Cheonsa's PoV
Nandito ako ngayon sa yacht, umiiyak at pabalik na sa manila. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung mga nangyari kanina.
Ang sakit, sobrang sakit, yung tipong 'di ka niya magawang pagkatiwalaan. Ano ba kasing nangyayari?
Marahas kong pinunasan ang aking mga luha at pumasok ng yacht para matulog na lamang, mas mabuti ng matulog nalang ako ngayon para kahit saglit ay 'di ko maalala ang mga nangyari kanina.
Napahiga na ako ng kama at pumikit, ilang segundo lang ay nakatulog na rin ako.
______Nagising ako dahil sa naramdaman kong tumigil na ang yacht, pagkasilip ko sa bintana ay nakarating na pala kami kaya naman nag-ayos na ako at lumabas sa kwarto. Nang makababa na ako ng yacht ay tumawag ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay namin, hindi sa bahay na tinitirhan namin ni tukmol, kundi sa bahay talaga mismo namin.
Ewan ko pero hindi ko feel ang umuwi doon ngayon kaya naman diretso sa bahay namin ang punta ko, pagkapasok ko sa bahay ay si Manang Cath agad ang sumalubong sa akin.
"Oh Cheonsa bakit naparito ka?"tanong ni Manang sabay kuha sa mga bag ko. Napatingin ako sa kaniya sabay buhos ng aking mga luha.
"Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Manang Cath sa akin, sabay yakap niya sakin.
Hindi muna ako nakasagot sapagkat iniyak ko muna kay manang ang lahat.
Nang mahimasmasan na ako ay ikinuwento ko kay Manang ang lahat."Alam mo Cheonsa, dapat 'di ka umalis doon, sana initindi mo muna siya." Sabi sakin ni Manang.
"Pero manang paano ko siya iintindihin? Eh hindi niya nga sakin pinaiintindi ang mga nangyayari." sabi ko sabay punas ng luha.
"Kaya ayaw niya ipaitindi ay dahil sa ayaw ka lang niya sigurong masaktan. Alam mo Cheonsa mas mabuti pa siguro kung kausapin mo 'yang Theodore na 'yan at alamin mo ang totoo." Napa-isip naman ako sa sinabi ni Manang.
"Sige Manang, salamat po." Bago ako umalis ay niyakap ko si Manang ng mahigpit.
Pagkalabas ko ay nagtawag agad ako ng taxi. Tinext ko narin si Theodore.
To: Theodore
Magkita tayo.
Maya-maya lang ay nag-reply na rin siya.
From: Theodore
Sige, sa usual place.
Ang usual plce na 'yon ay kung saan kami kumain nung pagkatapos namin mag-jogging noon.
Nang makarating na ako doon ay dali-dali akong pumasok sa loob.
Hinanap ng mata ko si Theodore. Kailangan ko ng malaman ang totoo.Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Theodore na nakaupo at nakapalumbaba. Nilapitan ko ito at naupo sa harap niya.
"Mukhang alam ko na ang pag-uusapan natin." Sabi niya habang nakatingin sa labas sabay tingin sa akin.
"Ano ba talagang nangyari ha?" Napabuntong hininga si Theodore.
"Nagka-Amnesia ka." Napa 'huh' naman ako sa sinabi niya. Anong sinasabi niyang nagka-amnesia ako?
"Halika nga." At sabay hila niya sa akin palabas. Pinasakay niya ako ng kotse at nag-drive na siya.
"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.
"Basta." Napasandal nalang ako at napabuntong hininga. Wala naman kasing patutunguhan pa kung kukulitin ko siyang tanungin hindi ba?
Ilang minutong biyahe ay nasa isang maggubat kami. Tanda ko 'tong lugar na ito, dito kami noon nagcamping.
"Anong ginagawa natin dito?" Lumabas naman ng kotse si Theodore kaya lumabas narin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/54750702-288-k835850.jpg)
YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanficPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]