"Trina asan kayo? Asa kaharian na ko ni Rico tulungan nyo ko pag sasamantalahan nya ko."
Hinihintay kong may sumagot sa tawag ko. Pero wala kahit isa.
Habang hinahalikan nya ako pababa, nakita ko si kuya sa likud nya na may hawak na espada.
"Hindi mo ba nagugustuhan yung ginagawa ko? Mas magaling ba ang anak ko?"
"Napaka walang awa mo talagang tao".
Sabay hampas ni Kuya nung espada sa likuran ni Rico, nakapag bihis ako ng mabilis sa ginawa ni kuya. Kasabay ng pag agos ng dugo ni Rico nawala na yung humaharang na mahika papunta kay Leon. Pero hindi katulad ng kanina na nakikipag talik sya sa dalawang babae, ngayon nakikita ko lang syang nakatali sa upuan.
"Kagagawan lang ni Rico ang lahat. Kanina pa sya nakatali."
Napalingon ako sa boses ng babaeng nag salita. Hindi sya si Trina o si Trixy. Kaya mas nanlaki yung mata ko ng humarap ako sa kanya.
"Kalagan mo na ang anak ko."
"Prinsesa Adelle? Buhay kayo?"
Ngumiti lang sya at bigla na syang napunta sa paanan ni Leon. Sya yung kumalag sa mga paa ni Leon. Kahit nalilito ako, ako yung nag kalag sa mga kamay naman ni Leon.
"bakit po kayo andito, at papaano?"
Lumapit sya sakin ng sobrang lapit at naramadaman ko yung aura nila Trixy at ni Trina sa kanya. Naging isa syang dyosa?
"Oo Cristel, naging isa akong dyosa. At ako ang binigay ni bathala para patnubayan si Leon sa tamang panahon at ito na nga."
"pero paano po?"
Inilayo nya ako kay Kuya at Rico na kasalukuyang nag lalaban. Dinala namin si Leon sa tabi ni Lance na kanina pa tulog. Samantalang si Trina at Trixy naman kinulong nila sa dalawang babasaging bote kaya pinakawalan namin sila. Kanina pa pala sila nandito. Ako ang huling dinala ni Rico sa lugar nya.
"sino pong nag pakawala kay Kuya? At kaninong espada yung?"
"binigyan ko sya ng isang hibla ng buhok ko para gawing espada at nag puntol naman ako ng kuko ko para hindi sya masaktan."
Nang makakawala na sila Trina at Trixy nagulat din silang makita si prinsesa Adelle.
"Paanong nangyaring naging dyosa ka rin?"
Tanung ni Trina. Nanatili lang naman na tahimik si Trixy siguri kasi nagkakahiyaan sila ni Prinsesa Adelle. Hanggang ngayon hindi pa nya pinapaliwang samin kung paano at bakit.
"Nang mamatay ako sa panganganak kay Leon, humarap ako kay Bathala at nakiusap na makasama man lang si Leon sa kahit anung kondisyon. Napagkasunduan naming magagawa ko lang makasama si Leon kapag nakarating sya sa mundo natin. Sa totoo lang nawawalan na talga ko ng pag asang makasama sya pero ng malaman kong hinahanap sya ni Rico sinunda ko si Rico hanggang dito."
"hindi ka nya nakikita?"
Tanung namin ni Trina.
"Inalisan ni Bathala si Rico ng kakayahang makakita ng Dyosang pinatay nya. Kaya hindi nya ako nakikita."
Nag katinginan kami ni Trina. Isang tao si prinsesa Adelle kaya paanong naging isa syang dyosa?
"Hindi ako tao, ampon lang ako ng mga magulang ko. Nalaman ko lang din yun ng humarap na ko kay Bathala. Isa akong anak ng tao at dyosa. Kaya Trixy sa oras na mamatay si Lance magiging ispiritual na kawal sya."
Yun lang yung unang beses na nag tinginan si Trixy at Adelle. Nang maipaliwang na nya samin nagising na sila Lance at Leon. Nang makita ni Leon si Prinsesa Adell o Adelle sa madaling salita, hindi nya napigilan yung mga tanong sa isip nya.
Iniwanan muna nila kami sa loob ng silid. Mahigpit na pinag bilin ng Bathala kay Trina at Trixy na wag kaming papapuntahin kay Kuya at Rico kaya nanalangin nalang akong mag isa sa isang tabi. Nararamdaman kong nalulungkot si Trixy. Siguro dahil nangangamba syang mawalan na ng pag mamahal sa kanya si Kuya dahil bumalik na si Adelle sa kanya.
"Trixy wag ka ng malungkot."
"pero hindi ko lang maalis sa isip ko yung bagay na yun"
"Mommy, hindi yun gagawin ni Daddy. I'm sure. I know he loves you so much."
Niyakap nalang namin si Trixy at saktong pag pasok naman ni Leon at Adelle.
"Cristel"
Napalingon ako kay Leon at nakita ko syang naka open arms at hinihintay akong yakapin sya. Iniisip ko kung anung iisipin nila Trixy sa gagawin namin. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit kami napunta rito. Ako yung dahilan kung bakit sila nahihirapan ngayon sa sitwasyon. Gusto ko mang yakapin si Leon ayokong mag isip sila ng hindi maganda.
Naramdaman ko nalang na nabasa yung pisngi ko at niyakap ako ni Leon.
"You don't have to blame everything that happened to yourself. We chose to help you. We chose to rescue you here. Don't blame yourself baby"
Napahagulgol nalang ako lalo sa mga sinabi nya at nag sabi na rin sila na Trina at Trixy, Lance at Adelle.
"Sa totoo lang nag papasalamat pa nga ako sayo dahil kung hindi dahil sayo hindi ko na ulit makakasama ang anak ko."
Yumakap ako kay Adelle at niyakap nila kaming lahat. Natatawa ako sa kadramaha namin samantalang si Kuya nakikipag laban sa kabilang kwarto lang.
"Paano na kaya si kuya?"
"Oo nga Mommy kumusta na si Daddy?"
Nag aalalang tanung ni Leon at Lance kay Trixy. Napatingin naman si Trixy kay Adelle.
"Walang problema sakin yun. Bantay nalang ako ni Leon. At isa pa pinag bawalan na ko ni Bathalang magkaron ng kahit anung koneksyon sa mga tao sa nakaraan kong buhay."
Nanatili lang na tahimik si Trixy. Hindi nya din siguro alam ang lagay ni Kuya. Nanahimik nalang kaming lahat hanggang sa bumaba ulit yung kawal ni Bathala.
"Pinag uutos ng Bathala na pumunta na ang isa sa inyo sa kwarto para tumulong kay Michael, meron kayong kalahating oras para pag isipan kung sino ang papapuntahin ninyo"
Bigla ng nawala ang kawal ni Bathala pagtapos nyang ibigy samin ang mensahe.
"hindi namin sya matutulungan."
Sabay na sagot ni Trina at Trixy. Hindi hinayaan ni Rico na magamit ng mga dyosang nanggaling na sa ibang mundo ang kapangyarihan nila sa balwarte ni Rico. Hindi rin naman kaya ni Leon at Lance.
"Ako nalang."
Ngumiting pag peprisinta ni Adelle.
"Alam kong wala pa sa inyong may kakayanan na labanan si Rico. Higit sa lahat ayokong mapahamak kayo. Hindi kayang saktan ni Rico ang babaeng nag silang sa anak nya."
Tinignan ako ni Adelle.
"Katulad ng sinabi nya sayo kanina, sayo at sakin nya lang pwedeng makuha ang gusto nyang kuhain sa anak nya. Pero hindi pa kayo nag tatalik ni Leon kaya nasakin pa rin yun."
Tinignan ako ni Trina ng pang iintriga nyang tingin. Abnormal talaga tong babaeng to nakukuha pang makipag chimisan.
Umalis na Adelle at nag tungo sa kwarto kung nasaan sila kuya.
BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasíaMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...