Cheonsa's PoV
Nagising ako bigla dahil sa napanaginipan ko. Yung dati kong napanaginipan, napanaginipan ko nanaman. Kung saan nasa paraiso daw ako at nakasuot ng puti. Bakit ko naman kaya napanaginipan ulit 'yon?
Huwag ko na nga lang intindihin. Kumuha ako ng jacket at lumabas, pumunta ako sa malapit na park at naglakad lakad muna. Dahil sa panaginip ko ay 'di na ako makatulog. Tinignan ko ang cellphone ko para tignan ang oras, at 2:35 a.m na ng madaling araw, buti nalang nagdala ako ng jacket dahil malamig dito.
Napagisipan kong mag-jogging para bawas lamig. habang nagja-jogging ay parang may naaaninag ako sa 'di kalayuan na lalaki.
Habang papalapit na ako dito ay namumukaan ko na siya.
"Theodore?" Hindi ko sure na tawag, tumingin yung lalaki at si Theodore nga.
"Oh, Cheonsa, ang aga mo ah." Sabi niya habang napangiti, napatawa naman ako ng mahina at ipinasok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko.
"Ikaw rin naman eh." Nag kwentuhan kami ng nagkwentuhan hanggang sa hindi nanamin namalayan ang oras.
"4:10 na pala." Sabi ko ng tignan ko ang oras sa cellphone. Mga ilang oras narin pala kami nagkwekwentuhan.
"Gusto mo bang kumain?" Napatingin naman agad ako kay Theodore ng sabihin niya 'yon.
"Libre mo?" Nakangiti kong tanong at napatawa naman siya at um-oo. Tamang tama at gutom narin ako.
Pumunta kami sa malapit na kainan at um-order.
"Ano gusto mong kainin?" tinignan ko ang menu at mukhang lahat naman sila masarap.
"Kahit ano basta makakain." Tumango nalang siya at siya na daw mago-order kaya naman naghanap ako ng mauupuan. Hindi naman nagtagalumupo narin siya dala ang tray na may pagkain.
"Hmm...Ang sarap!" May narinig naman akong 'click' kaya naman agad akong napatingin kay Theodore na may hawak na cellphone at nakatutok sa akin.
"Oy! Ano 'yan ha?!" Pinakita niya sa akin at aba! Na-mimicture ng walang paalam.
"Ang sagwa! Burahin mo 'yan!" Pero binelatan lang ako nito at tinawanan.
"Remembrance ko sayo!""Walang remembrance remembrance! Burahin mo 'yan! Ang panget oh!" Pero 'di ako pinapakinggan at tawa lang ng tawa.
Nang matapos na kaming kumain ay patuloy ko parin siyang kinukulit na burahin ang picture na kinuhaan niya kanina.
"Ayoko! Remembrance nga yun eh!" Napa pout ako sa sinabi niya.
"At saka, ang cute mo kaya."
"Anong cute! Ang sagwa kaya. Halos malamon ko na diyan yung kutsara eh!" Natawa naman siya.
"Cute nga!" Patuloy parin kaming naga-argue about sa picture hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay.
"Siya sige pasok na 'ko! Huwag mo pagkakalat 'yan ah!"
"Oo!" Pumasok na ako sa loob at nang pag pasok ko ay bumulaga sa akin si tukmol na naka cross arm.
"Saan ka galing?" Taas kilay niya pang tanong sa akin.
"Nag-jogging?" Hindi ko alam kung bakit patanong kong sinabi 'yon.
"At magkasama talaga kayo ah?"
"Uhm..nagkita lang kami kanina hindi naman sadya eh." Bakit feeling ko nagpapaliwanag ako sa harap ni Dad? Nagcross arm si tukmol at masama paring nakatingin sa akin.
"Sa susunod, huwag kana ulit makikipagkita do'n ah?!" At sabay walk out. Sinabi niya rin 'yan sa'kin dati, bakit ba ayaw na ayaw niya kay Theodore? Mabait naman yung tao ah?

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanfictionPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]