Chapter 39

412 6 0
                                        

Hindi muna kami pumasok sa office para naman makapag pahinga si Leon. Halos gabi na bumalik yung malay nya. Sila Trixy at kuya muna ulit yung nag take charges sa mga gawain sa kumpanya. Habang ako.si Leon at Lance pati si Trina gumawa ng paraan para hindi malaman ng mga kalaban kung asan kami. Nagagawa nilang kumontrol ng isip ng kahit na sino. Natatakot akong baka pati ibang tao saktan nila.

"Cristel wag ka na masyadong mag alala. Ayus lang ako."

"No. You're not as long as I'm with you you'll never be ok."

"Anung kadramahan yang pinag sasabi mo Cristel? Anung gagawin mo? Babalik ka sa Mahal na Hari at Reyna?"

Natameme ako sa sinabi ni Trina. Alam kong mahirap mag give up pero kung para naman sa kaligtasan nila gagawin ko. Alam kong ako naman talaga ang habol nila rito sa mundo ng mga tao. Kung sasama na agad ako edi mawawalan na rin ng silbi yung pag punta nila.
"Bakit mo isinarado yung utak mo? Anung iniisip mo?"

Tanung ni Leon sakin. Hindi ko masabing gusto ko ng bumalik para lang sa kapakanan nilang lahat. Kahit ako na lang ang babalik kahit hindi na kasama si Trina. Makakaya ko naman alam kong kaya ko.

"Wala akong iniisip."

Ngumiti lang ako sa kanila at lumabas ng kwarto. Nagugutom na ko kaya mag papahanda ako ng pagkain kila Manang. Simula ng nalaman ko na na si kuya ang Papa ni Leon dito na ko tumira. Binenta na namin yung bahay ko at bahay ni Leon.

"Cristel anung kinakain mo?"

"Pancakes pinagawa ko kay Manang. Gusto mo?"

"Hmm no thanks."

Na upo na si Trina sa upuan na nasa tapat ko. Alam ko nanaman sasabihin nyan. Pipigilan akong gawin yung mga bagay na plano ko. Ganyan naman yan si Trina. Lahat ng iniisip nya para sa ikakabuti ko. Pero ayokong maging isang selfish na tao. Kung totoong matapang ako. Magagawa harapin sila Mama at Papa. Hindi naman ako babalik para lang sa wala. Babalik ako sa mundo ko para ipaglaban si Leon sa kanila.

"Wag mo na yang ituliy Cristel. Mahihirapan ka ng bumalik."

"Alam ko Trina. Pero para naman sa ating lahat tong gagawin ko. Alam kong pasaway ang prinsesang naibigay sayo kaya sorry Trina. Kailangan ko tong gawin. Mahal ko si Leon kaya ipaglalaban ko sya kila Mama at Papa."

Napatungo nalang sa pag ka dismaya si Trina.

Desidido talaga ko sa gagawin ko. Alam ko namang kaya kong lumaban. Ang gusto ko lang wag na silang madamay dahil sakin.

- - -

"pabalikin nyo na yung mga kawal na pinadala nyo sa mundo ng mga tao. Andito na ko. Wala ng dahilan para manatili pa sila doon."

Napatingin si Mama sa direkyon ko. Nanatili namang makapangalumbaba si Papa. Hindi ko kailangang magpanggap na matapang na ko dahil matapang na talaga ko. Kung ikukulong ulit nila ako sa kwarto ko wala na akong pakialam.

"Sa wakas bumalik na rin ang pinaka mamahal ninyong prinsesa mahal na haring Michael. Anung masasabi nyo ngayon sa plano ko?"

Lumabas si Prinsepe Rico mula sa likod ko. Sinabi nya yung lahat ng nakatalikod ako. Sinasabi ko na nga ba. Tama ako ng naisip na ako nga ang kailangan nila. Pero hindi ko lang maisip kung bakit nadamay si Prinsepe Rico sa mga nangyayari.

"Anung kinalaman mo rito?"

"Nawawalan ka na ng galang mahal na prinsesa"

Kinuha nya yung kamay ko at hinalikan. Kulang na lang sampalin ko sya at saksakin para lang magantihan si Kuya ginawa ko na sana. Pero pinaralisado nya yung buong katawan ko sa halik na ginawa nya.

"hindi mo sya kailangang saktan Rico, hayaan mo muna syang makapag pahinga. Tutal hindi naman sya ang kailangan mo."

Matabang na sagot ni Papa sa ginawa ni Prinsepe Rico. Hindi ko maintindihan yung sinabi nyang hindi naman ako ang kailangan nila. Kung hindi ako sino?

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon