Masasabi mo bang masamang layuan ang taong minsang naging mahalaga sa buhay mo?
Yung taong unang una mong nakilala mula nung napunta ka sa lugar na kinalalagyan mo?
Yung taong naging matalik mong kaibigan for an instant.
Pero dahil lang sa ginawa nya, mas pinili mo nalang na balutin yung puso mo. Para hindi mas mahulog para sa kanya. Kasi alam mong bandang huli masasaktan ka.
~*~
Halos ang tagal na simula nung hindi na kami masyadong nag papansinan ni Leon. Ako pa rin naman yung secretary nya. Hindi nga lang katulad ng dati ngayon madalang nalang kaming mag usap. Asa bahay pa din naman sya nakatira. Sabay pa rin kaming kumain. Sabay pumasok at sabay nag tatrabaho. Pero ngayon iba na talaga. Simula ng makita kong nakikipag halikan sya."Cristel may meeting ba ko ngayon?"
"Wala Leon. Actually wala kang kailangan gawin ngayon kasi diba last week pinaspasan na natin dahil mag ki-christmas na."
"Hmm ok. May gagawin ka ba?"
"Wala naman"
Bumalik yung mata ko sa computer. Maganda kasi yung binabasa kong book sa wattpad. Pero napansin ko naman si Leon na mejo nag kukutkot ng kuko.
"Ahh Cristel will you on date with me?"
Biglang nag sisisigaw si Trina sa mga narinig nya. Ako naman napanganga lang. Hindi ko alam kung anung isasagot ko. Sya naman nakatingin sa kabilang direksyon. Hanggang sa nag karon na ko ng guts na mag salita.
"Tayo mag dedate?"
"hmm Yes. Tonight. With my family"
"W-with your family? Hmm nakakahiya wag na. Ayoko"
Bakit naman kasi nya ko ipapakilala. Diba guys? tapos ngayon agad. Haller. Ok na ko sa buhay ko ngayon. Kain/pasok/facebook/Wattpad/trabaho/kain/tulog. See ganun lang. Hindi ko na nga sya pinapansin eto naman sya ngayon.
"Cristel they already know you"
"H-how?"
"Because of Lance"
Sagot naman nya.
Oowww si Lance oo nga naalala ko sya. Hmm"pero bakit naman ipapakilala mo ko. Mahalaga bang makilala nila ang secretary mo?"
Tanung ko ulit. Nilog-out ko na yung mga account ko at pinatay yung PC. Nakatayo na rin ako't inaayus yung mga gamit ko.
"Yes. You're not just a secretary Cristel. You're someone special"
Nag tatalon, nag lililipad si Trina sa ere. Para syang baliw. Nakakatawang nakakainis. Kasi paminsan kinikiliti nya ko pero pinipigilan kong gumalaw dahil baka mapag kamalan akong baliw ni Leon. Pero ngayon hindi ko na mapigilan yung ngiti ko. Natatawa ko sa kanilang dalawa. Kay Trina kasi baliw na sya at kay Leon.kasi sobrang namumula sya.
"You're as tomato Leon."
"kasi nakakakabang mag confess"
Napahinga sya ng malalim at nilabas yun sa bibig nya.
"Confess?"
Napakamot lalo sya sa ulo nya.
Nag tatapat ba sya ng pag ibig sa ginagawa?Nanlaki bigla yung mga mata ko ng na realise ko yung ginagawa nya.
"TANGA LANG ATE ANU.KA LOADING?"
Sarkastikong tanung at pambabara sakin ni Trina. Nung napansin ni Leon yung facial expression ko. Biglang huminto yung oras o yung oras lang sakin dahil sa pag lapit nya sakin. Huli kong naramdaman to nung araw na nasaktan ako sa nakita ko.
Dahan dahan syang lumapit sakin. Hindi ako makagalaw. Gusto kong sigawan si Trina sa ginawa nya sakin.
"Anung kalokohan to Trina?"
"gusto lang kitang maging masaya Cristel. Alam kong mahal mo na sya. Ganun din naman sya eh."
Bigla ng inalis ni Trina yung ginawa nyang pag papahinto ng oras sakin. Hanggang sa nasa tapat ko na si Leon. Yung lapit ng mukha namin nung araw na hinatid ako ni Lance sa bahay. Kung anung lapit ng mukha namin nung naka upo ako sa sofa ganun kalapit yung mga mukha at katawan namin ngayon. At palapit pa ng palapit.
"Cristel gusto kit--"
Biglang bumukas yung pintuan ng office naming dalawa. Hindi pala namin napansing may nag knock na kanina pa.
"Ay sorry kuya"
Biglang lumabas si Leon sa nakita nya.

BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...