bryan's PoV

It's been three years nang ma-comatose si Cheonsa. Marami na rin ang nagbago.

Si Theodore at Jessica ang nagkatuluyan, si Namjoon hyung naman at Noona Alexis ay nagpakasal na at may anak na rin sila at kambal pa na lalaki at babae.

Si Louis hyung naman ay nasa Korea naging Idol kasi siya doon at isa siyang Solo rapper at sila pa rin ni Vanessa Noona.

Si Zean naman, 1 taon ng nanliligaw kay Eunice, ewan ko b kay Eunice pakipot pa halata namang kinikilig siya sa tuwing dadalhan siya ng mga gifts ni Zean.

Si Timothy naman at Hanna kakapakasal lang din pero saka nalang daw sila mag-hahoneymoon kapag gising na si Cheonsa.

At si Gabriel naman at Violet parang aso't pusa pa rin kahit may anak na, hindi pa sila nagpapakasal eh may anak na sabi kasi ni Violet magpapakasal lang daw sila kapag gising na si Cheonsa.

At ako? Well, ako na ang humahawak ng kompanya namin, binalik ko na rin sa dating kulay ang buhok ko, marami akong plano para sa aming dalawa.

At ako? Well, ako na ang humahawak ng kompanya namin, binalik ko na rin sa dating kulay ang buhok ko, marami akong plano para sa aming dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pagkababa ko ng kotse ay diretso agad ako sa room ni Cheonsa, kahit 25 na ako ay marami paring nag-aakala na nasa 20 pa daw ako. Marami ding babae na lumalapit sa akin pero dineadma ko lang, dahil kay Cheonsa lang nakalaan ang puso ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Cheonsa nagtungo ako sa upuan katabi ng kaniyang kama, kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyayari sa akin kapag dinadalaw ko siya.

"Cheonsa alam mo ba, malapit ng ikasal si Theodore at Jessica hindi ko nga aakalain na magiging sila eh akalain mo 'yon? Nagkakaintindihan sila kasi panay english ni Jessica sa kaniya tapos si Theo daw ay na-nonosebleed na. Sabi pa nga no'n sakin na mauubusan na daw siya ng dugo dito!" Okay, kahit masakit sa akin nagawa ko pa ring tumawa para sa kaniya, napatigil ako nang tawa at malungkot na tinignan siya nang may biglang pumasok sa pinto at ito nanaman sila.

"Cheonsa my loveees!" Agad kong binatukan si Theodore, kahit kailan ang lakas talaga mang-asar nito.

"Ikaw lang?" Pagkasabi ko no'n ay agad na nagsipagpasukan sila Louis at iba pa ayan masikip na tuloy.

"Cheonsaaa!" Ayan si Violet, magdradrama nanaman na magising na daw si Cheonsa, napatingin ako sa paligid at nadako ang paningin ko kay Theodore na nakatingin sa akin, sabay kaming napangiti.

Ilang oras ding nandito yung barkada hanggang sa mapagdesisyunan nilang umuwi na at bibisita nlang daw ulit sa susunod.

Tinignan ko si Cheonsa na may lungkot at naupo sa tabi niya, napahawak ako sa kamay nito at hinalikan.

"Gising kana, miss ko na yung pagtawag mo sa akin ng tukmol, miss ko na yung pagtawa mo yung pang demonyo mong tawa pagpinagtritripan mo ako." Napatawa ako nang mahina sa nasabi ko, hinawakan ko siya ng mahigpit sa kamay.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now