Cheonsa's PoV
Kanina pa ako hindi mapakali sa pagtingin niyang 'yan.
"Ano ba problema mo?" Hindi ko matiis at napatanong na ako. Nakapatong ang baba niya sa palad niya at nakatingin sa akin.
"Bakit?" Inosente niyang tanong at nakatingin sa akin, konti nalang masasapak ko 'to!
"Bakit ba kahit saan ako magpunta nakatingin ka?" Tanong ko dito ng naiirita.
"Trip ko lang?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nilapitan ko siya at binatukan, buti nga sa kaniya.
"Ano nga kasi? Napaka mo!" At sabay sinamaan ng tingin.
Napataas naman siya ng dalawang kamay niya na para bang nakadroga at susuko na upang magbagong buhay.
"Wala lang talaga, trip ko lang. Promise!" At aba nag-cross my heart pa ang mokong.
Napa 'tch' nalang ako na may kasamang irap at umakyat sa kwarto ko, hindi ko siya ma-take lalo na ung pagsunod niya ng tingin sa akin, ang creepy kaya.
Brian's PoV
Napansin pala ni Cheonsangot 'yon? Yung pagsunod ko ng tingin sa kaniya, sa totoo lang binabantayan ko ang bawat pagkilos niya, kung saan man siya pumunta at kung ano ang mga ginagawa niya ay sinusundan ko ng tingin. Ewan ko ba, napapraning na ata ako.
Basta ang alam ko lang ayaw ko siyang mapahamak.Umakyat na ako at kumatok sa kwarto nuya at aba hindi binuksan ang pinto.
"Cheonsangot buksan mo 'to!" At patuloy ko paring pagkatok. Kinuha ko ang isa pang susi na nasa akin at binuksan ito.
Pagbukas ko...
Wala siya, tinignan ko ang paligid at nakabukas ang bintana. Mukhang alam ko na kung saan siya dumaan.
Lumabas na ako ng kwarto at nagbihis. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang GPS, itra-track ko siya kung nasaan man siya.
Pagkakita ko aba nasa park ang asungot.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na ng kotse.Ano nanaman kaya ang naisip ng asungot na 'yon? Sakit talaga sa ulo 'yon kahit kailan. Nang makarating na ako sa park ay sinundan ko ang GPS.
Pero teka...naggi-gitara siya? At kumakanta? Trip nito? Lumapit ako at nakipagsiksikan sa mga tao kasi ang daming mga nanunuod.
"Hold my hand when you need somebody
I'll be that somebody somebody, we're in this for life yeah~
Only look at me when you need a shoulder
I'll be that somebody somebody, we're in this for life yeah~"
Lahat ng tao ay nakangiti habang pinapanuod siya, halatang halata na dama nila ang bawat pagkanta niya.
Ang ganda, ayan lang ang masasabi ko at nasa isip ko pero...
YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanficPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]