Chapter 38

30 3 0
                                    

Cheonsa's PoV

"Ba't ka ba nag-eempake tukmol?" Tanong ko kay Bryan na kasalukuyang naglalagay ng damit niya sa bag.

"Mag-empake kana rin." Sabi niya sakin habang patuloy sa paglalagay ng damit.

"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong dito.

"May pupuntahan tayo." Umupo ako sa tabi ng kama niya.

"At saan naman tayo pupunta aber?" Napatigil siya sa page-empake at napatingin sa akin.

"Basta." At pinagpatuloy sa ginagawa niya. Napakamot nalang ako ng ulo at sinunod ang sinabi niya. Dinala ko ang dapat dalhin at lumabas.

"Ganiyan suot mo? Nakapambahay?" Sabay turo niya sa damit ko. Oo nga 'no? Pumasok ulit ako ng kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako at bigla akong hinila ni tukmol palabas at pinasakay sa kotse.

"Saan ba talaga kasi tayo pupunta?" Naiirita ko ng tanong.

"Manahimik kana lang." Sinamaan ko naman siya ng tingin. Iniayos niya ang bag na dala namin at umupo na sa driver's seat.

"Matulog ka muna, medyo malayo layo pa biyahe natin." Sinunod ko ang sinabi niya. Pumikit na ako at nakaramdam ng antok.

"Cheonsa! Cheonsangot! Nandito na tayo!" Nakaramdam ako ng pagyugyog. Pagdilat ko mukha agad ni tukmol ang nakita ko.

"Nandito na tayo?" Tanong ko. Tumango naman si tukmol. Tumayo na ako at pagkalabas ko nasa isang private house kami kung saan paglabas ni tukmol ay dagat na.

"Bakit may Yacht?" Tanong ko sa kaniya nang makita ang yacht. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng malapad.

"We're going to an Island!" Napanganga naman ako.

"W-what?! Seriously?" Tumango naman siya na may ngiti parin.

Naunang pumasok si Tukmol sa Yacht at inilahad ang kamay niya.

"Tara na!" Nag-aalinlangan pa ako pero kinuha ko na ang kamay niya at sumakay na sa yacht.

"Ilang araw tayo dun?" Tanong ko.

"Ewan." Sabay shrug pa ng shoulders niya. Nag-blank face nalang ako at pumunta sa labas para makita ang paligid. Huminga ako ng malalim at napangiti. Ang ganda at ang sariwa talaga ng hangin sa dagat.

Saan naman kaya ako balak dalhin ng tukmol na 'to? Ang dami talagang alam ng lalaking ito.

Tahimik akong nakatayo dito ng nakaramdam akong may dumampi sa balikat ko. Pagkatingin ko ay isang jacket. Napatingin naman ako sa naglagay at si tukmol lang pala.

"Baka lamigin ka." Hindi ko alam pero bakit kinilig ko sa simpleng salita niyang 'yan? Hindi ko narin maintindihan ang sarili ko nitong mga araw. Sa tuwing magkakatinginan kami sa mata ay gusto ko ako lang ang nakikita niya, kapag magsasabi siya ng mga sweet words o nag-aalala siya sa akin ay nag-iinit ang mukha ko, kapag ngumingiti siya napapangiti na rin ako at paglalapit siya sa akin ay bumibilis ang tibok ng puso ko. What's happening to me? Why am I feeling that suddenly?

"I can handle myself." Sabi ko pero nginisian lang ako nito.

"I don't think so." Hindi rin nagtagal ay pumasok narin ako sa loob.

"Nandito na tayo." Bigla niyang sabi. Lumabas naman ako at nasa isang isla kami.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kaniya na kasalukuyang nag-aayos ng gamit.

"Nasa private resort namin." At lumabas na siya na dala ang bag niya. Ay ah, hindi man lang sinaman sa'kin. Kinuha ko narin ang bag ko at sumunod sa kaniya.

Ang ganda ng resort nila, I can see trees everywhere, may mga cottages rin pero iilan lang. May nakita rin akong bahay sa taas ng bundok.

"Tutunganga ka lang diyan?!" Rinig kong sigaw ni tukmol at pagtingin ko sa kaniya malayo na siya kaya naman binilisan ko na ang paglalakad.

Nang makalampas na kami sa mga cottages may nakita akong Van at sumakay naman doon si tukmol at wala na akong nagawa kundi ang sumakay nalang din. Hindi na ako nagtanong kung saan ang punta namin kasi sugurado akong hindi niya sasagutin ang katanungan ko.

Puro puno lang ang nadadaanan namin at paakyat din. Habang paakyat mas nakikita ko ang view ng isla, mas nakikita ko ang lawak ng dagat at kung gaano kaasul ito, napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ito.

Hindi rin nagtagal ang biyahe namin . Pagkababa ko ng van, isang malaking bahay agad ang tumambad sa akin.

"Ito yung bahay kanina na nakita ko." Bigla kong sabi habang nakatingin sa bahay.

"Bahay bakasyunan namin ito." Sabi ni tukmol. Ang laki nito.

"Tara pasok na tayo." Sumunod naman ako sa kaniya. May mga katulong pala ang nandito. Agad silang yumuko ng makita si Bryan.

"Welcome back po Master Bryan at Mistress Cheonsa." Nagulat naman ako sa bati nila. Lumapit ako kay Bryan upang magtanong pero naunahan niya ako.

"Don't ask, ganiyan lang talaga sila."

"How did they even know me?" Tanong ko, yun naman talaga ang itatanong ko.

"My parents." Napatango nalang ako.

"Ayan ang room mo at ito naman ang akin." Sabi niya sabay turo sa room ko na katapat lang ng room niya.

Pumasok na ako sa room ko at nahiga agad.

"At ano nanaman kaya ang pakulo nitong tukmol na 'to?" Ayan ang katanungan ko ngayon. Bakit kaya dinala niya ako dito? Napabuntong hininga nlang ako at pinikit ang mata ko.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now