Chapter 9

55 5 0
                                    

Cheonsa's PoV

Nagpaalam na ako sa mga girls na aalis ako para pumunta sa office ni Mom at ngayon naman nasa kotse ako at ipinagmaneho ako ni Manong Edgar.

"Manong Edgar ilan nga po ulit anak ninyo?" Tanong ko sa kaniya, lahat naman ng trabahador sa amin ay ka-close ko.

"Nako Cheonsa ilang beses mo na natanong 'yan." Sabi niya kaya naman napatawa kami, eh kasi naman si Manong masyadong maraming anak kaya minsan napapaisip ako kung ilan ulit 'yun.

"Dali Manong Edgar last na ito Promise." Sabi ko sa kanya.

"Pito Cheonsa." Hindi ba ang dami niyang anak.

Ilang oras din ay nakarating na kami sa Company Building namin.

"Ingat Cheonsa ha?" Sabi sakin ni Manong. Ang bait talaga ni manong.

"Ingat din po kayo Manong Edgar, dahan-dahan lang po sa pagmamaneho ha?" Sabi ko sa kaniya kaya naman napatawa nalang sya.

Pumasok na ako sa building namin at ang mga tao doon ay binati ako habang naglalakad.

"Good Morning po Ma'am Cheonsa, tagal ka ng hindi bumibisita dito Ma'am ah." Bati sakin ng Secretary ni Mom.

"Kaya nga po eh." Sabi ko naman at ngumiti sa kaniya. Hinatid ako ni Secretary Paula sa Office ni Mom and Dad.

"Ma'am, nandito na po si Ma'am Cheonsa ." Sabi ni Secretary Paula ng kumatok siya sa pinto at agad naman kaming pinapasok.

Nang makapasok na ako sa loob ay agad kong niyakap si Mom and Dad.

"Namiss ko kayo!" Sabi ko habang nakayakap sa kanila.

"We missed you too dear." Pagkatapos nu'n ay pinaupo na ako ni Dad sa harap nila at tumingin sakin ng seryoso, ano kayang problema?

"Bakit niyo po ako pinapunta dito?" Tanong ko sa kanila, nagtinginan naman sila at tumingin ulit sakin.

"We're going to Arranged Marriage you." Seryosong sabi ni Dad kaya naman nagulat ako sa sinabi niya, Arranged Marriage? Ako?! No Way!

"You're joking, right?" Tanong ko sa kanila pero seryoso talaga sila.

"Pero bakit?" Tanong ko ulit sa kanila mediyo nalungkot ako du'n.

"Kasi naman Cheonsa nalulugi na ang kompanya natin at tutulungan lang tayo ng kaibigan ko kung ikakasal kayo ng anak niya." Seryosong sabi ni Dad.

"Hindi ba pwedeng wala ng arrange marriage?" Tanong ko pero umiling nalang sila, bakit naman gano'n.

"K-kanino po ako ikakasal?" Tanong ko sa kanila at hindi parin makapaniwala.

"Malalaman mo 'yan bukas kaya naman mag-ayos kana bukas at may susundo sa iyo." Tumango lang ako at malungkot na umalis.

Hindi ba pwedeng wala ng kasal kasal? Kaya minsan mas ginusto ko pang maghirap kesa naman sa ganito nga pero pagnalugi ang kumpanya ako din ang sacrifice, nakakainis naman oh!

Hindi muna ako umuwi samin kaya naman nagpunta nalang ako kung saan ako nakakaisip ng mapayapa. Sa tabing dagat kaya sa tabing dagat sapagkat nakakatingin ako sa malayo at sariwa ang hangin dito, dito rin ako umiiyak kapag may problema ako at ngayong may problema ako dito na ako pumunta.

"Why so unfair?" Sabi ko sa sarili ko, umupo ako sa buhanginan at tinignan ng mapayapa ang dagat.

"Buti pa ang dagat mapayapa, eh 'yung nararanasan ko ngayon, hindi!" Sabi ko ulit hanggang sa may nagsalita sa likod ko.

"Hindi mo rin masasabi na mapayapa ang dagat sapagkat kung minsan ito rin ang dahilan kung bakit ang daming nawawalan sa buhay." Salita ng lalaking nasa likod ko, pagkalingon ko nakita ko nanaman ang lalaking kinaaayawan ko.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" Pagmamasungit kong tanong, bakit sa dinami-dami ng pagkakakitaan namin ay dito pa sa comfort place ko.

"Malamang malapit lang dito bahay ko." Malapit lang dito bahay niya?

"Eh, ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa malayo.

"Nag-swiswimming." Sarcastic kong sagot sa kaniya, ano ba 'yan bwisit na nga ang araw ko, mas lalo pa niyang bwibwisitin?

"Oh? Nag-swiswimming ka pala? Hindi ako na-inform na pinaglalanguyan na pala ang buhangin?" Aba loko 'to ah!

"Kase nga 'di ka na kailangan i-inform kasi hindi ka naman special." Sabi ko at sabay irap sa kanya, tumayo na ako para makaalis ng hindi ko na makita ang pagmumukha ng lalaking ito baka makapatay pa ako.

"Ingat ka, baka ma-rape ka ng maligno." Aba may gana pa siyang magsabi ng ganiyan?

"Ikaw din baka ma-rape ka ng Shokoy." Sabi ko at dahan-dahan ng umalis pero nagsalita ulit sya.

"Hindi kami talo." At pagkatapos nu'n ay umalis narin siya. BWISIT talaga siya nako pasalamat siya at mabait pa ako nito.

Nang makauwi ako sa bahay ay nandu'n pa sila Hanna kaya naman napayakap agad ako sa kanila.

"Why? what problem Cheonsa?" Tanong ni Jessica sa akin pero hindi ako nagsalita.

"Cheonsa kung ano man 'yan , tandaan mo nandito lang kami sa tabi mo para damayan ka, okay?" Sabi naman ni Hanna, kumawala ako sa yakap nila at pinapunta sila sa kuwarto para sabihin ang nangyari.

"WHAT?! Na arranged marriage ka?!" Tanong sakin ni Violet at hindi siya makapaniwala ganu'n din ang iba.

"Kakasabi ko nga lang hindi ba? Nakakainis talaga! Bakit naman kasi ganu'n." Sabi ko at sabay higa sa kama ko.

"Paano na iyan Cheonsa?" Tanong ni Hanna sakin at umupo siya sa gilid ng kama.

"Well, wala na akong magagawa kung hindi go with the flow." Sabi ko ng may kalungkutan, hindi ko alam ang gagawin ko, ano naman kaya magiging buhay ko kapag nakasal na ako? At sino naman kaya ang lalaking iyon? Sana naman hindi kasing sama nung Lalaking IYON.

What?! Marriage?!Where stories live. Discover now