Shadow's PoV
"Girl, kwento naman diyan." Sabi ni Violet habang nakatingin kay Hanna ng may nakakalokong ngiti.
"Wala naman akong dapat ikuwento eh." Sabi ni Hanna at lumayo ito ng tingin kay Violet.
"But, we just wanted to ask how you met." Hirit ni Jessica with a pout effect, dahil do'n ay parang nag-aanlinlangan naman si Hanna kung magkukuwento ba siya o hindi.
"K-kasi ganito 'yon." At dahil doon ay napakuwento nalang si Hanna kung paano sila nag-meet ni Timothy.
"Talaga?! Seriously?!" Sigaw na patanong ni Violet kay Hanna at halata sa itsura nito na hindi siya makapaniwala.
"So sweet of him." Dagdag ni Jessica habang nakadikit ang kanyang dalawang palad.
"Sweet agad? Hindi ba pwedeng mabait siya?" Sabi ni Hanna sa kanila.
"Sus, ano ba girl sweet nga eh." Napatango nalang si Hanna sa sinabi ni Violet.
Cheonsa's PoV
Grabe ang ingay nila sa loob paano naman kase pinilit nilang magkwento si Hanna kung paano sila nag-meet ni Timothy kaya ayun napilitan nalamang si Hanna ikuwento sa kanila.
Nandito ako ngayon sa balkonahe namin at nagpapahangin since nai-istress ako kapag naaalala ang mokong na bumangga sa akin.
"Cheonsa." Napatingin ako sa likuran dahil sa may tumawag sa akin, at ng pagkaharap ko ay si Hanna lang pala.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"May problema kaba?" Tanong niya sa akin ng mahinanon, napangiti ako dahil concern ang aking kaibigan. Buti pa si Hanna may pakialam kesa sa dalawa diyan na busy sa kakaisip kung ano ba ang itsura ni Tim.
"Ah...wala." Pangiti kong sabi sa kaniya kaya napangiti narin sya.
"Pasok na tayo sa loob, malamok eh." Sabay tawa nito, at tama siya dahil malamok nha, kaya naman pareho na kaming bumalik sa loob at isinara ang pinto.
Bryan's PoV
"KUYA!!!" Sakit sa tenga makasigaw kala mo naman bingi ang tao.
"Ano?!" Tanong ko sa kaniya na may pagkainis, paano naman kasi busy ako dito sa ginagawa ko ay bigla nalang susulpot sa harap ko at maninigaw. May sapak din siguro 'to.
"Kuya shopping tayo!" Grabe siya mangugulit lang para doon, kaka-shopping lang namin nung nakaraan ah?
"Magpasama ka nalang sa iba." Sabi ko ng naiirita, pero kinukulit parin ako, kakalbuhin ko na 'tong babaeng ito.
"Magpasama ka nalang kay ate Alexis or kay ate Vannah mo." Sabi ko sa kaniya at pinagpatuloy nalang ang ginagawa ko.
"Eh, kuya naman may date si Ate Alexis at Kuya Namjoon eh." Sabi niya sakin, oo nga pala nakalimutan ko.
"Edi kay Ate Vannah mo nalang." Sabi ko sa kaniya at bigla siyang nag-pout.
"Kuya naman! may lakad sila ni Kuya Louis eh." Ano ba 'yan puro may lakad.
Ah, alam ko na!
"Edi kay Zean mo." Sabi ko sa kaniya at napa-smirk ako, ramdam ko na nag-blush siya sa sinabi ko, kala mo hindi ko alam yun ha? Ako pa.
"K-kuya naman eh!" Napatawa ako sa reaksyon niya ang cute talaga ng kapatid ko grabe alam ko namang kinikilig 'yan.
"Sige na magpasama kana sa kaniya, wait tatawagan ko para sa'yo." Sabi ko at sabay kuha ng phone at tinawagan si Zean, agad din naman niya itong sinagot.
YOU ARE READING
What?! Marriage?!
FanfictionPaano kung ikasal ka sa lalaking hate na hate mo na sa unang pagkikita niyo? Ano kaya ang maaaring mangyari kay Bryan at Cheonsa? [COMPLETED]