Mag hahapon palang at paparating palang ngayon yung lalaking ipapakasal sakin kasama yung mga magulang nya.
Pinag ayus ako ni Trina ng ilang mga gamit. Katulad ng librong gamit namin sa pag aaral ng mahika. Si Trina yung mag akda nun pero pinasulat nya lang sakin. Dahil isa syang diwata hindi sya nakakahawak ng mga normal na bagay na nahahawakan ng mga inaalagaan nya. Kaya ako ang nag sulat.
"Pero diba sabi mo hindi ko naman papakinabangan ang kapangyarihan ko pag dating dun."
"Cristel sundin mo na lang ang mga sinabi ko. Sinabi ko na to sayo dati. Hindi naman kita papabayaan kahit saan pa tayo mapunta."
Ginawa ko nga yung mga sinabi nya. Nag lagay ako ng dalawang libro sa dala kong lalagyan ng mga gamit. Yung isa ay yung libro na pinasulat nya at yung pangalawa ay yung librong pinakuha nya sakin mula sa libruhan ng kaharian. Pinag dala nya rin ako ng maraming ginto at dyamante na kinuha ko naman sa kaha ng kaharian. Nang paplubog na ang araw. Binulag ni Trina ang lahat ng kawal na madadaanan namin. Hanggang sa makalabas kami ng kaharian ng hindi nila namamalayan. Pag tapak ng isang paa ko mula sa loob. Binalik ulit ni Trina yung paningin nila. Nag simula na kaming mag lakad papunta sa kakahuyan. Hindi kami pwedeng lumipad dahil baka merong makakita. Ang kaharian lang namin ang kahariang natatanging may mga kapangyarihan mula pa ng isilang. At ang kakayahang lumipad ay ibinibigay lang sa mga diwata/dyosa. Ang kakayahang pag lipad sa mga maharlika ay regalo naman ng mga diwatang bantay nila sa pamamagitan ng isang pares ng sapatos.
"Trina hindi pa ba tayo pwedeng mag pahinga?"
Napapagod na talaga ako at nangangalay yung mga paa ko. Halos ilang kilometro na yung nilakad ko samantalang si Trina nalipad dahil hindi naman kasi sya nakikita ng mga tao.
"Malapit na tayo"
Mga ilang kilometro na ulit yung nalakad namin at sobrang napapagod na ko. Kaya huminto muna ako saglit sa gilid ng isang puno. Nang bigla nalang akong hilain ni Trina. Pag tapos nun nakita ko na lang na kusang gumalaw yung mga sanga ng puno para habulin kami. Kaya kahit na pagod na sa kakalakad napilitan akong tumakbo.
"Malapit na tayo wag ka mag alala"
Lumipad na si Trina habang ako natakbo pa rin. Bakit ba hindi ko pwedeng gamitin yung kapangyarihan ko, tanung ko sa isip ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan sa pag takbo ko, nakarating na pala kami sa hangganan ng nasasakupan ng kaharian. Sa di kalayuan nakita ko yung isang mayabong na puno. Kahit na gabi na kitang kita ang mga bunga nito dahil sa sobrang dami.
"Dito tayo mag papahinga."
![](https://img.wattpad.com/cover/54751118-288-k771966.jpg)
BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...