Chapter 1

2.7K 74 0
                                    


Tuwing gabi parati akong nakapangalumbaba sa bintana ko. Hindi ko alam kung bakit pero para kasi sakin mas masarap ang simoy ng hangin tuwing gabi. Ako si Cristel Danus ang nag iisang anak ng kamahalang Yna at Michael Danus. Hindi ko maramdamang andito sa kaharian at sa buhay ko ang mga magulang ko. Kung bakit? yun ay dahil parati silang wala sa piling ko kahit pa nasa iisang tahanan lamang kami.Wala ring nag turo sakin kung pano nga ba maging isang prinsesa. Oo maging isang prinsesa. Marahil nawalan na ng pag asa ang mga magulang ko simula ng mamatay ang kapatid kong si Michael II. Hindi pa raw ako pinapanganak ng mamatay ang kuya ko kaya hindi ko rin alam kung anu bang itsura ang meron sya. Walang larawan dito sa bahay.
Bigla mag kumatok sa pintuan.


"Pumasok ka"

Lumabas sa pinto ang isa sa mga katulong.

"Mahal na prinsesa Cristel pinapatawag po kayo ng mahal na hari."


"Bakit raw?"


"Hindi ko po alam ang dahilan"


"Sige sabihin mo susunod ako"


Nabakas sa mukha nya ang takot.


"Kamahalan ang sabi po ng mahal na hari ipapapatay nya raw po ako pag hindi ko kayo kasamang humarap sa kanya."


Napairap nalang ako. Ganyan ang Papa parating ginagamit ang kanyang kapangyarihan para mapasunod ang bawat taong nasasakupan nya.


"Sige mag aayus lang ako, mag hintay ka rito."


Sa loob ng silid ko ay mayroon pang isang kwarto. Nag bihis ako roon at inayus ng maayus na maayus ang aking suot. Kung hindi ko yun gagawin malamang ay mapapagalitan nanaman ako ng aking mga magulang. Lumabas ako ng suot ang pula kong damit.


"Halika na"


"Opo"


Sumunod na sya sakin. Pag dating namin sa kwarto ng aking mga magulang sya ang kumatok at nag bukas ng pintuan.


"Pinapatawag nyo raw po ako."


"Maupo ka."


Umupo ako sa isang upuan na may dalawang upuan pang layo mula sa kanilang dalawa. Ayokong masyadong napapalapit sa mga taong gumawa sa akin.


"Lumapit ka pa Cristel paano mong mauunawaan ang sasabihin namin kung ganyan ka kalayo?"


Utos sakin ng mahal na Reyna Yna. Kaya lumapit ako sa harapan nila.


"Napagpasyahan namin ng iyong Ina na ipakasal ka."


Iyan ang malinaw na salita ng Mahal na haring Michael. Nawala ang kundisyon ng utak ko sa mga narinig ko. Hindi ko lubos maisip na gagawin nila sakin ang pinaka malupit na bagay na naisip ko.
Ipakasal ang isang dalagang walang ibang kilala kundi ang mga katulong sa kaharian at ang apat na sulok ng kanyang silid. Wala akong ibang kilalang lalaki maliban kay Papa at kay Michael na aking kapatid.


"Cristel nakikinig kaba?"


"Pero Papa-Mama hindi ko kilala ang lalaking iyun?"


"Makinig ka Cristel. Matanda na kami ng iyung Papa kailangan na namin ng papalit sa aming pwesto. Wala ng ibang paraan duon maliban sayo. At higit sa lahat may pagbbantang pag sakop sa ating kaharian. Isipin mo hindi lamang ang iyung sarili."


Ayokong makipag isang dib dib sa taong ni minsan ay hindi ko nakita at nakilala. Hindi ko yun magagawa saking sarili.


"Bakit kayo? Inisip nyo rin ba ang kapakanan ko? Mama?"


"Ayusin mo ang pag sagot mo"


Tumayo si Papa para sampalin ako. At natanggap nga ng kaliwang pisngi ko ang bigat ng kamay ng aking Ama. Hindi ko na sila hinintay na mag salita at umalis na ko sa loob ng silid. Nag mamadali akong tumakbo papunta sa silid ko ng umiiyak. Hindi ko maisip kung bakit sila pa ang aking naging mga magulang. Ayoko ng manatili sa isang kahariang wala namang ibang ginawa kundi diktahan ang pagkatao ko simula umpisa. At hindi ako papayag na maging sa pagpili pa ng aking mapapang asawa.
Pag dating ko sa aking silid marahan kong inisip kung paano bang makakatakas sa loob ng kaharian. May bantay sa bawat sulok ng kaharian. Kung gaano kahirap ang pag pasok doble non ang paglabas.
Dumungaw ako saking bintana. Natanaw ko ang isang maliit na tuloy papunta sa kakahuyan.
"Kailangan ko ng makaalis rito sa lalong madaling panahon."
Ito ang tanging nasabi ko saking sarili.
Pinag dugtong dugtong ko ng pagkakatali ang lahat ng kumot saking higaan. Hanggang sa makabuo ako ng mahabang lubid na pwede kong gawing paraan para makababa. Kinuha ko ang balat ng usa na ibinigay sa akin ng aking tiyahin noong ika-labing pito kong kaarawan. Inilagay ko sa loob noon ang lahat ng aking alahas at ilang pirasong panloob na kasuotan. At umalis sa loob ng kaharian


PARA SA MGA FIRST TIME READER. I JUST WANT TO SAY THANK YOU AT SANA IPAGPATULOY NYO PA ANG PAG BABASA. I'M PLANNING TO REVISED THIS STORY SO ANY SUGGESTION IS HIGHLY APPRECIATED. JUST SEND ME A MESSAGE. I'M GIVING A CREDIT SO DONT WORRY. 

MAY MGA GRAMATICAL ERROR PA TO AND TYPOS SO SANA PAGPASENSYAHAN NYO MUNA ^^ IEDIT KO DIN NAMAN PAG NAG KA TIME.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon