Chapter 34

415 8 0
                                    

"Leon, saglit lang nasakit yung ulo ko."

Napahawak ako dun sa pintuan. Parang ayokong pumasok pero yung utak ko ang daming laman. Yung kama at mga gamit na dating nasa loob ng kwarto naging parang batis. Ang daming mga lalaking nakasuot lang kulay puti at may mga dalang bag. Mukha silang mga kawal. Bigla kong naalala yung nakita namin ni Kuya sa kaharian.

"paparating na sila, maghanda ka na"

Narinig kong bulong ni kuya sakin. Nasa magkaibang lugar man alam kong ako lang ang habol nila. Inalalayan ako ni Leon papasok. Akala ko nakakatuwang makakita ng mga bagay bagay na ako lang ang nakakakita hindi rin pala. Alam na ni Leon yung nakaraang meron ako pero yung pinag samahan naman namin hindi ko pa rin tanda.

Habang papasok kami sa kwarto at pahiga sa kama, unti unti nag iiba yung mga nangyayari sa paligid. Nakikita ko naman ngayon yung sarili kong nahihirapan habang hawal hawak ako ni Leon. Pangitain ba 'to? Mag hihirap ba ko kasama nya. Kasabay ng pag higa namin s kama at pag yakap nya sakin ng mahigpit mula s likod.

"Leon naalala ko na. Naalala ko na lahat."

Napabangon si Leon s pag kakahiga. Lumipat sya ng pwesto papunta sa harapan ko.

"totoo b yan Cristel?"

"Oo"

Naalala ko na lahat ng mga nangyari simula umpis hanggang s makabalik ako ng kaharian at muling ipakasal sa ibang lalaki. Niyakap ko si Leon. Kasabay ng yakap ko ang biglang pag bukas ng pintuan.

"Cristel andito na sila"

Umalis agad ako sa pag kakayakap ko at tumakbo papunta sa pintuan kung nasaan si Kuya.

"Kuya saglit"

Mabilis kaming lumabas ni kuya at tumakbo papunta sa labas, dun sa garden nila. Lumabas din si Mommy Trixy at gumawa ng isang malaking tubig sa ere.

Nag tataka ko sa ginawa ni Mommy Trixy. Kahit naalala ko na yung lahat hindi ko naman magawang maalala kung bakit ni kuya kailangang pakawalan si Trixy. Si Trixy yung dyosang bantay ni Kuya at asawa nya.

"Dad what is this?"

Tanung ni Leon galing sa likod namin.

"Please Leon lumayo ka muna samin. Saka na namin ipapaliwanag sayo."

Pakiusap ni Kuya.
Miya miya nakita nanamin kung saan napadpad na lugar yung mga kawal na dumaan din sa batis para makapunta rito sa mundo ng mga tao.

"Kuya anung mangyayari?"

"Hindi ko din alam. Pero simula ngayon wag kang lalayo sakin. Maliwanag?"

Tumango nalang ako at napaupo sa bench. Nakita ko naman si Leon na litong lito sa mga nangyayari. Lumapit sya kay Kuya.

"Dad bakit ka nya tinawag na kuya? Bakit may powers rin si Mommy?"

Napailing si kuya sa tanung ni Leon.

"Honey lets go inside."

Yaya ni Mommy Trixy sakin.
Kaya nag sipasok kami sa loob. Wala samin si Lance kasi nasa Canada sya ngayon at kanina lang sya umalis.

Naupo kami sa lamesa ng harap harap. Ako katapat si Mommy Trixy at si Kuya katapat si Leon.

"Anak makinig ka. Pareho kaming galing ni Cristel sa iisang lugar. Kapatid ko sya."

tinignan naman ako ni Leon. Pakiramdam ko nagagalit sya dahil hindi ko man lang sinabi.

"hindi alam ni Cristel na kuya nya ko not until nagkita ang mommy mo at si Trina."

"who's Trina?"

"Sa kaharian namin bawat isang anak ng maharlika ay merong binibigay na bantay na dyosa. Si Trixy, ang mommy mo sya ang bantay na binigay sakin. Si Trina naman ang bantay ni Cristel mag kapatid sila ni Trixy pero hindi mo sya makikita dahil tao ka."

Mas lalong nalito si Leon kasi nakikita naman nya si Mommy Trixy. Habang kausap sya ni Kuya binabasa ko naman yung utak nya pero hindi ko magawang basahin yung puso nya.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon