Chapter 42

42 3 4
                                        

Shadow's PoV

"Ano ng gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ng parents nila Cheonsa.

"For now, hayaan na muna nating hindi sila magkakilala." Biglang sabat ng Papa ni Bryan. Napatingin naman ang tatlo sa kanila.

"Bakit naman?"

"Kasi 'pag hanggang sa nakikita nila ang isa't isa, babalik at babalik lang ang mga alala nila at baka matrauma pa sila."

Napaisip naman ang tatlo.

"Mukhang tama ka." At dahil doon, nilipat nila si Cheonsa sa isang ospital na malayo kay Bryan.

End~

Biglang napaluha si Cheonsa sa mga alaala niya. Kasabay no'n ay ang pagbuhat sa kaniya ni Theodore upang dalhin siya sa itaas.

"Yung batang iyon..ikaw ba 'yon?" Walang alinlangang tanong ni Cheonsa, napatahimik naman si Theodore sa tanong ni Cheonsa.

"Oo ako nga iyon." Bigla siyang sinamaan ng tingin ni Cheonsa.

"How could you?! Bakit hindi mo siya tinulungan?!" Napayukom naman ng kamao si Theodore.

"Because, at that time I was jealous." Napatahimik naman si Cheonsa.

"Jealous?" Napabuntong hininga si Theodore.

"Yes, jealous. Because when we were young, I like you...a lot." Hindi alam ni Cheonsa ang sasabihin.

"That time, naisip ko sa sarili ko na, 'mapapansin mo rin kaya ako?' kaya naman hindi ko siya nagawang tulungan kasi kung hindi ka man lang sa akin mapupunta ay mabuti ng mawala kana lang kesa sa mapunta ka sa iba."

Flashback~

"Cheonsa, dito sa punong ito pinapangako ko sa'yo na paglaki natin papakasalan kita." Seryosong sabi ni Bryan kay Cheonsa.

"Talaga ba?" At masayang tumango si Bryan.

"Sabi mo 'yan ah? Hihintayin ko 'yan!"

"Itong puno na ito ang saksi!" At sabay nilang inukitan ng first letter ng panglan nila sa puno.

B

C

Ngunit hindi nila alam na sa likod ng puno ay may nakikinig sa kanila.

"Hindi ito maaari!" Kaya ang ginawa niya ay tumakbo siya sa loob at hinanap ang parents nila Bryan at Cheonsa.

"Tita, Tito!" Napalingon naman ang apat.

"ano iyon Theodore?" Nakangiting tanong ng Mommy ni Cheonsa.

"Sila Cheonsa po at Bryan! "

"Bakit? Anong meron sa dalawa?" Napakagat naman ng labi si Skylen.

"Nangako po kasi silang dalawa na magpapakasal daw po sila paglaki." Halata ang pagkagulat ng apat sa sinabi ni Theodore kaya akala ni Theodore ay pagagalitan sila Cheonsa pero nagkamali siya.

"Aba't-- haha akalain mo nga naman." Bigla siyang nagulat nang magsitawanan ang mga ito.

"Mukhang kailangan natin iyong tuparin ah" sabi ng mommy ni Cheonsa na tuwang tuwa pa. Dahil sa usapin ng apat ay 'di na napigilan ni Theodore kaya tumakbo na siya.

"Hindi ito maaari."

End~

"Pero ng matapos ang nangyari sa inyo ay doon ko lang naisip na mali talaga iyon--" naputol ang pagsasalita ni Theodore ng biglang sumabat si Cheonsa.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now