Chapter 32

36 4 1
                                    

Cheonsa's PoV

Naguguluhan na talaga ako. Ano ba ang ibig sabihin ni tukmol na pag naalala ko? Nagka-amnesia ba ako? Pero malabong mangyari yun sapagkat wala namang aksidenteng nangyari sa akin noon.

Hindi ko nalang inisip iyon at naisipang kumain nalang.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina at binuksan ang refrigerator naghahanap lang ng makakain.

Sinuri king maigi ang refrigerator at may nakita akong yogurt doon. Ano ba lasa nun? Never kasi akong pinapakain ni Mom ng ganito eh, hindi ko daw magugustuhan ang lasa.

Kinuha ko na ito mula sa refrigerator at binuksan ang laman.

Tinikman ko ito at...

Pwe! Ang pangit nga ng lasa!

"Bryan patikim naman niyang kinakain mo." Pamimilit ko kay Bryan, kasi ang daya niya! siya may kinakain ako wala!

"Ayoko nga! Baka ubusin mo eh." Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang sama talaga nito.

"Dali na! Tikim lang naman eh!" pinipilit ko parin.

"Ayoko!"

"Ang damot!" At nag-pout ako dito, aalis na sana ako kaso bigla niya akong tinawag, hindi ako tumingin. Eh ayaw naman niya akong bigyan ng pagkain.

"Ito na! Papatikimin na nga kita eh." Napatingin ako bigla sa kaniya at masayang nilapitan ito.

"Talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong, tumango naman sya, iniabot nya ang pagkain nya at tinikman ko ito.

"Pwee! Ang pangit ng lasa Brian!" Reklamo ko dito sabay idinura yung pagkain sa lababo.

"Hindi mo nagustuhan? Ang sarap kaya." Nakatingin naman ako sa kaniya na ang pangit ng kinain.

"Ayoko niyan! Sige sa'yo nalang ulit." At sabay bigay sa kaniya ng pagkain niya.

"Ah!" Napa-aray ako bigla at napahawak sa ulo ko. May narinig naman akong yapak sa hagdan na papunta dito.

"Ayos ka lang?!" At inalalayan niya akong makatayo, ang sakit talaga sa ulo!

"Ano'ng nangyari?!" Tanong nanaman niya. Hindi muna ako nakapagsalita dahil sa sakit ng ulo ko, pero ng makalipas ang minuto ay medyo nawala na ito.

"Ayos kana?" Napatango nalang ako sa kanya. Kinuhaan naman niya ako ng tubig at uminom ako.

"Ano ba kasing nangyari? May naaalala ka nanaman ba? Ano yun? Share mo naman sa'kin." Tinignan ko nalang siya at tumingin nalang din siya sa akin sabay tanong.

"Bakit?"

"Ang OA mo." Sabi ko dito at tumayo.

"Oh! Kaya mo naba?" Napatawa na ako sa kaniya.

"Bakit ka tumatawa?" Inosenteng tanong niya.

"Kasi naman eh! Kanina kapa! Natawa na tuloy ako." At tumawa ulit ako.

"Bakit? Masama bang mag-alala sa taong mahal ko?" Napatigil nman ako dahil sa sinabi niya. Wait, bakit ang bilis ng takbo ng puso ko? Nag-iinit din ang mukha ko.

"E-ewan ko sa'yo! I-inaantok kapa ata! Itulog mo nalang 'yan!" At dali-dali akong umakyat ng kwarto ko. Hinawakan ko ang mukha ko at ang init talaga ng mukha ko!

Ewan makatulog na nga lang!

Brian's PoV

ANG CUTE NIYA! Ang cute niya mag-blush! Sana na picture-an ko 'yon!

Ano kayang nangyari kanina? Tinignan ko ang kusina at may nakita akong yogurt na nakapatong sa lamesa. Nakabukas ito at may konting bawas.

Mukhang tinikman niya ito at hindi naubos kasi for sure hindi nanaman nasarapan. Ayaw na ayaw pa naman niya sa yogurt. Nakaaalala na kaya siya? Ano nanaman kaya ang naaalala niya? Ayaw rin naman kasing sabihin sa akin.

Maya-maya ay may nag-doorbell sa gate kaya lumabas muna ako para tignan ito.
Nang pakalabas ko ay laking gulat ko sapagkat nandito sila kuya Namjoon.

"BRYAAAAAAAN!!" Bungad na sigaw agad ni Grabriel pagkabukas ko ng pinto. Napaka-ingay talaga ng taong ito

"INGAY!!" Sigaw ko dito, dungaw na dungaw ko sila mula dito sa pintuan namin.

"PAPASUKIIN MO NA KASI KAMI MYGHAAD!" Aba! Frustated na frustrated pa ang mokong habang nagpapaypay sa sarili.

Nilapitan ko na sila at pinagbuksan ng gate.

Lumayo agad ako kay Gabriel kasi for sure mangyayakap nanaman ito.

"Ang sama!" At nagdabog pa. Hindi ko nalang siya pinansin at pinapasok ko nalang sila sa loob ng bhay.

"Ano ba kasi ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila ng makapasok na sila sa bahay.

"Wala, na-miss lang naming mambuwisit dito." Wala talaga akong masabi sa kanila .

"Nah, just don't mind him bro, we really missed you because this past few days we didn't have any bonding moments." Napangiti naman ako sa sinabi ni Namjoon hyung, oo nga pala nandito din yung mga best friends ni Cheonsa at kasama din yung mga girlfriends nila hyung.

"Nasaan si Cheonsa?" Tanong sa akin ni Hanna habang nililibot ang mata niya sa paligid. Napatingin naman ako sa taas at tinuro ang kwarto niya. Agad naman silang pumunta doon at iniwan kaming mga boys dito.

"Kumusta na kayo?" Naiinis talaga ako dito kay Theo, baka kasi agawin niya si Cheonsangot ko sa akin, ayaw kong masira ang relasyon namin ni Theo.

"Ayos lang naman." Sabi ko na nakatingin sa kaniya, pero siya hindi siya nakatingin sa akin subalit ito ay nakatingin sa kwarto ni Cheonsa.

"Any process in your relationship?" Tanong sakin ni Timothy. Napangiti naman ako.

"Yes, and guess what."

"What?" sabay sabay pa talaga nilang tanong.

"I remebered everything." Napatingin naman sila sa akin na may confuse look. Napatingin naman ako kay Theo at nakatungo lang siya.

"What do you mean bro?" Napatingin kaming lahat kay Louis hyung, maliban lang nga kay Theo dahil nakatungo parin ito.

Napatingin naman siya sa amin.

"Ano?" Nag-panic naman agad si Gabriel.

"WAAAH!! Some demon sapi sapi him!" Napatawa naman kaming lahat, pero si Louis hyung nagtataka paring nakatingin sa amin.

"Ano ba kasi 'yon?" At sabay kamot sa ulo.

"Sinapian ka ng English language." Tawang tawang sabi ni Zean hyung at kami rin naman tawa ng tawa.

"Mga gago!" at sabay taas ng gitnang daliri nito sa amin kaya nagtawanan muli kami.

"Pero ano nga kasi ibig mong sabihin Bryan?" Nakaseryoso naman silang nakatingin sa akin at halatang naghihintay ng sasabihin ko.

"My memories... my memories before the accident." Paumpisa ko sa kanila.

"Ano bang nangyari sa'yo noon?" Napaseryso naman agad ang mukha ko dahil sa tanong ni kuya Zean.

"Kasi..."

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now