"Sabi ko sayo diba, pag dating mo rito hindi ka magiging kawawa pero hindi katulad ng pinaggalingan mong mundo ang mundong to Cristel"
"Alam ko naman yun Trina. Tara libutin natin yung room ko"
Kinilabutan ako sa mga salitang narinig kong galing sa bibig ko. Room? Where's that word came from?
"Bakit ganito nako mag salita? Iba na yung mga salitang gamit ko?"
Napailing nalang si Trina. Nag punta sya sa mga lamesang nakasandal sa pader ng kwarto. At kumuha ng mga nakapatong na libro.
"Anu bang sabi ko sayo? Sinabi ko bang hindi mag babago ang utak at pananalita mo? Kasama yan sa mga nag bago simula ng pumunta tayo rito. Ang pananalita mo. Ang pag iisip mo. Ang mga gamit sa paligid mo. Mga katawagan sa mga kasangkapan. Lahat. Malalaman mo. Hindi ako papayag na mag mukha kang mang mang sa oras na makapunta tayo rito. Iyun ang dahilan ng mga dahon na nakita mo."
Nag tatalon ako sa tuwa dahil sa mga nalaman ko. Naiintindihan ko na paunti unti.
"Tara trina."
Nahahawakan ko pa rin ai Trina pero alam kong pag labas ng bahay na ito. Ako nalang ang tanging makakakita sa kanya.
"wag kang mag alala makakausap mo pa rin ako gamit yang"
Pinitik nya yung sintido ko.
"ouch Trina"
Natawa sya sa mga salitang binabangit ko. Tingin ko kahit ako kailangan ding masanay sa mga bagong pangyayaring nagaganap ngayon. Bigla akong nakaramdam ng gutom.
"pagkain Trina"
"mag luto ka"
Bumaba ako sa hagdan. Ibang iba nga ito kesa sa pinanggalingan ko. Doon ako ang pinag lilingkuran samantalang dito ako ang mag lilingkod sa sarili ko.
"Oo self service ka"
Tinignan ko sya ng masama.
"tigilan mo nga ang kkbasa sa isip ko"
"nag bibiro lang."
Lumipad si Trina para pumunta sa refrigirator. Pag bukas nya.
"walang lamang pagkain?"
Napasimangot ako at napaupo sa hagdanan.
"bumili ka nalang"
"hindi ko alam kung paano"
"gamitin mo yang utak mo.Pero bago tayo lumabas may ipapaliwanag ako sayo."
Pinaupo nya ko sa sofa at sya naman nakaupo sa ere kaya napupunta sa mukha ko yung tela ng damit nya.
"Inilagay ko na sa utak mo ang lahat ng mga bagay na kailangan mong malaman. Cristel alam mo na ang paraan nila ng pag sasalita. Alam mo na kung paano ka kikilos ng katulad nila at hindi mo kailangang pag hirapan ang pera mo dahil ako ang gagawa nun para sayo. Katulad ng sinabi ko hindi kita iiwanan. Pero ipangako mong lahat ng kakyahan mo ay gagamitin mo sa kabutihan. Hahanapin din natin ang kuya mo."

BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...