Chapter 31

431 9 0
                                    

Tumalon kami ni Trina sa gitna ng isang kumunoy na lumitaw sa gitna ng batis pag tapos nyang hiwaan ang sarili nya at ang sarili ko para sa patak ng dugo namin.

"Oh my God thank you so much. Cristel you're awake."

Masayang masayang sabi ng lalaking nasa harapan ko. Meron syang singkit na mata, matangos na ilong at kulot na buhok. Makisig rin syang tignan.

Napansin kong tumutulo yung mga luha nya habang hawak hawak nya yung mga kamay ko at nakalapat sa labi nya.

Sa bawat tulo ng luha nya parang unti unti nagaan yung pag aalala ko sa mga nangyayari. May kakaibang saya sa puso ko nung naramdaman ko yung mga kamay nyang hawak hawak yung akin. At ngayong kaharap ko sya. Hindi ko mapigilang huminga ng mabilis.
"I love you so much Cristel please don't leave me again. I alreadt accept who you are no matter what or where you came from."

Napatingin ako kay Trina na naiiyak lang din saming dalawa. Miya miya bumukas ang pinto at may napaka gandang babaeng pumasok sa loob ng kwarto. Sa sobrang ganda nya pwede ko na syang sabihin kapatid ni Trina. Kasunod naman nya yung lalaking kadugo ko. Ang kuya ko.

"Are you ok?"

Tanung ni Kuya. Pero sa loob ng utak ko ang totoong sinabi nya ay wag kong ipapaalam na mag kapatid kami. Hindi ko maintindihan kung bakit pero sumunod nalang ako. Hindi daw nawala ang alaala ko kay kuya dahil nag kita na kaming dalawa.

Pero yung lalaking kaharap ko ngayon hindi ko alam kung kilala ko bang talaga.

"Cristel nakakapag salita ka na ba? Gusto mo na bang kumain?"

Tanung nag magandang babae.
Umiling lang ako. Merong kakaibang aura sa napakagandang babaeng 'to katulad ng aurang meron si Trina. Hindi ko na alam kung paano ba ko aarte sa mga nararamdaman ko. Nahihirapan na ko.
Ang nag iisa at ninanais ko lang malaman sa mga oras na 'to ay malaman kung anung pangalan ng lalaking naiyak at may hawak ng kamay ko habag halik halik nya 'to kasi sobra nyang gwapo. Kinikilig kong sabi sa isip ko. Nawala sa isip kong nababasa nga pala ng kuya at Trina ang utak ko.

"Cristel mag salita ka naman please"

Salita ulit ng poging lalaking nasa harapan ko.
Ang pogi nya talaga bakit ba kasi hindi ko nalang sya matandaan agad.

Napatingin ako kay Trina dahil sa iba na yung takbo ng utak ko. Ibig ko bang sabihin iba na ko mag salita hindi na katulad ng kanina o nung nasa kaharian ako.

"Ganyan talaga Cristel wag mo ng masyadong pansinin lalo ka lang malilito."

Kaya nag inarte nalang akong nauuhaw ako.

"Nauuhaw po ako."

"Ito tubig Cristel, inumin mo"

Inabot nung magandang babae yung baso ng tubig sakin. After kong uminom yung poging lalaki sa harap ko nakatitig lang sakin.

Emeged matutunaw na ko wag kang ganyan. Napansin kong tinignan ako ni Trina at si kuya naman natatawa lang na naiinis.

"Sa totoo lang hindi ko kayo maalala."

Bumagsak yung mukha ng lalaking kaharap ko. Naramdaman kong nalulungkot sya kaya feeling ko tuloy ako may kasalanan.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon