Chapter 20

524 10 0
                                    

"May pag asa ba ko?"

Hindi ko magawang mag salita sa mga tanung nya. Isang buwan na simula nung nag dinner kami kasama yung family nya.

"Cristel hindi ka nanaman nag sasalita"

Panu naman kasi akong mag sasalita. Hinaharass nya ko. Ikaw ba makakapag salita ka kung katapat mo na yung bibig nya? sobrang lapit nya parati sakin. Kung minsan nga gusto ko syang tanungin kung papatayin nya na ba ko.

"Layo ka muna?"

Mas lalo syang lumapit.

"Leon layo na. Hinaharass mo ata ako eh"

bigla nya kong niyakap kaya yung dibdib nya na yung kaharap ko ngayon. Sa tagal nyang nanligaw ngayon nya lang ako niyakap. Kahit na parati kaming malapit sa isa't isa which is sya naman yung nagawa nun hindi ako. Ngayon nya palang talaga ko niyakap.

Hindi ko maiwasang hindi maamoy yung pabango nya. Kaya pinilit kong iangat yung ulo ko. Kasi feeling ko masosofocate ako sa sobrang bango.

"You just like a snoopy dog"

Dahil may free hand akong dalawa. Kinurot ko ng sabay yung tagiliran nya.

"Ang yabang mo na"

"nag bibiro lang naman ako Cristel"

Umupo na ko sa desk ko at nag log in ng wattpad account ko. Ang ganda kasi nung binabasa kong story ngayon. Yung AvriLover by @CrazyCristy nakakakilig kaya.

"Itigil mo na nga yung panliligaw mo"

"what? Nag bibiro ka ba?"

"Nope."

Seryoso kong sagot.
Sa loob ng utak ko pinag dadasal ko na sana ma gets mya yung gusto kong iparating.
"seryoso ka ba talaga? Pinapatigil mo na ko?"

"oo nga Leon."

"Pero bakit?"

Wala naman kasi akong lakas ng loob para sagutin sya ng "Oo Leon sinasagot na kita"
Kaya tumayo nalang ako.

Lumapit ako sa kanya ng sobrang lapit. Sa kanya ko lang naman.natutunan tong ganito. Bad influence yang si leon eh.

"Cris---"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya. Nilapat ko yung mga labi ko sa labi nya. Kaya hindi na sya nakapag salita. After ng ilang segundo. Aalis na sana ko sa ganun naming pwesto pero hinawakan nya yung likod ko kaya mas lalong pumasok yung mga labi namin sa isa't isa.

"Leon hindi ako marunong"

"It doesn't matter."

Hinalikan nya lang ako hanggang sa tumagal nagawa ko ng sumabay sa bawat galaw nya. Nararamdaman ko yung bawat sulok ng labi nya. Yung lasa ng bibig nya. Hindi ko alam pero ang saya palang makipag halikan.sa taong mahal ko.

"Mahal? oMG Cristel? Mahal mo na sya?"

Hindi ko pinansin si Trina dahil masyado akong abala sa ginagawa namin ni leon. Hanggang sa naubusan na kami ng hangin na pag sasaluhan.

"hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya Cristel"

"I-ikaw din"

Niyakap nya ko mg mahigpit. Sabay kawala at takbo sa labas at sigaw.

"Sinagot na ko ni Cristel"

Nag palak pakan yung mga tao sa labas. Panu sa loob ba naman kasi ng halos isang buwan. Araw araw may inuutusan syang mag bigay sakin ng bulaklak. Kaya kung dati hindi ako nakikipag usap at si Leon lang ang kilala ko ngayon halos lahat na rin ata sila.

Habang tuwang tuwa sya sa labas dahil sinagot ko na sya. Napahawak naman ako sa labi ko na hanggang ngayon ay mainit pa.

"Masaya ko para sayo"

"salamat Trina"

"Cristel ingatan mo ang puso mo. Kapag sinaktan ka nya hindi ko isasangkalang anak anakan sya ng kuya mo"

"Trina salamat."

Biglang pumasok si Leon sa loob. At napansin nyang hawak ko yung labi ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapangiti sa saya. Una dahil si Leon ang unang nakakuha ng halik ko. Pangalawa meron na kong nobyo. Sana maging masaya ng tuluyan si Mama at Papa para sakin. Masaya na ko dito. Sana sila rin.

"Ang sarap palang makipag halikan"

Natatawa kong sagot. Nagulat naman si Leon sa sinabi ko.

"Ibig sabihin ako palang ang nakakahalik sayo?"

"Haha oo, ikaw din ang unang boyfriend ko"

Bigla nya ulit akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit. Masaya ba talagang maging first boyfriend? Hindi ko nalang pinansin yung mga tanung sa isip ko. Ang mahalaga masaya kk ngayon.

"Ako ang first boyfriend mo? Ako rin ang first kiss mo? ako rin ang first romance mo? Nakakatuwa naman Cristel. Sobrang saya ko dahil dun"

"Tapusin na muna natin yung trabaho natin."

"Oo tama"

Inayus na namin lahat ng dapat tapusin. Nung mag gagabi na.

"Punta tayo kila Daddy at Mommy gusto kong ipakilala sa kanila yung bagong girlfriend ko."

Sabay hawak nya sa kamay ko. Lumabas kami ng office ng meron pang natitirang iilang tao.

"Oh uwian na ahh"

Sabi ni Leon dun sa isang babae. Iyun yung bagong hire na office staff.

"May ibinigay pa po silang trabaho sakin Sir. Kailangan na po bukas"

"Ganun ba? Sige dito na kami ng girlfriend ko"

Pag mamalaki nyang sagot dun sa bagong employee. Natawa naman yung bagong employee. Nag lakad na kami papunta sa elevator. At sa pag pasok namin biglang nag pakita si Trina.



________

Hellow readers :) thanks for reading my story sana nag eenjoy kayo. wag nyo kalimutan mag VOMMENTS.

lovelots and Godspeed


My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon