Gabriel's PoV
"Heto ako ngayon, nag-iisa~ naglalakbay sa gitna ng dilim~" wala trip lang kumanta bakit may angal? Well well well caramel nandito kami ngayon sa bahay ni Bryan, maliban kay Cheonsa ay lahat ng girls nandito rin, alam ko naman bakit ayaw sumama nun eh.
"Para kang tanga Gabby." Tawang-tawa na sabi ni Violet. Panira talaga 'to ng trip.
"Panira ka ng trip!" Inis kong sabi dito pero tinawanan lang din ako, lokarit din 'to.
"Yiie bagay kayo!" Pang-aasar naman ni Theo, yeah Theo ang tawag ko dito kay Theodore masyado kasing mahaba ang name niya kaya pinaikli ko.
"Oh talaga tol?" Tawa kong sabi, lakas din ng tama ano? Pasundo ko na nga 'to sa mga kapamilya niyang alien.
Nagtawanan lang kami nang may bumaba na lalaki na kahawig ni Bryan hmm familiar yung face niya, nakita ko namang agad tumakbo papalapit si Eunice dito at yumakap ng mahigpit.
"Kuya nakabalik kana pala! Asan na si ate Argelyn? Miss you kuya Terrence!!" Nagulat kaming lahat sa narinig namin. Si Terrence na 'yan? Wow! laki ng pinagbago ah!
"Nakabalik kana pala?" Agad namang sabi ni Zean sabay lapit dito nang nakangiti.
"Ah, opo." Sagot naman ni Terrence at ngumiti din. Siyempre papahuli ba ako?
"Terrence, pumogi ka ah! Kasing pogi ko na!" Sabi ko dito at nakipag-bro hug.
"Ay, ang hangin." Rinig ko namang sabi ni Violet kaya lumapit ako dito at ni-wrestling in a playful manner.
"Ikaw talaga, panira ka ng trip!" Tumawa lang siya, aba naman.
"Kuya, girlfriend mo?" Rinig kong tanong ni Terrence kaya naman inalis ko na ang pag-kakawrestling at nag-fake cough, grabe kami? Mag syota? Parang ang layong mangyari .
"Ah hindi, magkaibigan kami uhmm.." paliwanag ni Violet.
"Terrence, Terrence Kyle Po." Pakilala ni Terrence sabay shakehands dito, tsk. I felt irritated bakit gano'n?
"Oh, nice to meet you Terrence! I'm Violet Hermandez naman." Nakangiting pakilala naman ni Violet. Argghh bakit ba naiirita ako? alam ko namang may girlfriend na si Terrence pero bakit ako naiirita? Baliw na ba ako?
At sa wakas natapos narin ang pakikipag-kamay nila sa isa't-isa.
"Ay, nga pala eto rin yung mga friends ko si Hanna Cruz at Jessica Catherine Williams, may isa pa kaming friend kaso nagpaiwan siya kasi ayaw nya daw makita ang pagmumukha ni Brian." Pagpapakilala ni Violet at tumawa na nung pagdating kay Cheonsa, ang cute lang ng tawa niya ano?
"Ah, bakit ano ba siya ni kuya?" Tanong ni Terrence dito mukhang nagkakabutihan na 'tong dalawang 'to ah, wala akong pake kung may girlfriend na si Terrence basta malayo ko lang si Violet sa kaniya. Kaya naman lumapit ako kay Violet at umakbay dito.
"Ah, mag-fiance sila." Ako na ang sumagot sa tanong niya, tinignan naman ako ni Violet na nakakunot ang noo. Kinindatan ko lang siya.
"Hindi nga? Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Terrence. Ay 'di pa niya alam?
"Hindi mo pa alam tol?" Biglang sulpot naman ni Louis na nakaakbay kay Vannah at swaeg na swaeg.
"Hindi eh kuya-- ay sino 'yan kuya?" Tanong naman ni Terrence sabay turo kay Vannah.
"Girlfriend ko nga pala si Vannah Reyes." Pakilala ni Louis na nakangiti kaya pati Gums kita hahaha.
"Ohh nice." Sumunod namang lumapit ay si Namjoon na ka-holding hands si Alexis.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanficPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]