Chapter 22

479 12 3
                                        

Michael II's POV

hindi ko inaasahang sa mundo ng mga tao kami mag kikita ng kapatid ko. Ang akala ko nung una makikita ko na lang sya kapag bumalik ako sa kaharian. Pero pareho pala kami ng dinanas na kapalaran ang pinag kaiba lang ay minahal ko ang babaeng dapat ay ipapakasal sa akin.

Flashback

"Kailan kaya natin pwedeng ipaalam sa mga magulang natin yung tungkol sa relasyon nating dalawa?"

Niyakap ko sya papunta sa mga bisig ko. Hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Adelle ang panganay na anak ng kamahalang Jennel at Rosaldo. Sila ang pinaka malapit na kaibigan ng Papa, noon ng hindi pa nila alam ang relasyon namin ni Adelle.

"Michael mahal mo ba ko?"

"Oo mahal na mahal kita. Ikaw ang makakasama ko habang buhay, ikaw ang magiging nanay ng mga anak ko at syempre ikaw lang ang reyna ko"

Hinalikan nya ko sa pisngi kapag tapos kong sabihin yun ng mula sa puso ko.

Parati kaming natakas tuwing magkikita kami. Ang tagpuan naming dalawa ay ang batis sa hangganan ng kaharian namin at kaharian nila. Ang hangganan kung saan rin mag wawakas ang pag iibigan naming dalawa.

"Malapit ng mag dapit hapon ihahatid na kita"

"ako na ang uuwing mag isa baka makahalat ang Ama."

"Osige mag iingat ka"

Nag yakap kaming dalawa hanggang sa mag hiwalay. Hinatid ko sya ng tingin hanggang sa mawala na sya sa aking paningin. Kailan nga kaya namin masasabi ang relasyon naming dalawa.

"Michael kailangan na nating bumalik. Mag gagabi na"

"Oo Trixy kailangan lang natin mangaso para kay Ama. Sigurado akong matutuwa sya pag meron akong dala."

"Osige pero kailangan na natin mag madali"

Nag hanap nga kami ni Trixy ng usa at hindi nag tagal ay may lumitaw na isa. Kaming dalawa lang ni Trixy ang nakakaalam na ginagamit ko ang aking kapangyarihan. Ipinag bawal na kasi ito ng aking Ama.

Inuwi namin ang isang malaking usa. Pag dating sa pintuan ng kaharian sumigaw ng pagpugay ang kawal.

"Bigyan ng karangalan ang mahal na prinsepe."

Nag yukuan ang mga tao at pumasok na ako ng diredirektso. Pag dating sa loob pinalinis at ipinahanda ko ang usa sa tagapag luto ng kaharian.

"Nabalitaan kong nakahuli ka raw ng usa?"

"Oo mama, ipinahanda ko na sa kusinero."

"Napapadalas ata ang pag labas mo sa kaharian. Meron ka bang kinakatagpo?"

Natahimik akong saglit. Hindi ko alam kung paano kung sasabihin pero alam kong hindi ko na magagawang talikuran ang natuklasan ng Mama. Hindi sya mag kakaroon ng ganung klaseng ideya kung hindi sya nag mamatyag.

"Si Prinsesa Adelle parati rin syang nawawala sa kanyang klase. Iyan ang kwento ng kanyang Ina sa akin. Ikaw naman ay napapadalas ng pag labas. Nag tatagpo ba kayong dalawa sa hangganan ng bawat kaharian?

"Oo Mama"

"Wala naman kaming tutol sa pag iibigan nyong dalawa. Pero wala pa kayo sa wastong gulang."

"Alam po namin."

"Mabuti naman. Bukas na bukas ipapatawag ko ang mga magulang ni Adelle para sa isang kasunduan."

"Para po saan?"

"Sa inyong kasal."

"Talaga Mama? Gagawin nyo yun?"

"Oo pero hindi yun magaganap sa lalong madaling panahon"

Umalis na ng kwarto ko ang Mama. Hindi ako makatulog sa sobrang saya ng mga gabing yun. Alam kong magiging masaya kaming dalawa kapag nangyaring ipapakasal kami sa isa't isa.

Kinabukasan hinihintay kong dumating sila Adelle pero imbis na magandang balita ang dala nila.

"Ipapakasal ako nila Ama sa anak ng Haring Troy"

"Ano?p-pero pano tayo?"

"Hindi ko din alam Michael"

Tumakbo ako papasok sa silid na pinag pupulungan ng mga hari. Nadatnan ko ang mga haring masayang nag iinuman at nag kukwentuhan habang kasama ang mga reyna nila sa kanilang tabi.

"Michael anung kailangan mo?"

"Papa kailangan kong maikasal kay Adelle sya ang mahal ko. Pakiusap Papa gumawa kayo ng paraan."

Lumuhod ako sa harapan ng Papa para lang payagan ako at tulungan akong mabawi ang kamay ni Adelle sa anak ng haring Troy na si Rico. Nasa loob ng silid na yun si Rico at nakita ko kung paano sya matawa sa ginawa ko.


- - - - 

So ayun yung story ni Michael. How sad right?

GUys comment kayo kung anung na fefeel nyo about sa story I like comments 

#VOMMENTS 




My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon