Cheonsa's P.O.V
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay badtrip ako, dahil ba sa nalaman kong Arranged Marriage ako o dahil sa nakita ko ulit siya o baka dahil naman sa NGAYON KO NA IMEMEET ANG SOON TO BE FIANCE/HUSBAND KO?! o baka naman ALL OF THE ABOVE?!
Pwede na ba akong mamatay? Ayaw ko na, mas mabuti pang lumaki ako sa hirap kesa naman sa ganito.
"Uy lalim ng problema natin ah." Sabi sa'kin ni Violet sabay akbay sa akin.
"Malalim talaga." Sabi ko dito.
"Gaano ba kalalim?" Tanong niya sabay tawa nang mahina.
"Hindi ko ma-reach eh." Pagkasabi ko nun ay napatawa kami, stress reliever talaga 'tong si Violet kaya labs ko 'to pero lahat naman sila.
"Oo nga pala mamaya na kayo mag-memeet ng soon to be husband mo hindi ba?" Napalingon ako kay Hanna sa likod ko at tumango, hindi ba pwedeng ipag pa next year nalang 'yan? Nakakainis.
"Sige Cheonsa ingat and Good Luck." Sabi ni Violet sabay wink pa kuno at ayun naiwan nalang ako dito na nakaupo at ang lalim ng iniisip.
Ano kaya itsura niya? Pogi kaya yun? Baka naman chaka? O kaya bad breath? Parang awa niyo na hindi ko na kaya.
At nang dumating na ang gabi ay naka ready na ako simple lang ang suot ko at nilugay ko nalang buhok ko 'di narin ako nag make up mas gusto ko kasi simple.
Pagkatapos nun ay may bumusina na sa labas kaya naman lumabas na ako at sumakay sa loob ng kotse.
Shadow's PoV
Nang makarating na si Cheonsa sa pagkikitaan nila ay agad siyang lumabas ng kotse at pumunta sa lamesa na kung saan ang mga magulang niya.
"Oh, Cheonsa anak andito kana pala." Sabi ng Dad niya sabay yakap dito.
"Malamang sa malamang Dad kung 'di ako pupunta nako baka magka world war III." Patawang sabi ni Cheonsa kaya naman napatawa ang Dad niya at pinaupo na siya.
"Maya-maya lang ay darating na ang soon to be Husband mo at magulang nito." Sabi ng Mom niya.
Maya-maya nalang ay may dumating na isang binatang lalaki na nakasuot ng black na sweater at naka-shade na kasama ang magulang. Nang makita ng magulang ng lalaking naka-shade ang lamesa ng magulang ni Cheonsa ay lumapit ang mga ito.
"Asan ang anak mo Soyeon?" Tanong nung babae sa Mom ni Cheonsa.
"Ah, nag-restroom lang muna." Napatango nalang yung babae at napaupo na sila.
"Ayan naba ang anak mo pareng Fred?" tanong ng Dad ni Cheonsa dun sa lalaking nag-ngangalang Fred.
"Oo pare Pogi ano?" Sabi nito sabay akbay sa anak niya.
"Oo pare may pinagmanahan." Kaya ayun nag tawanan nalang sila.
"Excuse me lang po." Sabi nung binata sabay tayo.
"Saan ka pupunta?." Tanong ng Mommy nito.
". Mag-restroom lang po." Sabi nito at sabay alis.
Bryan's PoV
Nang makaalis nako sa lamesa na yun ay dali-dali akong pumasok ng banyo at you know do my business at nang matapos nako ay lumabas din agad ako.
Nang makalabas ako ng restroom ay hindi ko inaasahan na makikita ko ulit yung asungot na yun.
"Ginagawa mo dito?!" Mataray niyang pagkakatanong, dukutin ko kaya mata nito?
"Malamang nandito ako 'di mo naman ako makikita kung wala hindi ba?" Pabalik kong sagot dito, kala mo 'di ako marunong mamilosopo.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanfictionPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]