Cheonsa's PoV
Nandito kami ngayon sa Osaka! Na-miss ko na dito! Ang gaganda ng mga tanawin.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at kumuha ng mga litrato.
At ngayon ay naglalakad kami papasok sa Osaka Aquarium kitang kita sa labas palang ng lugar na 'to ay maganda na paano pa kaya kapag nasa loob na kami?
Nang pagpasok namin sa loob, napamangha ako, grabe ang ganda talaga dito.
"Baka makalimutan mong may kasama ka." Rinig kong sabi sa likod kaya naman tumalikod ako at nakita si tukmol na nakapamulsa pa.
"Ay kasama pala kita?" Pang-aasar ko pa at aba naman sinamaan lang ako ng tingin. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Pinicture-an ko rin ang mga isda na nakikita ko, dati nag-alaga ako ng isda pero namatay din agad.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at dahil nga sa busy ako kaka-picture ay hindi #ko namalayan na nakabunggo na pala ako.
"Gomen! Gomen!" Paghingi ko ng tawad at paulit ulit na nagbow dito, baka kung anong gawin sa'kin nito.
Nakarinig nalang ako ng tawa mula dito kaya naman tumayo na ako ng diretso.
"Ayos lang." Sabi nya sabay tawa ulit.
"Nagtatagalog ka?" Tanong ko dito, akalain mo yun? Marunong siyang magtagalog.
"Oo naman." Sabi niya sabay tawa ulit kaya napakamot ako sa ulo ko.
"Ah sige, sorry at nabangga kita, una na ako." Sabi ko at nag-bow na. Hindi ko na inantay ang sagot niya sapagkat pagkatingin ko sa paligid ay wala na ang tukmol kaya naman dali-dali ko siyang hinanap.
Bakit ba ang hilig niyang mang-iwan? Hindi man lang nagpaalam, kabuset na tao.
"Sino hinahanap mo?" Tanong ng tao sa likod ko kaya naman hinarap ko ito. Kabuset kang tukmol ka!
"Ikaw! Hayop 'di mo man lang ako sinabihan na lalabas ka at bibili ng pagkain at aba sarili mo lang ang binilhan mo ano?!" Satsat ko dito, nakakinis siya napaka-selfish! Hindi ba niya alam na gutom na rin ako?
"Bakit, nagsabi kabang bilhan kita?" Konting-konti nalang masasampal ko na 'to! Sinamaan ko siya ng tingin at sabay hablot sa kinakain niya. Agad kong kinagatan 'yon at bumelat sa kaniya.
"That's mine!" Pilit niyang inaagaw sa akin ang pagkain pero inilalayo ko sa kanya.
"Hindi mo ako binilhan eh kaya akin na 'to." Sabi ko at bumelat nanaman , hanggang sa hinabol na ako nito kaya naman tumakbo na ako.
"Akin na!" Sigaw niya pa pero 'di ko siya pinansin at tumakbo habang tawa ng tawa.
"Kinagatan ko na eh." Sabi ko at pinagpatuloy ang tawa.
"Hindi mo ba alam na kinainan ko na 'yan!" Napatigil ako sa sinabi niya, kinagatan ko tapos may kagat din niya ito...
So it means na indirect kiss yun hindi ba? ...
Hmp! Sa mga straw lang yun at baso eh!
Dahil nga sa napatigil ako ay agad niyang kinuha ang pagkain niya at sabay kagat dito.
"T-teka kinagatan ko na 'yan eh." Bakit ba ako nauutal?
Tinignan niya ako at pinitik ang noo ko, masakit yun ah!
"Eh bakit? Kinagatan ko na rin 'to eh." Sabi niya sabay alis, ayan nanaman siya sa pang-iiwan niya 'di na ako makakapayag this time.
"Saan punta mo?" Tanong ko sabay sunod dito.
YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanficPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]