Cheonsa's PoV
Nandito ako ngayon sa terrace tinitignan silang mag-swimming, wala pa kasi akong balak mag-swimming baka mamaya nalang.
"Haha habulin mo'ko." Tumingin ako sa banda nila Eunice na ngayon ay hinahabol ni Zean, ang sweet talaga ng dalawang ito sana magkatuluyan sila.
"Hanna picture tayo." Ayun tumingin naman ako sa banda nila Hanna at Tim na ngayon ay nagpipicture, nako ito talagang dalawa na 'to, bakit ba kasi ayaw pa ligawan ni Tim itong si Hanna? Halata namang may gusto na siya dito eh.
"Hindi kaba mag-swiswimming?." Nagulat ako ng makita ko si Alexis Unnie na nasa likod ko na pala.
"Unnie naman, tinakot mo'ko dun ah." Sabi ko sabay hinga ng malalim, napatawa naman suya.
"Nako, hindi kaba maliligo?" Tanong niya ulit, ngumiti naman ako dito.
"Mamaya na, gusto ko po kasi masolo ang dagat." Tawa kong sabi kaya naman tumawa din sya.
"Siya sige alis nako, hinihintay nako ni Namjoon." Sabi niya at sabay sara ng pinto, tumingin ulit ako sa baba at nakita ko namang wala si Bryantukmol bakit kaya wala siya? Well who cares about him anyway maliban sa parents and friends niya?
Mamaya lang ay unti unti na silang nagsipasukan hanggang sa wala ng tao sa dagat kaya napagpasiyahan kong magbihis para makaligo sa dagat.
"Ate, hindi ka talaga maliligo?" Tanong ni Eunice habang pinupunasan ang katawan niya.
"Maliligo palang haha." Sabi ko at lumabas na, dagat here I come!!
Nang makarating na ako sa dagat ay hindi na ako nag alinlangan na sumisid, sa pagsisid kong iyon ay nakakita ako ng mga iba't ibang uri ng mga isda kaya kinuha ko ang phone ko na nasa loob ng waterproof na bag na nakasabit sa leeg ko't pinicture-an ang mga ito.
Ilang minuto din ako sumisid at nang pagkaahon ko ay hindi ko maiwasan na magulat sa nakita ko.
"Like what you see?" Naka-smirk niyang tanong. Lakas naman ng loob nito para sabihin 'yon, aaminin ko ang g-ganda ng katawan niya pero ugali hindi kaya naman iniba ko ng direksyon ang tingin ko baka kung ano pang isipin ng isang 'to. Nakita ko rin ang tattoo sa may bandang gilid ng kaniyang bewang, hindi ko alam na may tattoo pala ang mokong na 'to.
"Sinakto mo pa talagang tayong dalawa ah." Sabi niya, kapal nito ah, hindi ba niya alam na kanina pa ako dito at siya 'tong biglang sumulpot sa harap ko.
"Kapal ng mukha mo, kasing kapal ng Miriam Webster." Sabi ko at humarap, hindi ko talaga maiwasan tumingin sa katawan niya nakaka-distract!
"Sus, gusto mo lang makita 'tong yunmy abs ko eh." Anak ng tokwang tinapa na anak ni Bryantukmol naman oh ang hangin ah liliparin ata ako.
"Wow ha! Hindi porket may abs ka at yummy na! Ewww atsaka baka ikaw 'tong sumunod sa'kin!" Sabi ko dito and cross my arms with frustration, nakakabanas siya!
"Ako? susundan ka? Para saan? Assuming ka, baka nga ikaw 'to eh." Aba naman ako susundan siya? Masyado na siyang mahangin at baka bumagyo pa.
"Hindi mo ba nakitang sumisid ako? Bulag ata." Sabi ko na may pang aasar at kita ko sa mukha niya na naaasar siya, kala mo ah.
"I'm not blind! And I'm too busy sa paglangoy para makita kang sumisid, sumisid nga hindi ba paano naman kita makikita kung nasa ilalim ka ng dagat? Tanga lang ganun?" Wow ha! Ako pa tanga? Kaya naman inirapan ko siya.
"Malay mo simula una palang nakita mo akong lumangoy kaya sumunod ka rin!" Sabi ko at sabay lakad palayo kung nasaan siya. Nako makabalik na nga lang may shokoy kasi eh.

YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanfictionPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]