Chapter 32

429 11 0
                                    

"Maiwan muna namin sya sayo Leon dito na muna kami ng Mommy Trixy mo."

Lumabas na sila kuya or let us say Daddy nitong lalaking kaharap ko. Sayang naman ibig sabihin pala pamangkin ko sya. Nalungkot naman ako bigla.

Nakatitig lang sya sakin ganun din naman ako sa kanya.

"Hindi sya totoong anak ni Michael, Cristel ampon lang sya at hindi nya yun dapat malaman. Walang pwedeng makaalam na mag kapatid kayo ni Michael."

Mahigpit na wika ni Trina sakin habang nasa kabilang side naman sya nung kama.

"Yes Trina"

Nagugulat talaga ko sa way ko ng pag sasalita ngayon pero kagaya ng sabi nila kuya at Trina kailangan kong masanay.

"sorry pero wala talaga akong maalala maliban sa pangalan ko."

"ok lang, pero Cristel gusto ko lang sabihin sayong tanggap kita kahit sino ka pa or kahit saan ka pa nanggaling. Kaya kong mag hintay kung hanggang kailan mo ko makikilala or maaalala. Basta please wag mo na kong iiwanan ulit. Mahal na mahal kita"

Niyakap nya ko ng mahigpit na parang tatakas ako.

"I can't breath"

Niluwagan nya yung pagkakayakap nya. Anu ka ba pogi hindi ako tatakas. Kinikilig kong sabi sa sarili ko.

"Sorry, Cristel. Na miss lang talaga kita. Namiss kong marinig yung boses mo at ikaw mismo. Mahal na mahal kita."

Hindi ko mapigilang kiligin kaya natatawa nalang si Trina sakin at bigla nalang nawala.

"Anung pangalan mo?"

"Leon. Cristel boyfriend mo ko."

Natawa ko bigla sa sobrang kilig kaya nangiti na sya. Ang pogi nya swear. Pwede na ko mamatay.

"Talaga ang swerte ko naman"

Nakangiti kong sagot sa kanya. True swerte ko talaga pano ang pogi nya. Natatawa talaga ko. Kinikilig ako ng sobra kaya feeling ko ang init ng loob ng katawan ko. Hindi ko talaga mapigilang tumawa lalo na nung natawa rin sya.

"Nag jojoke ka lang ata Cristel eh naalala mo talaga ata ako eh"

"No hindi talaga kita maalala sadyang napopogian lang talaga ko sayo."

Biglang nag seryoso yung mukha nya.

"Pero Cristel gusto ko lang malaman mong tanggap kita kahit na kakaiba ka. Kung may kapangyarihan ka man ayus lang sakin."

Kung kanina sya yung seryoso ngayon nalipat naman sakin. Hindi ko alam kung paano nyang nalaman yung tungkol sakin. Kaya napatahimik nalang ako.

"Cristel wala ka ba talagang matandaan?"

"Wala talaga. Pasensya na Leon"

Hinawakan nya yung kamay ko.

"Cristel, pinaliwanag mo yung lahat sakin. Ginamit mo yung kapangyarihan mo pero in the end ikaw yung nag suffer. Hindi ko alam kung bakit pero I try to search something about magical creatures. At sabi dun nahihirapan kayong gamitin yung powers na meron kayo once na nag iiba yung atmosphere sa paligid. Maybe that's the reason kung bakit ka na comma for the second time around. At ayoko ng maulit yun."

Nakikinig lang ako sa kanya. Pilit kong hinahanap sa loob ng utak ko at sa bawat sulok yung mga sinasabi nya pero wala pa rin talaga akong maalala. Siguro dahil nga sa katigasan ng ulo ko. Ang sabi ni Trina sakin sinubukan nya kong pigilan pero I love Leon too much na pati memory ko nagawa kong i risk. Pero ni hindi ko nga din alam kung gaano ba ko katagal na nakahiga.

"gaano ba ko katagal naging ganito."

Napailing sya sa tanung ko at yung kaseryosohan nya napalitan pa ng lungkot. Gano na ba ko katagal dito sa higaan na 'to?

"You've been in Comma for almost 3 and a half years. Kami lang ang nakakaalam na nandito ka lang. Everytime na may mag hahanap sayo we're always saying you're out of town."

"Three years?!"

Tatlong taon at kalahati akong tulog? Samantalang parang ilang araw palang naman akong nag sstay sa kaharian.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon